WOW

Friday, August 12, 2016

VOLUNTARY REHABILITATION REFERRAL DESK INILUNSAD SA BRGY STO. DOMINGO SA BAYAN NG IROSIN

Tumulong ang PNP Irosin na pinamumunuan ni PSI Rolando F. Kalagui , Deputy COP of Irosin MPS sa paglalagay ng Voluntary Rehabilitation/Referral Desk sa Brgy. Sto. Domingo, Irosin Sorsogon . Layunin nito ay upang matulungan at mabigyan ng atensyon ang mga drug personalities na nais sumuko para magbagong buhay. Malaki umano ang magagawa ng rehabilitation / referral desk sa mga susuko dahil mas mapapadali ang pagbibigay ng tulong dito. Sakabilang dako patuloy parin ang pagsasagawa ng mga buy bust operation sa probinsya ng sorsogon kung saan target ng mga kapulisan na maging drug free ang probinsya ng sorsogon. Panawagan parin nila na kusa nalamang sumuko sa mga otoridad at makipag usap nalang sakanila ng maayos. Samantala naroon din sa pagsasaayos ng Voluntary Rehabilitation/Referral Desk sina brgy. Captain Elfedio Avillano Sr. kasama din ang representante ng MSWD na si Mr. Chino Franche-Social Worker at Brgy. Health Workers. Ng naturang brgy. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment