WOW

Tuesday, August 23, 2016

CITY GOVERNMENT NANGAKONG MABABAYARAN ANG 8.3 MILLION SA PHIL. HEALTH

Ayaw ng magsalita pa ni Mr. Alfredo Jubilo chief social insurance officer ng Phil. Health sorsogon. Ayon kay Jubilo mas pinili niya ang manahimik nalang muna para mapangalagaan nito ang harmonious relationship ng nasabing ahensya at city government. Naniniwala naman ang opisyal na mababayaran ng syudad ang 8.3 million sa halos mahigit limang libong benepisyaryo. Matatandaan na ang bayaring ito ng City Government ay noon pang panahon ng dating administrasyon mga taong 2013-2014. Anya hindi rin umano magiging hadlang ang nasabing bayarin sa bagong phil health application ng lungsod para sa mga Stipenders at maging ang mga BHW. Sakabilang dako sa ngayon ay hindi pa nakakatanggap ang ahensya ng mga application forms mula sa mga aplikante ng city government, nakasalalay parin ang membership application sa no payment non- member policy ng ahensya. Samantala nangako naman ang mga opisyal ng syudad na mababayaran nila ito sa lalong madaling panahon para mag tuloy tuloy parin ang benipisyong matatanggap ng mga myembro nito lalong lalo na ang mga senior citizen, pwd’s at 4ps members. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment