tag:blogger.com,1999:blog-20719433409186187892024-03-18T20:14:53.209-07:00Wow Smile RadioUnknownnoreply@blogger.comBlogger441125tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-91707211224730326762016-11-04T00:20:00.003-07:002016-11-04T01:09:10.647-07:00MALAKING BAHAGI NG LALAWIGAN NG SORSOGON LUBOG PA RIN SA BAHA DAHIL SA WALANG HUMPAY NA PAG UULAN, LUNGSOD NG SORSOGON AT 4 BAYAN SA LALAWIGAN, JUBAN, CASTILLA, PILAR AT DONSOL SUSPENDIDO ANG KLASELubog parin sa baha ang maraming bahagi sa lalawigan ng sorsogon kaugnay ng nagpapatuloy na pagbagsak ng ulan. Kung maalala Miyerkules palang kasi ng gabi wala ng humpay ang pagbuhos ng ulan lalo na sa lungsod ng sorsogon hanggang sa mga oras na ito. Kaugnay nito kanselado na ang mga pasok sa lahat ng level sa lungsod ng Sorsogon. Mga bayan ng Pilar, Castilla, Casiguran, Juban at maging sa Donsol sorsogon. May mga lugar na hanggang leeg na ang tubig, may mga tulay narin na inapawan na ng walang humpay na pag uulan. Ayon sa pag asa hindi naman bagyo ang sanhi ng pag uulan kundi ang inter tropical convergence zone. Sa kabilang dako, rason ng pag extend sa suspension of class ay ang public safety and general welfare. Samantala, hanggang sa ngayon wala pa ring humpay ang ginagawang pag iikot ng City Disaster Risk reduction and management office para mamonitor ang kalagyan ng buong lungsod.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-92170460428056203992016-11-04T00:18:00.002-07:002016-11-04T01:05:46.374-07:00LALAWIGAN AT LUNGSOD NG SORSOGON ANG NAG IISANG CITY & PROVINCE TANDEM NA NAPAGKALOOBAN NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE AWARD SA BUONG KABICOLANIpinagmalaki ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee ang Seal of Good Local Governance o SGLG award na natangap ng Provincial Governemt at LGU Sorsogon City dahilan sa ito lang ang tanging lugar sa buong kabicolan na parehong nakatangap ng SGLG ang lalawigan at ang lungsod. Sa awarding ceremony kasi, iginawad din sa Ligao at Legaspi City ang SGLG subalit walang award ang lalawigan ng Albay, ang Camarines norte at Catanduanes ay awardee din pero walang nakasamang bayan na naselyohan. Kaugnay nito labis ang tuwa at pasasalamat ni Mayor Lee dahilan sa dito sa sorsogon parehong kinilala ng DILG ang provincial government at city government. Sa naging pahayag naman ni Sorsogon Gov. Robert Bobet Lee Rodrigueza malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng provincial government workers dahilan sa malaki umano ang naging ambag ng mga ito sa natangap ng provincial govt na SGLG. Ayon pa sa governador “Ito ay bunga po ng mga pagsisikap at tapat na paglingkod ng ating mga kawani ng Provincial Government of Sorsogon. Sa kabilang dako ang SGLG award ng DILG ay pinaka prestihiyosong award ng nasabing departamento. Samantala, tanging 306 local government units (LGUs) out of the 1,672 sa buong bansa ang naparangalan ng SGLG na iginawad ng DILG.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-4328997023673808732016-11-04T00:16:00.002-07:002016-11-04T01:03:54.372-07:00MGA RESIDENTE NA MALAPIT SA MGA BULKAN BULUSAN INALERTO NG PHILVOCSInalerto na sa ngayon ng PHIVOLCS - Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang publiko na nainirahan malapit sa bulkan Bulusan lalo na ang malapit sa may dalisdis at mga ilog na mag ingat sa posibling pagbuhos ng tinatawag na mud flow at lahar. Ayon kay mr. Cris Diolata ng PHIVOLCS observatory dito sa lungsod may dalang peligro ang mga pag uulan dahilan sa posible nitong anurin ang mga abo at lahar na naka imbak sa tagiliran ng bulkan. Matatandaan na noong nakaraang lingo sa biglaang pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong sina ferdie at lawin nakaranas na ng mud flow ang mga ilog na malapit sa mapaso irosin, cogon at mga ilog na kumukonekta dito. Kaugnay nito mahigpit ang paalala ng PHIVOLCS sa mga residente dito para walang madisgrasya. Samantala, puspusan sa ngayon ang monitoring ng PHIVOLCS at MDRRMO Irosin at ng Bulusan para makita kung sino ang pangunahing maapektuhan .
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-87455595120605030972016-11-04T00:14:00.002-07:002016-11-04T01:02:05.193-07:00PAGTAAS NG PRESYO NG TUBIG NG SORSOGON CITY WATER DISTRICT IKINABABAHALA NG MGA KONSESYUNARYOHindi maiwasang mag alala ng ilang mga concesionare ng Sor. City Water District o SCWD hinggil sa posibleng pagtataas ng singil na kanilang babayaran ito’y kasunod ng pag take over na nga ng Primewater infratracture sa operasyon ng SCWD. Sa reaksyon kasi na natanggap ng WOW news team ikinababahala nila na posible umanong bawiin ng PrimeWater sa singil sa tubig ang plano nitong pagpapaganda ng kanilang serbisyo. Kung maalala bukod sa pagsasaayos ng serbisyo kasama din sa gagawin nito ang pagpapalawak sa operasyon ng water district , ikinagulat nalang kasi ng publiko ang biglaang pag take over ng PrimeWater sa SCWD noong nakaraang oct 17, 2016. Una na kasing nagpahayag si Sor. City Mayor Sally Lee na kanyang tutukan ang problema sa water system ng lungsod kung saan nagkausap narin sila ng bise gobernador na si Hon. Ester Hamor kasama ang opisyal ng SCWD at ang GM ng Casiguran water CWD District na si Engr. Tejada sa posibleng pag suplay ng sa Ciudad galing sa CWD mula sa Orok Nature spring sa Brgy Inlagadian, Casiguran. Sa kabilang dako, sinabi naman ng Dept of Interior & Local Gov’t o DILG na bawal makialam ang mga local govt official sa pakikialam sa mga autonomous agencies katulad ng water district. Samantala, sa panig naman ng SCWD sinabi nitong ngayong taon ay wala naman umanong aasahang pagtaas ng presyo ng tubig na kanilang isusuplay sa lahat ng mga concesionare.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-34461632604781433662016-11-04T00:12:00.003-07:002016-11-04T01:00:56.596-07:00... UNDAS SA LALAWIGAN PANGKALAHATANG NAGING MAPAYAPAPangkalahatang naging mapayapa ang pag gunita ng undas sa buong lalawigan ito ang namataan ng wow news team sa halos dalawang araw na paggalugad ng grupo para sa undas 2016. Kapansin pansin na naging organisado ang bawat sementeryo na dinalaw ng news team. maganda rin ang naging daloy ng trapiko na siyang pangunahing problema dito sa lungsod tuwing nov. 1. Halos alam na rin ng mga kababayan ang mga ipinagbabawal sa sementeryo kaya naman bihira lang ang mga nakumpiskahan nito. Sa kabilang dako, sa bayan ng Bulusan ala sais palang halos nagsiuwian na ang mga nagsidalaw sa kanilang public cemetery. Samantala, kahit na nga naging mapayapa ang undas may nangyari namang pananaksak sa distrito ng bacon.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-11250058929222518652016-11-04T00:02:00.000-07:002016-11-04T00:59:48.276-07:00CITY ENRO NAGING MAAGAP SA PAG KUHA SA MGA BASURANG DALA NG UNDAS SA LUNGSODNaging maagap ang mga kawani ng City ENRO sa paglilinis sa mga kalat na naiwan ng katatapos palang na UNDAS. Kaugnay nito kasama sa kanilang plano ang paglutas sa mga mga plastic mga DISPOSABLE SPOON AT GLASSES na ginamit nitong nakaraang UNDAS. Ayon kay City ENRO Head Mr. Jonjie Gerona, ang mga basura na kanilang nakuha ay may malaki pa ring pakinabang dahilan sa idinagdag nila ito sa mga ipinapasa sa material recovery facility kung saan dito kinukuha ang mga pangunahing sangkap sa kanilang proyektong mga bricks. Ang nasabing mga bricks ay ginagamit sa mga infras project kung saan napakalaki ang naging tulong nito sa publiko, bukod kasi sa nabawasan na ang mga basura na itinatapon mas mura pa itong brick kaysa sa mga hollow blocks. Sa kabilang dako mahigpit pa rin ang paalala ng City ENRO sa publiko na seryosohin ang pag segregate ng mga basura sa kani-kanilang mga tahanan. Samantala, ang ganitong programa ay bahagi sa pangunahing tinututukan ni Mayor Lee para sa mas ikagaganda ng lungsod ng Sorsogon.
i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-8600475597503145342016-09-09T13:40:00.000-07:002016-09-09T02:49:38.912-07:00DALAWANG LALAKING NAWAWALA SA BAYAN NG MATNOG NA RESCUE SA BUTUAN CITYNa rescue na ng mga police ng butuan city ang dalawang lalaki na napa ulat na nawala sa terminal ng matnog noong hulyo 1. Matatandaan na halos magwala ang magulang ng dalawang kalalakihang ng bigla itong maglaho. Ayon kay PS/Inspector Calagui na siyang Chief of Police sa bayan ng matnog, matapos ang nagging ulat agad nilang inalarma ang lahat ng kapulisan sa buong pilipinas. Kinilala naman ang dalawang lalaki na sina Wilson Geneblaso Jr. at Nonito Pantoni Jr. Ayon sa nakalap na impormasyon ng wow patroller isang Mabazuka Arakim ang nagpakilala sa mga bata kung saan inoperan ito na magtrabaho bilang isang helper sa bakery ngunit pagdating sa butuan city ay agad na hinold ito ng mga kapulisan dahilan sa nuna na silang inalarma ng PNP matnog. Sakabilang dako labis naming ikinatuwa ng kanilang pamilya ang mabilisang aksyon ng kapulisan. Samantala kinasuhan na ng paglabag sa republic act of 9208 o ang anti trafficking of person of 2003. Sa ngayon ay sasailalim na sa medico legal ang mga biktima.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-86135851761146849872016-09-09T13:38:00.000-07:002016-09-09T02:48:39.325-07:00RESIDENTE NG BRGY PANGE NATATAKOT PARIN SA POSIBLENG PAG GUHO NG LUPA SA KANILANG LUGARSa kabila ng Wala ng naiulat na pag galaw ng lupa sa brgy pange sa bayan ng matnog subalit nababahala parin ang mga residente ditto nab aka isang araw ay muli na naman itong gumalaw. Matatandaan na nagkaroon na ditto ng minor landslide na labis na ikinatakot ng mga residente nito. Ayon kay Brgy Councilor Rogelio Gera Local Monitoring Council Member sa ngayon wala naman silang nararanasan na pag galaw ng lupa, kung saan tatlong beses din umano nilang minomonitor ang lugar para masiguro ang kaligtasan ng mga residente dito. Sakabilang dako takot parin ang nararamdaman ng mga residente dahilan sa malaki parin ang posibilidad ng muling pag guho ng lupa lalo na sa tuwing bubuhos ang ulan. Samantala hiling naman ng mga taga brgy pange na mailipat na sana sila sa lalong mas madaling panahon sa lupang nakalaan para sa kanila na binili pa noong nakaraang administrayon sa pamamahala ni dating mayor Emil Panday Ubaldo.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-84893942865302236082016-09-09T13:37:00.000-07:002016-09-09T02:47:41.527-07:00GOVERNOR BOBET LEE RODRIGUEZA, TUTOK NA TUTOK PARA MAPIGILAN ANG TERORISMO SA LALAWIGANPersonal na tinututukan sa ngayon ni Sorsogon Governor Bobet Lee Rodrigueza ang pangangalaga sa katahimikan. Kaugnay nito naging sentro ng kanilang pagpupulong ng pinagsamang pwersa ng Phil. Army, Philippine Port authority, Phil. Coastguard at LGU ang pag bibigay ng seguridad sa pantalan ng matnog kung saan dagsaan ang mga pasaherong pumapasok at lumalabas dito. Ayon sa panayam kay PS/Ins. Ronaldo Calagui Jr. mas mahigpit na ang ipapatupad nilang pag iinspeksyon sa pantalan ng matnog kung saan iniinspeksyon nila ang mga strebo ng sasakyan at mga bagahe ng mga pasahero. Dagdag pa ni PS/Ins. Calagui na mayroong holding area ang mga sasakyan para mas ma inspeksyon nila ng mabuti ang mga sasakyan. Mayroon namang k9 dog na syang katulong nila upang ma detect ang mga pampasabog na maaaring mailusot ng terorista. Sakabilang dako sapat umano ang bilang ng mga otoridad para bigyan ng seguridad ang bayan ng matnog na syang entry point ng ibang lalawigan. Nangako naman si Governor Bobet at ang pamunuan ng Phil. Army na dadagdagan ang k9 dog para ma detect nila ang droga at bomba na posibleng mapuslit dito. Samantala hinihingi naman ni Calagui ang tulong ng mga sibilyan para maging maayos ang bayan ng matnog at dagdag pa nito na ang kanilang ginagawa ay upang ma proteksyunan lamang ang publiko.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-18580406359965575612016-09-09T13:35:00.000-07:002016-09-09T02:46:35.957-07:00MSWDO AT PNP SA BAYAN NG CASIGURAN HANGAD NA MAGKAAYOS NA ANG MGA MAGULANG NG GRADE 1 PUPIL NA UMANOY SINAKTAN AT NG GURO NITOHanda umano ang pamunuan ng MSWDO at PNP sa bayan ng casiguran na tulungan ang magulang at ng mismong batang biktima ng diumanoy pananakit sa isang bata. Ayon kay Glocenda Bontigao na siyang Social Worker Officer sakaling hindi makontento sa imbestigasyon ng Dep.Ed ang mga magulang ng isang grade 1 na estudyante handa silang tulungan ito. Sakabilang dako ayon naman kay PO2 Rocindy Hymalin Gender and Development Section ng Casiguran PNP sila naman ang magsasampa ng kaso kung sakaling hindi magkasundo ang dalawang panig at hingin na ang kanilang asistensya ng mga magulang ng bata. Dagdag pa ng MSWDO at PNP na hangad parin nila na magkaroon na ng pagkakaayos ang dalawang panig at hindi na umabot sana sa pagsampa ng kaso.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-31517866053836809522016-09-09T13:32:00.000-07:002016-09-09T02:46:02.550-07:00KABALIKAT KONTRA DROGA O KASADO NA SA BIBINCAHAN PARA LABANAN ANG DROGAKasado na ang grupong lalaban sa droga ditto sa brgy bibincahan sa pamamagitan ng Kabalikat Kontra Droga. Kaugnay nito nagkaroon ng pagpupulong ang lahat ng leader ng iba’t ibang sector, organisasyon at asosasyon sa Brgy Bibincahan Sorsogon City. Sa nakalap na impormasyon ng wow patrollers, layunin ng pulong ay upang mabuo ang grupong KKD o Kabalikat Kontra Droga. Anya bubuin ito kaugnay sa mandato ni Pangulong Duterte sa pagsugpo sa illegal na droga. Ayon sa panayam ng wow patroller mahalaga umano na sa mismong brgy nagsisimula ang pag sugpo sa droga upang mailayo ang lahat ng mga kabataan dito. Samantala inaasahan naman na makikiisa sa pagpupulong ang transport sector, health worker, brgy tanod, pastoral council, home owners association, farmers council at GPTA officers.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-20176347077992795462016-09-09T13:30:00.000-07:002016-09-09T02:43:50.141-07:00STATE OF EMERGENCY NAGING SENTRO NG PAG PUPULONG NILA GOVERNOR BOBET LEE RODRIGUEZA AT PD CABRALKaugnay ng Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte na State of Emergency agad itong pinag usapan nina PSSUPT Ronaldo Cabral at Governor Robert Bobet Lee Rodrigueza. Ayon kay PSSUPT Cabral direktang inutusan ni Pangulong Duterte ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na magkaroon ng mas pinaigting na pagbabantay sa lahat ng pampublikong lugar sa buong pilipinas kasama na nga dito ang pagkakaroon ng checkpoints, visibility at chokepoints. Sakabilang dako ang AFPat PNP umano ay magkasamang mag ooperate sa pagbibigay seguridad sa publiko kasama sa checkpoint ang pagpasok sa mga bus at pag inspeksyon sa mga bagahe sa pantalan. Samantala dinagdag pa ni PD cabral na hindi maabuso ang karapatang pantao sakanilang ginagawang check point at pagbabantay dahilan sa bago naman umano pumasok sa isang sasakyan o bago inspeksyunin ang mga bagahe ay nagpapaalam naman ang kanilang mga tauhan, humihingi din ng despensa ang pamunuan ng PNP at AFP sa sorsogon kung nagkakaroon man ng delay o aberya na nangyayri, ginagawa lamang umano nila ito para sa seguridad naman ng bawat sorsoganon. Umaasa naman si Governor Bobet na makikiisa ang lahat ng mga sorsoganon para narin hindi masalisihan ng mga terorismo.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-59591232110524947742016-09-09T13:26:00.000-07:002016-09-09T02:42:54.276-07:00DENR INILATAG NA ANG KANILANG PROPOSAL SA 6TH CITY COUNCIL KAUGNAY SA PAGKAKAROON NG SARILING SURVEYING EQUIPMENTHiniling kahapon ng DENR na pinamumunuan ni Mr. Jose Feruelo Supervising Ecosystem Management Specialist na bumili na lamang ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng sorsogon ng mga surveying equipment at mag hire ng mga surveyor. Noong Setyembre 09 ay inilatag na ng ahensya ang kanilang proposal sa 6th city council. Ayon kay Feruelo malaki ang matitipid ng lungsod kung magkakaroon ng sariling equipment at mag hire ng surveyor sa pag survey ng mga public land, sa ngayon kasi ay wala pang sariling equipment ang ahensya. Sakabilang dako ay kwenestyon naman ito ng 6th council dahil sa madami pa umanong mas importanteng programa na kanilang prayoridad at dapat unahin. Samantala tinalakay din ng DENR na kung maaari ay ipamahagi na lamang sa mga tao ang mga public land dahil hindi naman nagbabayad ng amelyar ang mga nakatira dito dahil sa wala pang titulo ang mga ito, ngunit kung maipapamahagi na ito ay parehong makikinabang ang lungsod at ang home owner dahil obligado na ang mga ito na magbayad.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-11423565996163996672016-09-09T13:25:00.000-07:002016-09-09T02:41:48.365-07:00RESIDENTE NG ESKWALA SA BAYAN NG CASIGURAN IPINAGTANGGOL SI TEACHER HAYAGAN KAUGNAY SA ISYU NG PANANAKIT NITO SA ESTUDYANTEItinanggi ng mga residente ng brgy eskwala sa bayan ng casiguran ang bintang kay Teacher Hayagan ng pananakit sa kanyang estudyante sa naturang paaralan. Ayon sa magulang na nakapanayam ng wow patroller wala umanong kaso ng pananakit ang naturang guro. Isa umano itong mabait na teacher sakanyang mga estudyante at strikta lamang. Pinatotohanan naman ito ng dating brgy captain, wala naman silang natanggap na reklamo kaugnay ng isyung pananakit nito. Matatandaan na noong agosto lamang ay isang magulang ang nagreklamo ng pananakit ng guro sa kanyang Grade 1 na estudyante kung saan nagkaroon ito ng pasa sakanyang mga braso. Sakabilang dako nagkausap naman umano ang magulang, principal, at guro sa harap ng district supervisor kung saan nagkaroon na ng settlement at ilang mga kasunduan.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-70659698799739004222016-09-09T13:22:00.000-07:002016-09-09T02:39:07.305-07:00EXPIRED NA NOODLES NA NAKAIN NG MGA DAYCARE STUDENTS INIIMBESTIGAHAN NA NG SANGGUNIANG BAYAN NG DONSOLAgad na pinaimbistigahan ng Sanguniang Bayan sa bayan ng Donsol ang napaulat na nakakain umano ng expired na noodles ang estudyante ng Brgy. Ogud Day Care Center sa bayan ng donsol. Sa ipinadalang plastic ng noodles sa wow butanding radio ay napag alamang noong agosto 12 pa nag expired ang naturang pagkain. Iimbistigahan naman ng sanguniang bayan ang naturang kaso. Sa ngayon ay inaalam na ng SB ng donsol kung saan nanggaling ang expired na noodles at nag hihintay pa ng mga reklamo mula sa magulang ng day care center na naka kain nito. Sakabilang dako ang MSWDO na syang may programa ng food feeding program sa mga day care center ang syang namamahagi umano ng mga noodles. Samantala napag alaman namang madami pang mga daycare center ang nabigyan ng expired na
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-25587686199310087492016-09-09T13:19:00.000-07:002016-09-09T02:37:55.730-07:00TOURIST SPOT SA STA. MAGDALENA PINAG AARALAN NG E DEVELOP AYON KAY MAYOR DONG GAMOSIsinusulong ngayon ng Mayor Alejandro “dong” Gamos ng bayan ng Sta. Magdalena na ma develop ang wind surfing kung saan mag eenganyo umano ito ng mga turista at mga investors na maaring pumasok sa bayan ng Sta. Magdalena. Ayon sa alkalde na kasama ito sa kanilang programang bussiness and tourism hop kung saan i dedevelop nila ang maaring maging tourist spot sa naturang bayan, kasama din sa programa ng alklade ay ang pag imbeta ng mga bussiness man sa northern samar kung saan ang produktong mula sa northern samar ay ipapasok sa Sta. Magdalena at ang produkto naman na mula sa Sta. Magdalena ay papasok din sa northern samar. Sakabilang dako ang windblowing hop ay ang paglalayag gamit ang surfboard ang bila na mismong hangin ang magbibigay ng lakas sa paglalayag ng surfer, hindi naman makaka apekto sa mga maliligo sa dagat ang nasabing proyekto dahil malayo naman umano ito. Ito naman ang kauna unahang wind blowing hop sa buong sorsgoon. Samantala sa ngayon ay inaayos na muna ng lokal na pamahalaan ng Sta. Magdalena ang mga infrastructure dahil mahirap umano ang mag imbeta ng mga turismo at investor kung kulang ang kanilang mga facilities, sa ngayon mayroon ng bagong market ang nasambit na bayan at unfunded integrated transportation terminal.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-68750704203795742182016-09-09T13:16:00.000-07:002016-09-09T02:36:50.624-07:00PNP SUBSTATION 2 NAG LAGAY NA NG CCTV SA CITY ROTONDANa install na ang CCTV sa may City Rotonda noong setyembre 5. Layunin nito ay upang ma monitor ng mas maayos ang galaw ng trapiko at makita kung sino ang lumalabag sa batas trapiko lalo na sa mga rush hour. Anya ang paglalagay ng CCTV ay malaking tulong dahilan sa mas mababantayan nila ang kaligtasan ng publiko. Sa kabilang dako, nilinaw naman ng pamunuan ng city PNP na ang kontraktor ng sorsogon city police sa sub station 2 ang may pananagutan sa paglalagay ng flagpole dito. Sa panayam ng wow news team kay City Chief of Police Dionisio Laceda at Deputy S/Ins Dinyo si Engineer Ricky Jimenez sana ang dapat mag provide ng flagpole dahil kasama umano ito sa kontrata ng pagtatayo ng naturang himpilan. Matatandaan na noong inauguration ng sub station 2 ay nang hiram pa sa sorsogon city police main office ng watawat ng pilipinas upang gamitin sa pagbubukas nito.
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-76659481070594944512016-09-09T13:13:00.000-07:002016-09-09T02:36:08.121-07:00PANTALAN NG MATNOG MAS LALONG PINA IGTING ANG PAGBABANTAY24/7 na pagbabantay sa pantalan ng matnog ngayon, mahigpit na ipinatutupad sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng PCG-Phil Coast Guard, PNP – Phil National Police, at PPA-Phil Ports Authority. Ayon kay Matnog PCG Chief Enrico Andal walang humpay ang kanilang pagbabantay para masigurong hindi sila malulusutan ng mga terorismo. MAtatandaan na umabot sa labing apat ang namatay sa nagyaring davao city blast. Siniguro naman ni Chief Andal na hindi sila kukulangin sa personahe dahilan sa mayroon silang shifting at tatlong grupo sila na nagtutulong tulong para mamantena ang katahimikan. Samantala maging sa lalawigan ng Masbate mahigpit din ang isinasagawang pagbabatany kung saan bantay sarado din ng mga otoridad ang pantalan sa nasabing lalawigan. Ayon kay Lt. Edgardo Aguilar Station Commander of PCG Masbate mahigpit din ang kanilang inspeksyon sa lahat ng mga bag at bagahi ng mga pasahero sa pantalan, ito ay upang masigurong walang makakalusot na anumang ikakapahamak ng mga pasahero bahagi sa kanilang pagbabantay ay ang paglalagay ng K9 dog.
Unknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-22963927692771702082016-09-09T13:10:00.000-07:002016-09-09T02:35:05.046-07:00FARM EQUIPMENT SA MGA MAGSASAKA SA SYUDAD NG SORSOGON IPINAMAHAGI NA NG CITY GOVERNMENTIpinamahagi na sa mga magsasaka sa syudad ng sorsogon ang mga farm equipment nito lamang nakaraang araw. Pinangunahan ng City Agriculture Office sa pamumuno ni Adeline Detera ang pamamahagi ng mga naturang kagamitan naroon din sina city councilor Jonas Duran, mga benepisyaryo at si Mayor Sally A. Lee. Sa ibinigay na mensahe ng alkalde sinabi nito na patuloy ang city government sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga sorsoganon lalo na sa mga magsasaka sa syudad. Dagdag pa ng alkalde na inaasahan nyang aalagaan ng mga benepisyaryo ang mga equipment na ibinigay sakanila. Sakabilang dako inaasahan na magpapatuloy ang programa ng syudad na organic city dahil na rin sa suportang ibibigay ng mga magsasaka sa naturang programa. Samantala labis labis naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga magsasaka sa mga opisyales ng syuda sa ibinigay na tulong sa kanila ng City Government sa pamumuno ng alkalde, dahil malaking tulong ang mga farm equipment sa kanilang hanap-buhay para sa kanilang pamilya.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-91417252403444743222016-08-23T13:20:00.000-07:002016-08-23T03:50:02.570-07:00SPDRMO MULING TUMANGAP NG KALASAGA AWARD SA IKATLONG PAGKAKATAON Muling pinatunayan ng lalawigan ng Sorsogon ang pagiging mahusay nito lalo na pagdating sa paghahanda kapag may kalamidad. Dahilan sa ikatlong pagkakataon muli nitong tinaggap ang kalasag award. Kaugnay nito Proud at Masayang tinanggap ito ni Governor bobet lee rodrigueza. Noon kasing nakaraang lingo ipinagkaloob sa SORSOGON PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL ang pagkilala bilang best PDRRMC sa bicol region sa ginanap na Regional Kalasag Award 2016 sa RDC Hall, NEDA, Legazpi. Ayon kay governor bobet ipinagmamalaki nya ang SPDRRMO dahil alam nyang nagawa ng mga ito ng maayos ang kanilang mga trabaho at kanilang mga tungkulin. Sa kabilang dako ang kalasag ay ang KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan. Samantala, noong 2014 at 2015 ang SDRMO din ang nakasungkit bilang pinaka mahusay na DRR office sa buong kabicolan. Ayon naman kay Engr. Raden Dimaano na siyang nangunguna sa SPDRRMO, hindi nila magagawa ang kanilang tungkulin kung hindi nakiisa ang lahat ng MDRRMO at CDRRMO na kaniyang nasasakupan.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-18474713321813449102016-08-23T13:18:00.000-07:002016-08-23T03:48:50.730-07:00MAHIGIT 200K NA FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA BARANGGAY NAIPAMAHAGI NA Naipagkaloob na ang mahigit dalawang daang libong piso na 2016 Financial Assistance ng syudad para sa mga barangay na naka comply na sa liquidation requirements. Mismong si Ms. Christine Lee Rodrigueza- City Executive Assistance at Atty. Jovert Laceda-City Administrator ang nag abot ng mga teseke sa kada Barangay Treasurer/Secretary kasama ang mga kapitan del barrio. Matatandaan na noong nakaraang mga taon 100 Thousand Pesos lang kada barangay ang binibigay na Financial Assistance aid ng syudad ngunit ngayong taon ginawa na itong 200 Thousand Pesos upang madagdagan ang mga proyekto ng mga barangay sa kanilang lugar. Sakabilang dako ang dating 40 thousand na tulong para sa Electricity ay ginawa ng 50 Thousand Pesos ito ay ayon sa desisyon ni City Mayor Sally A. Lee. Ibig kasi niyang maibalik sa tao ang tama at tapat na Serbisyo. Samantala nabigla naman ang mga Barangay Officials sapagkat hindi nila umano inaasahan na ganon kalaki ang pondong ibibigay sakanila. Nagpasalamat naman ang mga ito dahil malaking bagay umano ito para lalong mapalawak ang kanilang mga proyekto sa barangay.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-2473163143929433522016-08-23T13:15:00.000-07:002016-08-23T03:47:31.973-07:00HEAD OFFICER NG SPADACC, DEP.ED, PDEA, SPPO AT LIGA NG MGA BRGY SABAY SABAY NA PUMIRMA NG MEMORANDUM LABAN SA DROGA Sabay sabay na pumirma ng memorandum of agreement o MOA ang pamunuan ng SPADACC na pinamumunuan ni Governor bobet lee rodrigueza, PSSUPT Ronaldo R. Cabral – Acting Provincial Director, Sorsogon Police Provincial Office, Atty. Arnaldo E. Escober – Provincial Director ng DILG sorsogon, Fructuoso O. Perlas - Provincial Officer, PDEA, Loida N. Nidea – Schools Division Superintendent, DEP.ED, Neson A. Maraña – President, Provincial Chapter Liga ng mga Barangay. Layunin ng pag pirma ng sa nasabing MOA ay upang mas mapalakas pa ang pag sugpo sa droga. Kaugnay nito ang pagkakaisa ng mga government agencies sa paglaban sa droga ay isang hakbang upang mas matuldukan na nga ang ang droga sa lalawigan at maging drug free na ang probinsya ng sorsogon. Sakabilang dako patuloy parin sa pag punta ang mga drug personalities sa mga himpilan ng pulis para kusang sumuko. Samantala umaasa naman si governor bobet na makikiisa ang lahat ng mga sorsoganon sa kanilng kampanya kontra sa droga.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-90950513096576646502016-08-23T13:13:00.000-07:002016-08-23T03:45:40.133-07:00JOB FAIR NG DOLE SORSOGON SA BAYAN NG IROSIN KASADO NA Muli na namang aarangkada ang job fair na inorganisa ng DOLE sorsogon Provincial field office. Ang nasambit na aktibidad ay gaganapin sa septyembre 19 sa Irosin Public Auditorium na mag sisimula alas 8 ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Layunin nito ay upang mailapit sa mga mamamayan ng irosin ang mga trabahong nararapat sakanila. Ang job fair ay magbibigay ng trabaho lokal man o abroad. Sakabilang dako suportado naman ito ng LGU Irosin at PESO office kaya naman inaanyayahan ang lahat na pumunta sa nasambit na lugar lalong lalo na ang mga naghahanap ng trabaho. Samantala malaking opurtunidad naman ito para sa mga mamamayan ng irosin at kalapit bayan nito dahil sa hindi na sila lalayo para lang maghanap ng trabaho.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogonUnknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-72536210364877739622016-08-23T13:08:00.000-07:002016-08-23T03:44:20.606-07:00CDRRMO TUTOK SA PAGSASAGAWA NG TRAINING PARA IWAS SAKUNA NGAYONG TAG ULANTinututukan narin sa ngayon ang City Disater Risk Reduction Management Office o CDDRMO sa pagsasagawa ng BLS – Basic life support traning sa buong lungsod. Matatandaan na ito ang pangunahing proyekto ng CDRRMO na pinapangunahan ni Mr. Ramil Doods MArianito. Ayon kay marianito importante na matutunan ng lahat ng tao maski na ang mga ordinaryong citizen na matuto nito upang magkaroon sila ng kaalaman sa tamang pag rescue. Sa kabilang dako ngayong tag ulan hindi rin tumutigil sa pagpapa alala ang CDRRMO para mailayo sa sakit ang mga kabataan lalo na ang mga mag aaral. Samantala, bukod sa BLS may mga ibat ibang aktibidad pa ang ginagawa ng CDRRMO para mabigyan ng tamang impormasyon ang mga taga lungsod.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-2071943340918618789.post-5295266625379029812016-08-23T13:07:00.000-07:002016-08-23T03:42:59.500-07:00CITY GOVERNMENT NANGAKONG MABABAYARAN ANG 8.3 MILLION SA PHIL. HEALTH Ayaw ng magsalita pa ni Mr. Alfredo Jubilo chief social insurance officer ng Phil. Health sorsogon. Ayon kay Jubilo mas pinili niya ang manahimik nalang muna para mapangalagaan nito ang harmonious relationship ng nasabing ahensya at city government. Naniniwala naman ang opisyal na mababayaran ng syudad ang 8.3 million sa halos mahigit limang libong benepisyaryo. Matatandaan na ang bayaring ito ng City Government ay noon pang panahon ng dating administrasyon mga taong 2013-2014. Anya hindi rin umano magiging hadlang ang nasabing bayarin sa bagong phil health application ng lungsod para sa mga Stipenders at maging ang mga BHW. Sakabilang dako sa ngayon ay hindi pa nakakatanggap ang ahensya ng mga application forms mula sa mga aplikante ng city government, nakasalalay parin ang membership application sa no payment non- member policy ng ahensya. Samantala nangako naman ang mga opisyal ng syudad na mababayaran nila ito sa lalong madaling panahon para mag tuloy tuloy parin ang benipisyong matatanggap ng mga myembro nito lalong lalo na ang mga senior citizen, pwd’s at 4ps members.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Unknownnoreply@blogger.com0