WOW

Friday, August 12, 2016

BOTIKANG BAYAN SA LOOB NG PROVINCIAL HOSPITAL MALAKING TULONG UMANO AYON SA MGA BUMIBILI DITO

Malaking tulong ang botikang bayan sa loob ng provincial hospital sa mga pasyente ditto. Halos araw araw ay mahaba ang pila sa naturang botika bukod kasi sa mura na ito ay covered pa ito ng Phil. Health. Sa panayam ng wow patroller kay Ms. Lilibeth Tan tagapangasiwa ng botika maaaring utangin ang mga gamot dito kapag na comply ng isang indigent family ang kinakailangan para sa pag proseso nito, may proseso umano kasing sinusunod ang botika sa tulong ng PCSO at health worker kung saan maaaring mautang ang mga gamot. Sakabilang dako may proseso ding kelangang sundin ang mga pamilya ng pasyente na nais makakuha ng libreng gamot kung wala silang pambili nito. Kailangan lang umano mag fill up ng slip at dalhin ito sa tanggapan ng Health office. Samantala nagpasalamat naman ang mga pamilya ng mga pasyente sa provincial hospital dahilan sa malaki ang matitipid nila sa pagpapagamot sakanilang kapamilya. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment