WOW

Tuesday, August 23, 2016

MOTORCYCLE SAFETY ORIENTATION LINAHUKAN NG 24 KAPULISAN

Linahukan ng ng 24 kapulisan na naka base sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa lalawigan ng sorsogon ang 2 days motorcycle safety orientation seminar sa Camp Salvador Escudero Sorsogon City. Pinangunahan ito ni PSSUPT Ronaldo Cabral Acting provincial director ng Sorsogon Police Provincial Office. Ayon naman kay PSUPT Nonito Marquez Police community relation public information officer ng SPPO layunin ng naturang pagsasanay ay mabigyan ng angkop na kaalaman at kasanayan sa pag gamit ng pampatrolyang motorsiklo ang mga kapulisang nag mamantini ng kaayusan at seguridad ng publiko. Sakabilang dako itinuro sa unang araw ng aktibidad ang pag sampa sa motorsiklo, regular na pag suot ng helmet at protective gears, pagbalanse, tamang postura, pag upo at pag maniobra sa mga alanganing sitwasyon at iba pa. Tinutukan naman ng pangalawang araw sa seminar ang pag gamit ng headlights kung kailan at anong sitwasyon, kondisyon ng panahon gagamitin ang low at high lights na hindi makakasilaw ng kasalubong. Samantala mahalaga umano ang pag giging defensive driver at kung paano malalagpasan ang mga hindi inaasahang sitwasyon lalo na sa malalaki at makikipot na lansangan. Itinuro din sa aktibidad ang mga alituntuning ginagamit sa lansangan sa ibang bansa at mga gabay sa pag coconvoy at pagbibgay ng seguridad sa malalaking personalidad at dignitaries na maaaring bumisita sa ating lalawigan. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment