WOW

Tuesday, August 23, 2016

31 NA KABAHAYAN APEKTADO NG NANGYARING LANDSLIDE SA BRGY. PANGE MATNOG

Umabot sa 31 na kabahayan at tinatayang nasa isang daang katao ang naapektuhan ng minor landslide sa Brgy. Pange Matnog Sorsogon Noong nakaraang Lunes. Una ng nakaabot sa kaalaman ng wow News Team lingo ng gabi ng nakaranas umano ng ground movement o pag galaw ng lupa ang mga residente ng nasabing brgy kung saan nag dulot ito ng minor landslide. Ayon Kay Mr. John Primo ng MDRRMO ang ilang araw na pag buhos ng ulan ang naging dahilan ng pag galaw ng lupa. Sinusugan naman nina brgy Kagawad Peter Calamdag at Rodello Garra ang sinabi ni Mr. Primo dahilan sa nagpaabot din ng abiso sa kanila ang SPDRMO hingil sa paggalaw ng lupa. Samantala, nakabalik na sa kanilang tahanan ang mga pansamantalang pinalikas dahil sa isinagawang monitoring ng Philvocs na wala na umanong nakitang abnormalidad na pag galaw ng lupa sa naturang lugar. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment