WOW

Tuesday, August 23, 2016

SPDRMO MULING TUMANGAP NG KALASAGA AWARD SA IKATLONG PAGKAKATAON

Muling pinatunayan ng lalawigan ng Sorsogon ang pagiging mahusay nito lalo na pagdating sa paghahanda kapag may kalamidad. Dahilan sa ikatlong pagkakataon muli nitong tinaggap ang kalasag award. Kaugnay nito Proud at Masayang tinanggap ito ni Governor bobet lee rodrigueza. Noon kasing nakaraang lingo ipinagkaloob sa SORSOGON PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL ang pagkilala bilang best PDRRMC sa bicol region sa ginanap na Regional Kalasag Award 2016 sa RDC Hall, NEDA, Legazpi. Ayon kay governor bobet ipinagmamalaki nya ang SPDRRMO dahil alam nyang nagawa ng mga ito ng maayos ang kanilang mga trabaho at kanilang mga tungkulin. Sa kabilang dako ang kalasag ay ang KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan. Samantala, noong 2014 at 2015 ang SDRMO din ang nakasungkit bilang pinaka mahusay na DRR office sa buong kabicolan. Ayon naman kay Engr. Raden Dimaano na siyang nangunguna sa SPDRRMO, hindi nila magagawa ang kanilang tungkulin kung hindi nakiisa ang lahat ng MDRRMO at CDRRMO na kaniyang nasasakupan. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment