WOW

Friday, August 12, 2016

SALISI GANG NA MUNTIK NG MAKATANGAY NG MAHIGIT 500K NAAKOTE NA NG MGA OTORIDAD

Agad na narecover ng mga otoridad ang mahigit kalahating milyong piso na sinubukang tangayin ng salisi gang kahapon sa Gubat Sorsogon. Sa inisyal na imbistigasyon kinilala ang suspek na si Shiena Delos Santos y Bautista reidente ng 1269 mabuhay st., Tondo Manila. Tinangka kasi nitong tangayin ang bag ni Ms. Grace Embili habilito isang negosyante ng Luna Candol Marketsite, Gubat Sorsogon. Ayon sa saksi na si Salve Geralde tatlong babae ang kumausap sa biktima kasama nga dito si delos santos, dito gumawa ng tyempo si delos santos kung saan kinuha nito ang bag na pula ni Grace embili at ipinasok sa sakong lalagyan ng harina. Narecover sa laman ng bag ang isang 18k bracelet na nagkakahalaga ng 450k, isang kwentas na nagkakahalaga ng 30k at iba pang mga alahas na ang nagging buong halaga ay P531k. Sa kabilang dako, naka takas naman ang dalawang kasama ni delos santos. Samantala, kinasuhan na ang nasabing suspetsado sa salang pagnanakaw. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment