Tuesday, August 23, 2016
SPDRMO MULING TUMANGAP NG KALASAGA AWARD SA IKATLONG PAGKAKATAON
Muling pinatunayan ng lalawigan ng Sorsogon ang pagiging mahusay nito lalo na pagdating sa paghahanda kapag may kalamidad. Dahilan sa ikatlong pagkakataon muli nitong tinaggap ang kalasag award. Kaugnay nito Proud at Masayang tinanggap ito ni Governor bobet lee rodrigueza. Noon kasing nakaraang lingo ipinagkaloob sa SORSOGON PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL ang pagkilala bilang best PDRRMC sa bicol region sa ginanap na Regional Kalasag Award 2016 sa RDC Hall, NEDA, Legazpi. Ayon kay governor bobet ipinagmamalaki nya ang SPDRRMO dahil alam nyang nagawa ng mga ito ng maayos ang kanilang mga trabaho at kanilang mga tungkulin. Sa kabilang dako ang kalasag ay ang KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan. Samantala, noong 2014 at 2015 ang SDRMO din ang nakasungkit bilang pinaka mahusay na DRR office sa buong kabicolan. Ayon naman kay Engr. Raden Dimaano na siyang nangunguna sa SPDRRMO, hindi nila magagawa ang kanilang tungkulin kung hindi nakiisa ang lahat ng MDRRMO at CDRRMO na kaniyang nasasakupan.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
MAHIGIT 200K NA FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA BARANGGAY NAIPAMAHAGI NA
Naipagkaloob na ang mahigit dalawang daang libong piso na 2016 Financial Assistance ng syudad para sa mga barangay na naka comply na sa liquidation requirements. Mismong si Ms. Christine Lee Rodrigueza- City Executive Assistance at Atty. Jovert Laceda-City Administrator ang nag abot ng mga teseke sa kada Barangay Treasurer/Secretary kasama ang mga kapitan del barrio. Matatandaan na noong nakaraang mga taon 100 Thousand Pesos lang kada barangay ang binibigay na Financial Assistance aid ng syudad ngunit ngayong taon ginawa na itong 200 Thousand Pesos upang madagdagan ang mga proyekto ng mga barangay sa kanilang lugar. Sakabilang dako ang dating 40 thousand na tulong para sa Electricity ay ginawa ng 50 Thousand Pesos ito ay ayon sa desisyon ni City Mayor Sally A. Lee. Ibig kasi niyang maibalik sa tao ang tama at tapat na Serbisyo. Samantala nabigla naman ang mga Barangay Officials sapagkat hindi nila umano inaasahan na ganon kalaki ang pondong ibibigay sakanila. Nagpasalamat naman ang mga ito dahil malaking bagay umano ito para lalong mapalawak ang kanilang mga proyekto sa barangay.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
HEAD OFFICER NG SPADACC, DEP.ED, PDEA, SPPO AT LIGA NG MGA BRGY SABAY SABAY NA PUMIRMA NG MEMORANDUM LABAN SA DROGA
Sabay sabay na pumirma ng memorandum of agreement o MOA ang pamunuan ng SPADACC na pinamumunuan ni Governor bobet lee rodrigueza, PSSUPT Ronaldo R. Cabral – Acting Provincial Director, Sorsogon Police Provincial Office, Atty. Arnaldo E. Escober – Provincial Director ng DILG sorsogon, Fructuoso O. Perlas - Provincial Officer, PDEA, Loida N. Nidea – Schools Division Superintendent, DEP.ED, Neson A. MaraƱa – President, Provincial Chapter Liga ng mga Barangay. Layunin ng pag pirma ng sa nasabing MOA ay upang mas mapalakas pa ang pag sugpo sa droga. Kaugnay nito ang pagkakaisa ng mga government agencies sa paglaban sa droga ay isang hakbang upang mas matuldukan na nga ang ang droga sa lalawigan at maging drug free na ang probinsya ng sorsogon. Sakabilang dako patuloy parin sa pag punta ang mga drug personalities sa mga himpilan ng pulis para kusang sumuko. Samantala umaasa naman si governor bobet na makikiisa ang lahat ng mga sorsoganon sa kanilng kampanya kontra sa droga.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
JOB FAIR NG DOLE SORSOGON SA BAYAN NG IROSIN KASADO NA
Muli na namang aarangkada ang job fair na inorganisa ng DOLE sorsogon Provincial field office. Ang nasambit na aktibidad ay gaganapin sa septyembre 19 sa Irosin Public Auditorium na mag sisimula alas 8 ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Layunin nito ay upang mailapit sa mga mamamayan ng irosin ang mga trabahong nararapat sakanila. Ang job fair ay magbibigay ng trabaho lokal man o abroad. Sakabilang dako suportado naman ito ng LGU Irosin at PESO office kaya naman inaanyayahan ang lahat na pumunta sa nasambit na lugar lalong lalo na ang mga naghahanap ng trabaho. Samantala malaking opurtunidad naman ito para sa mga mamamayan ng irosin at kalapit bayan nito dahil sa hindi na sila lalayo para lang maghanap ng trabaho.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
CDRRMO TUTOK SA PAGSASAGAWA NG TRAINING PARA IWAS SAKUNA NGAYONG TAG ULAN
Tinututukan narin sa ngayon ang City Disater Risk Reduction Management Office o CDDRMO sa pagsasagawa ng BLS – Basic life support traning sa buong lungsod. Matatandaan na ito ang pangunahing proyekto ng CDRRMO na pinapangunahan ni Mr. Ramil Doods MArianito. Ayon kay marianito importante na matutunan ng lahat ng tao maski na ang mga ordinaryong citizen na matuto nito upang magkaroon sila ng kaalaman sa tamang pag rescue. Sa kabilang dako ngayong tag ulan hindi rin tumutigil sa pagpapa alala ang CDRRMO para mailayo sa sakit ang mga kabataan lalo na ang mga mag aaral. Samantala, bukod sa BLS may mga ibat ibang aktibidad pa ang ginagawa ng CDRRMO para mabigyan ng tamang impormasyon ang mga taga lungsod.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
CITY GOVERNMENT NANGAKONG MABABAYARAN ANG 8.3 MILLION SA PHIL. HEALTH
Ayaw ng magsalita pa ni Mr. Alfredo Jubilo chief social insurance officer ng Phil. Health sorsogon. Ayon kay Jubilo mas pinili niya ang manahimik nalang muna para mapangalagaan nito ang harmonious relationship ng nasabing ahensya at city government. Naniniwala naman ang opisyal na mababayaran ng syudad ang 8.3 million sa halos mahigit limang libong benepisyaryo. Matatandaan na ang bayaring ito ng City Government ay noon pang panahon ng dating administrasyon mga taong 2013-2014. Anya hindi rin umano magiging hadlang ang nasabing bayarin sa bagong phil health application ng lungsod para sa mga Stipenders at maging ang mga BHW. Sakabilang dako sa ngayon ay hindi pa nakakatanggap ang ahensya ng mga application forms mula sa mga aplikante ng city government, nakasalalay parin ang membership application sa no payment non- member policy ng ahensya. Samantala nangako naman ang mga opisyal ng syudad na mababayaran nila ito sa lalong madaling panahon para mag tuloy tuloy parin ang benipisyong matatanggap ng mga myembro nito lalong lalo na ang mga senior citizen, pwd’s at 4ps members.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
MOTORCYCLE SAFETY ORIENTATION LINAHUKAN NG 24 KAPULISAN
Linahukan ng ng 24 kapulisan na naka base sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa lalawigan ng sorsogon ang 2 days motorcycle safety orientation seminar sa Camp Salvador Escudero Sorsogon City. Pinangunahan ito ni PSSUPT Ronaldo Cabral Acting provincial director ng Sorsogon Police Provincial Office. Ayon naman kay PSUPT Nonito Marquez Police community relation public information officer ng SPPO layunin ng naturang pagsasanay ay mabigyan ng angkop na kaalaman at kasanayan sa pag gamit ng pampatrolyang motorsiklo ang mga kapulisang nag mamantini ng kaayusan at seguridad ng publiko. Sakabilang dako itinuro sa unang araw ng aktibidad ang pag sampa sa motorsiklo, regular na pag suot ng helmet at protective gears, pagbalanse, tamang postura, pag upo at pag maniobra sa mga alanganing sitwasyon at iba pa. Tinutukan naman ng pangalawang araw sa seminar ang pag gamit ng headlights kung kailan at anong sitwasyon, kondisyon ng panahon gagamitin ang low at high lights na hindi makakasilaw ng kasalubong. Samantala mahalaga umano ang pag giging defensive driver at kung paano malalagpasan ang mga hindi inaasahang sitwasyon lalo na sa malalaki at makikipot na lansangan. Itinuro din sa aktibidad ang mga alituntuning ginagamit sa lansangan sa ibang bansa at mga gabay sa pag coconvoy at pagbibgay ng seguridad sa malalaking personalidad at dignitaries na maaaring bumisita sa ating lalawigan.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
31 NA KABAHAYAN APEKTADO NG NANGYARING LANDSLIDE SA BRGY. PANGE MATNOG
Umabot sa 31 na kabahayan at tinatayang nasa isang daang katao ang naapektuhan ng minor landslide sa Brgy. Pange Matnog Sorsogon Noong nakaraang Lunes. Una ng nakaabot sa kaalaman ng wow News Team lingo ng gabi ng nakaranas umano ng ground movement o pag galaw ng lupa ang mga residente ng nasabing brgy kung saan nag dulot ito ng minor landslide. Ayon Kay Mr. John Primo ng MDRRMO ang ilang araw na pag buhos ng ulan ang naging dahilan ng pag galaw ng lupa. Sinusugan naman nina brgy Kagawad Peter Calamdag at Rodello Garra ang sinabi ni Mr. Primo dahilan sa nagpaabot din ng abiso sa kanila ang SPDRMO hingil sa paggalaw ng lupa. Samantala, nakabalik na sa kanilang tahanan ang mga pansamantalang pinalikas dahil sa isinagawang monitoring ng Philvocs na wala na umanong nakitang abnormalidad na pag galaw ng lupa sa naturang lugar.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Friday, August 12, 2016
VOLUNTARY REHABILITATION REFERRAL DESK INILUNSAD SA BRGY STO. DOMINGO SA BAYAN NG IROSIN
Tumulong ang PNP Irosin na pinamumunuan ni PSI Rolando F. Kalagui , Deputy COP of Irosin MPS sa paglalagay ng Voluntary Rehabilitation/Referral Desk sa Brgy. Sto. Domingo, Irosin Sorsogon . Layunin nito ay upang matulungan at mabigyan ng atensyon ang mga drug personalities na nais sumuko para magbagong buhay. Malaki umano ang magagawa ng rehabilitation / referral desk sa mga susuko dahil mas mapapadali ang pagbibigay ng tulong dito. Sakabilang dako patuloy parin ang pagsasagawa ng mga buy bust operation sa probinsya ng sorsogon kung saan target ng mga kapulisan na maging drug free ang probinsya ng sorsogon. Panawagan parin nila na kusa nalamang sumuko sa mga otoridad at makipag usap nalang sakanila ng maayos. Samantala naroon din sa pagsasaayos ng Voluntary Rehabilitation/Referral Desk sina brgy. Captain Elfedio Avillano Sr. kasama din ang representante ng MSWD na si Mr. Chino Franche-Social Worker at Brgy. Health Workers. Ng naturang brgy.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
MALALAKING BUSSINESS ESTABLISHMENTS ITATAYO SA SYUDAD NG SORSOGON
On- going na sa ngayon ang mga plano at konstraksyon ng ilang malalaking business establishment sa sorsogon City. Ilan nga sa mga establishment na mag bubukas ay ang LCC- Ayala Mall, Citimart, Gaisano Capital Mall, Mc Donald, isa pang Jollibee branch at Robinsons mall. Ang pagbubukas ng mga malalaking negosyo sa sorsogon ay nagpapatunay lamang na patuloy sa pag asenso at pag angat ang syudad dahil na rin sa maayos na pamamalakad ng mga opisyal dito. Sakabilang dako magbibigay naman ng opurtunidad ito sa buong probinsya ng sorsogon dahilan sa magkakaroon ng trabaho ang mga sorosoganon na makakatulong sa pag angat ng kanilang pamumuhay. Samantala nagbukas na din ang isa sa dalawang branch ng 7/11 at on- going na rin ang construction ng isa pang branch nito na itinatayo malapit sa Sorsogon National High School.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
PROJECT SERVE MAINIT NA TINANGGAP SA BRGY CAMPBULAGA
Mahigit sa 600 ang naserbisyuhan sa ikalawang araw ng pag arangkada ng project serve. Ibat-ibang serbisyo publiko ang ipinagkaloob ng City Government at Provincial Government sa nasabing brgy. kung saan nakapagbigay ng libreng medical consultation, Dental, BP screening, pagbibigay ng libreng gamut, agriculture seeds distribution. Mayroon ding libreng vaccination sa mga alagang aso at civil registry. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga mangingisda na maipa rehistro ang kanilang mga Bangka. Sakabilang dako dumalo naman dito si Mayor Sally A. Lee at Ms. Christine Lee Rodrigueza upang tumulong sa pagbibigay ng serbisyo dito. Ayon sa alkalde hanggat kaya ng kanyang schedule palagi siyang dadalo dahilan para agad na matugunan ang mga problemang idudulog sa kanya kagaya na lamang nung may problema sa lupa kahapon na nabigyan ng agarang aksyon. Sakabilang dako, pinasalamatan ni Mayor Lee ang Provincial Government na pinamumunuan ni Governor Bobet Lee Rodrigueza kung saan pinupunan umano nito ang kakulangan tulad ng doctor, nars at iba pa. Samantala masaya naman ang mga residenteng nabenepisyuhan nito dahil sa libreng programa ng Project serve.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
LGU MATNOG, DTI MATNOG AT DTI PROVINCIAL OFFICE BIBIGYAN NG TRAINING PROGRAM ANG MGA PWD’S SA BAYAN NG MATNOG
Nakatuon ngayon ang pansin ng LGU matnog na pinamumunuan ng ni Mayor Claudet So at ng DTI Matnog at LGU consultant na si Ms. Juliet Oro sa pagbibigay atensyon at programa sa mga PWD’s sa naturang bayan. Nakipag ugnayan na ang DTI sa DSWD upang malaman ang mga karapat dapat na bigyan ng mga programa. Napag alaman naman na umabot na sa humigit kumulang na 800 ang PWD’s ang nabiyayaan ng serbisyo publiko kung saan nakipag ugnayan naman ang DTI matnog sa DTI provincial office at nagkasundong bigyan ng mga training ang mga pwd’s upang matulungan sakanilang mga pamumuhay. Sakabilang dako mayroong 1.5 million pesos na nakalaang pondo ang DTI para sa training ng mga PWD’s mas malaki kumpara sa mga nakaraang taon na mayroon lamang 1 million funds. Samantala para naman sa mga PWD’s na hindi na kayang gampanan ang mga training na ibibigay ay maaaring ang immediate family nito ang mag take over ng training.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
BOTIKANG BAYAN SA LOOB NG PROVINCIAL HOSPITAL MALAKING TULONG UMANO AYON SA MGA BUMIBILI DITO
Malaking tulong ang botikang bayan sa loob ng provincial hospital sa mga pasyente ditto. Halos araw araw ay mahaba ang pila sa naturang botika bukod kasi sa mura na ito ay covered pa ito ng Phil. Health. Sa panayam ng wow patroller kay Ms. Lilibeth Tan tagapangasiwa ng botika maaaring utangin ang mga gamot dito kapag na comply ng isang indigent family ang kinakailangan para sa pag proseso nito, may proseso umano kasing sinusunod ang botika sa tulong ng PCSO at health worker kung saan maaaring mautang ang mga gamot. Sakabilang dako may proseso ding kelangang sundin ang mga pamilya ng pasyente na nais makakuha ng libreng gamot kung wala silang pambili nito. Kailangan lang umano mag fill up ng slip at dalhin ito sa tanggapan ng Health office. Samantala nagpasalamat naman ang mga pamilya ng mga pasyente sa provincial hospital dahilan sa malaki ang matitipid nila sa pagpapagamot sakanilang kapamilya.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
SIMULTANEOUS PRESS CONFERENCE NG DOLE SA BUONG KABIKOLAN KASADO NA
Sa lunes August 15, 2016 na isasagawa ang simultaneous press conference ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong kabikolan. Dito sa sorsogon isasagawa ito sa Casa Dominga sa ganap na ala una hanggang alas kwatro ng hapon, kung saan itong press conference ay ang launching ng DOLE regional hotline sa buong kabikolan. Layunin nito ay upang magkaroon ng magandang komunikasyon ang DOLE sa publiko lalo na sa pagdating sa serbisyo publiko. Tutukan din sa nasabing pressconference mainit na usapin hingil sa DOLE Hotline at Endo labor status. Sakabilang dako ang press conference sa albay ay gaganapin mismo sa DOLE 5 activity center, Hotel Regid sa naga city, Villa Mella resort sa camarines norte, sa lalawigan naman ng Masbate ay gaganapin ang press conference sa unica hija resto bar at sa catanduanes naman ay pag uusapan din ang end of contract o endo kung saan magkakaroon ng open forum kaugnay dito. Samantala mayroong 2 seats na nakalaan sa bawat media personel ng bawat istasyon. Inaasahan naman ng DOLE na magiging matagumpay ang gagawing aktibidad.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
SALISI GANG NA MUNTIK NG MAKATANGAY NG MAHIGIT 500K NAAKOTE NA NG MGA OTORIDAD
Agad na narecover ng mga otoridad ang mahigit kalahating milyong piso na sinubukang tangayin ng salisi gang kahapon sa Gubat Sorsogon. Sa inisyal na imbistigasyon kinilala ang suspek na si Shiena Delos Santos y Bautista reidente ng 1269 mabuhay st., Tondo Manila. Tinangka kasi nitong tangayin ang bag ni Ms. Grace Embili habilito isang negosyante ng Luna Candol Marketsite, Gubat Sorsogon. Ayon sa saksi na si Salve Geralde tatlong babae ang kumausap sa biktima kasama nga dito si delos santos, dito gumawa ng tyempo si delos santos kung saan kinuha nito ang bag na pula ni Grace embili at ipinasok sa sakong lalagyan ng harina. Narecover sa laman ng bag ang isang 18k bracelet na nagkakahalaga ng 450k, isang kwentas na nagkakahalaga ng 30k at iba pang mga alahas na ang nagging buong halaga ay P531k. Sa kabilang dako, naka takas naman ang dalawang kasama ni delos santos. Samantala, kinasuhan na ang nasabing suspetsado sa salang pagnanakaw.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
FEEDING PROGRAM NI CITY VICE MAYOR ATTY ATHAN BALINTONG MAHIGIT APAT NA LIBO ANG NAPAGKALOOBAN
Mahigit sa apat na libo ang napagkalooban ng Food Feeding Program ng opisina ni City Vice Mayor Jonathan Balintong. Ang mga brgy na napagkalooban ang mga San Ramon, San Roque, San Vicenti, Sitio gayong brgy sto. Nino, San Pascual, Panlayaan, rizal, sawangga, Usiaw, San isidro, Salvacion at Balogo sa Bacon District. Eksaktong 4, 431 na mga estudyante ang na benipisyuhan ng nasabing feeding program. Sa panayam naman kay Vice Mayor Balintong ang pag bibigay ng feeding program sa mga kabataan ay kanyang sinisikap na maibigay upang ganahan ang mga ito sa pagpasok sakanilang paaralan, malaki umano kasi ang epekto sa estudyante na pumapasok ng gutom. Samantala bukod sa feeding na ibinigay ay mayroon ding libreng gupit, masahe at nag turo din ang mga kasamahan ng bise alkalde ng Mix martial arts sa mga residente nito.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Thursday, August 11, 2016
200 PAMILYA ISINALANG NI MAYOR LEE SA ISANG ORIENTATION ON HOUSING PROJECT
200 pamilya ang isinalang ni city Mayor Sally A. Lee sa isang Orientation on Housing Project. Ang nasabing mga pamilya ay galing sa mga Barangay Sirangan, Balogo, Cabid-an at Sampaloc na ililipat naman sa Barangay San Lorenzo, Bibincahan Sorsogon City. Sakabilang dako patuloy pa ang pag arangkada ng housing project ng lokal na pamahalaan ng syudad para sa mga sorsoganong nararapat na mabigyan ng housing project. Nagpasalamat naman ang mga pamilyang mabibigyan ng bahay sa alkalde at sa mga kasamahan nito dahil sa tulong at atensyon na ibinibigay sakanila ng syudad. Samantala dumalo din sa orientation sina Kagawad Jun Jamisola, Christine Lee Rodrigueza at kinatawan mula sa DSWD na siyang magiging katuwang ng Ciudad upang maisakatuparan ang proyekto para sa 200 pamilya na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
HEAVY EQUIPMENT PINADALA NG PROVINCIAL GOVERNMENT SA BAYAN NG BULAN SA PARA SA REHABILITASYON NG BULAN ECO PARK
Malaking tulong ang mga heavy equipment na pinadala ni Sorsogon Provincial Governor na si Hon. Robert Bobet Lee Rodrigueza sa lokal na pamahalaan ng bulan. Ito mismo ang kinumpirma ni Bulan Mayor Hon.Helen Baby C. Decastro. Ito ay may kaugnayan sa On- going rehabilitation ng bulan eco park na tatlong taong napabayaan ng dating administrasyon ng bulan. Patuloy na pinapaganda ang nasabing eco park na muling nagmukhang dump site dahilan sa hindi ito napangalagaan. Sa pakikipagtulungan ng provincial government sa LGU Bulan ay malaking bahagi na ng eco park ang naisasaayos, itoy sa tulong ng bulduzer, dump truck at iba pang heavy equipment na isinuplay ng gobernador. Kaya naman mas napadali ang pagsasaayos nito. Sakabilang dako, bahagi narin ito ng programa ng provincial government ang makipag tie up sa mga LGU’s para mas lalong mapaganda ang mga programa on solid waste management. Samantala inaasahan naman na maayos agad ang Bulan Eco Park bago ang oktobre para sa selebrasyon ng fiesta sa kabubudlan kung saan bukod sa pagtatanim ng mga puno ng mga estudyante, organisasyon, NGO’s at mga ahensya ng gobyerno, may naka handa pang magagandang programa pra naman sa bonding ng mga organisasyong makikiisa dito.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
SK AT BRGY. CANDIDATE NA SANGKOT SA DROGA PUWEDE PANG TUMAKBO – Comelec
Hindi puwedeng i-disqualify ng Commission on Election (Comelec) ang sinumang kandidato na naghahangad na tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (SK) na sinasangkot sa illegal na droga. Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, na hindi magiging dahilan ang nasabing alegasyon sa disqualification ng mga kandidato sa SK at Brgy. Election sa Oktubre 30. Dagdag pa nito na dapat munang patunayan sa korte ito bago ang kanilang pagdisqualify. Kapag naglabas ng hatol ang korte ay puwedeng tanggalin sa pagkakandidato ang mga nasasangkot sa illegal na droga. Samantala, Gaganapin sa Oktubre 3 hanggang 5 ang filing of candidacy ng mga tatakbong sa barangay at Sangguniang Kabataan election.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
SANGGUNIANG PANLALAWIGAN DINISMISSED ANG REKLAMO NG AGRECOFISH COOPERATIVES KAUGNAY SA ROAD WIDENING TREE CUTTING
Dinismissed ng committee on environment ng sangguniang panlalawigan ang reklamong inihain ng Agreco Fish Producers Cooperatives sa contractor ng 4 lane road widening project na ginagawa sa maharlika highway. Ito ang nagging resulta ng Sa ginanap na committee hearing kahapon na dinaluhan ng DPWH 1st District kung saan ini represent ito ni District Engineer Ignacio Odiaman, Mayor Boboy Hamor ng Casiguran , Ms. Anabelle Barquilla ng DENR/ at Imelda Baltazar ng PENRO/ Ayon kay bokal Joey Guban dinismissed nila ang naturang kaso dahilan sa wala sila umanong hurisdiksyon sa DPWH base sa probinsyon ng local code 7160. Sa kabilang dako sa panayam naman kay Red Lasay nagtataka umano sya kung bakit noong kasagsagan ng pag putol ng puno sa bayan ng bulan ay ganon na lamang ang galit ni guban sa dating alkalde ng bayan habang ang kanilang reklamo ay dinismissed na lamang. Samantala matapos bumisita si Mr. Red Lasay sa wow radio gumagawa narin sa ngayon ng paraan ang Wow News team para makuha naman ang panig nina Bokal becky Aquino na siyang chairman ng committee on environment at ang Co chairman nito na si Bokal Joey Guban.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
AGRECOFISH PRODUCERS COOPERATIVE DISMAYADO SA DESISYON NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Dismayado ang grupo ng agreecofish sa naging desisyon ng sangguniang panlalawigan na I dismissed ang inihain nilang reklamo kaugnay ng sinasabing illegal cutting of trees. Ayon sa panayam kay Mr. Red Lasay Agrecofish Cooperative Chairman sa malamang mayroon ng desisyon ang sangguniang panlalawigan bago pa mag simula ang session tungkol ditto. Dahilan sa imbis na basahin ang kanyang reklamo at pasagutin ang kanyang sinasakda siya pa umano ang iginisa sa nasabing session. Dagdag pa ni Mr. Lasay naka fous na ang mga ito sa pag dismissed ng kaso. Sakabilang dako ipagpapatuloy parin ng kanilang grupo ang pakikipaglaban ng maayos kaugnay sa naturang kaso. Samantala hiling naman ng mga kasama nito na maging patas sana ang desisyon at wag haluan ng pulitika. Sa ngayon pinaghahandaan na ng grupo ang pagtaas ng kaso sa ombudsman kung saan target nitong kasuhan ang mga bokal na involve sa pag dismiss at ang mismong bise gobernador.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
CENRO INILATAG ANG KANILANG 10 YEARS SOLID WASTE MANAGEMENT PLAN SA SESSION NG SANGGUNIANG PANGLUNGSOD
Inilatag ng City Environment and National Resources Office sa sangguniang panglungsod ang kanilang 10 years solid waste management plan sa ginanap na regular session ng Sanguniang Panlunsod. Ayon kay Mr. Ronaldo Gerona siyang head ng CENRO wala ng makakapigil sa kanilang plano na ang layunin ay mabawasan ang nakokolektang basura sa syudad kung saan umaabot sa 41.28 metric tones ang nakokolektang basura kada araw. Isa sa paraan na tinukoy ni Gerona ay ang anti plastic ordinance na nag simula ng umarangkada noong hulyo 6 at inaasahan naman na sa enero 17 ay maiimplemeta na ito sa lahat ng tindahan sa syudad. Sakabilang dako plano rin ng ahensya na dagdagan ng dalawa pa ang material recovery program kung saan ilalagay ito sa west district at bacon district. Samantala target naman ng ahensya na maibaba sa 18 metric tone ang makokolektang basura kada araw kapag ma implemeta na ang kanilang mga plano.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
MGA SELDANG SANGKOT SA RIOT SA SPJ PINAHALUGHOG NG PNP
48 na indian arrow, 9 na improvise ice pick, 6 improvise na scaltel, 3 double blade, 2 improvise na itak, 1 charger, 1 water heater, 17 pcs. na jolens na ginagamit na bala sa tirador, ito ang mga narecover ng grupo ng PNP sa kanilang ginawang paghalughog sa Sorsogon Provincial Jail kaugnay sa ngyaring rayot noong nakaraang lunes ng gabi. Kaugnay nito on going na sa ngayon ang imbistigasyon sa SPJ. Ayon kay Ret. Col Ramon Ranara na siyang SPJ warden ang pinag saneb pwersa ng SPPSC na pinangungunahan ni PO3 Lloyd Garbin at Sorsogon City police na pinapangunahan naman ni SPO1 Redentor Himor ang grupong nag inspection sa mga seldang sangkot sa rayot. Bago ang paghalughog pinalabas muna umano ang mga preso sa loob ng mga selda nito para mas maging epektibo ang gagawin ng search team. Samantala kinausap naman ng mga otoridad ang mga preso partikular na ang sputnik gang at bahala na gang na pangunahing involve sa nsabing gulo na maging kalmado at magkaroon ng mahabang pasensya upang hindi na magkaroon ng gulo na maaari nilang ikapahamak.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
ISANG DATING FASHION DESIGNER SA GITNANG SILANGAN SOLID LISTENER NG WOW
Solid listener ng wow smile radio 107.3fm sorsogon ang isang dating fashion designer sa gitnang silangan. Kahapon, personal itong bumisita sa wow smile radio para ma avail ang FREE radio na ipinamamahagi ng wow. Ang nasabing dating fashion designer ay si Juan Jarilla ng New Bato, Bacon District na nagtrabaho sa Jedah, Saudi Arabia sa loob ng 40 years./ Ayon sa kanya nabulag sya noong 2007 dahil sa sakit na glaucoma. Naubos rin ang kanyang ipon sa kakapagamot ng mata at nagpa opera pa ngunit tuluyan rin syang nabulag. Sa pakikipag usap ng news team kay Mr. Jarilla sa ngayon ang kanya umanong libangan ay ang makinig na lamang ng WOW RADIO sa kanyang kapitbahay lalo na ang programang ANG DATING DAAN at BARKADAHAN. Kahapon, si Mr. Jarilla ang maswerteng napagkalooban ng natitirang radyo dito sa himpilan. Samantala, labis ang nagging katuwaan ni Mr. JArilla dahil sa makakapakinig na siya sa programa sa radyo sa lahat ng oras na kanyang naisin.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
17 COUPLES IKINASAL KAHAPON SA SORSOGON CITY HALL
17 couples na hindi nagawang magpakasal dahilan sa hirap ng buhay ang muling nabigyan ng libreng kasal ng administrayon ni Mayor Sally A. Lee. Sa impormasyong nakalap ng Wow News team, buwan buwang ginagawa ni City Mayor Sally A. Lee ang libring kasal at ngayon ngang Agosto ay 17 ang nabiyayaan nito . Sa mensahing ibinigay ni Mayor Lee, binigyang diin nito na ang kasal ay isang sagrado na dapat ingatan at importanteng mapahalagahan ang pamilya. Idinagdag pa ng alkalde na dapat maging inspirasyon ang mga magulang sa kanilang mga anak upang lumaki ang mga ito ng may respeto sa kapwa. Samantala malaki naman ang pasasalamat ng mga ikinasal kay Mayor Lee dahilan sa binigyan sila ng pagkakataon na ikasal ng libre.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
CASH INCENTIVES IPINAGKALOOB NG PAMANA SA MAGALLANES PARA SA ABACA REHABILITATION
Nabigyan ng cash incentives ng PAMANA project ang mga residente ng magallanes para sa abaca rehabilitation. Sa ilalim kasi ng pamana project kasama dito ang rehabilitation kung saan pangunahing katuwang nito ang Provincial Agriculture Office. Layunin nito ay upang mabigyan ng pansin at mas mapaganda pa ang mga produktong gawa sa abaka ng mga mamamayan dito. Sakabilang dako marami pang nakalatag na programa ang Provincial Agriculture Office para sa mga magsasaka sa buong probinsya ng sorsogon. Samantala naging maayos naman ang pagbibigay ng cash incentives sa mga residente ng magallanes at nagpasalamat naman ang mga ito sa tulong na ibinigay sakanila.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
MATNOG COMMUNITY COLLEGE LUSOT NA SA REGULAR SESSION NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Lumusot na sa sanguniang panlalawigan regular session ang Matnog Community College. Matatandaan na on- going na sa ngayon ang construction ng nasabing eskwelahan para mailapit sa mga matnoganon ang eskwelahang pang koleheyo. Ito kasi ang kauna unahang college school sa matnog sorsogon. Sa nasabing session anim na agenda lang ang napag usapan at isa na nga dito ang community college sa matnog na may ordinace no. 03-2016. Sakabilang dako, ikinatuwa naman ng matnoganon ang paglusot ng nasabing ordinansa sa sanguniang panlalawigan. Samantala, ito na umano ang katuparan ng mga pangarap ng nasabing bayan at mga kalapit lugar dahilan sa matagal na umano nilang gusto na magkaroon ng community college sakanilang lugar ng sa gayon ay hindi na sila lumayo para lang makapag aral sa kolehiyo.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
DOLE MAMAMAHAGI NG PANGKABUHAYAN KIT SA 72 BENEFECIARIES
72 ang nakatakdang pagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Sorsogon ng pangkabuhayan kit. Ayon kay Ms. Marilyn Luzuriaga ang Field Officer ng DOLE Sorsogon bahagi ito ng kanilang programa para sa 2016 para maalalayan ang mga mahihirap na sorsoganon sa kanilang paghahanapbuhay. Ang pangkabuhayan starter kit ay kinapapalooban ng cooking kit at carpentry kit. Sakabilang dako byernes ng umaga ay magkakaroon muna ng orientation ang mga mabibiyayaan at sa dakong hapon ay nakatakdang ibigay ang mga nasambit na pangkabuhayn kit. Samantala ayon parin kay Ms. Luzuriaga gaganapin ang awarding nito sa mismong opisina ng provincial field office ng DOLE.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Posts (Atom)