WOW

Thursday, August 11, 2016

CENRO INILATAG ANG KANILANG 10 YEARS SOLID WASTE MANAGEMENT PLAN SA SESSION NG SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

Inilatag ng City Environment and National Resources Office sa sangguniang panglungsod ang kanilang 10 years solid waste management plan sa ginanap na regular session ng Sanguniang Panlunsod. Ayon kay Mr. Ronaldo Gerona siyang head ng CENRO wala ng makakapigil sa kanilang plano na ang layunin ay mabawasan ang nakokolektang basura sa syudad kung saan umaabot sa 41.28 metric tones ang nakokolektang basura kada araw. Isa sa paraan na tinukoy ni Gerona ay ang anti plastic ordinance na nag simula ng umarangkada noong hulyo 6 at inaasahan naman na sa enero 17 ay maiimplemeta na ito sa lahat ng tindahan sa syudad. Sakabilang dako plano rin ng ahensya na dagdagan ng dalawa pa ang material recovery program kung saan ilalagay ito sa west district at bacon district. Samantala target naman ng ahensya na maibaba sa 18 metric tone ang makokolektang basura kada araw kapag ma implemeta na ang kanilang mga plano. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment