WOW

Thursday, August 11, 2016

SK AT BRGY. CANDIDATE NA SANGKOT SA DROGA PUWEDE PANG TUMAKBO – Comelec

Hindi puwedeng i-disqualify ng Commission on Election (Comelec) ang sinumang kandidato na naghahangad na tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (SK) na sinasangkot sa illegal na droga. Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, na hindi magiging dahilan ang nasabing alegasyon sa disqualification ng mga kandidato sa SK at Brgy. Election sa Oktubre 30. Dagdag pa nito na dapat munang patunayan sa korte ito bago ang kanilang pagdisqualify. Kapag naglabas ng hatol ang korte ay puwedeng tanggalin sa pagkakandidato ang mga nasasangkot sa illegal na droga. Samantala, Gaganapin sa Oktubre 3 hanggang 5 ang filing of candidacy ng mga tatakbong sa barangay at Sangguniang Kabataan election. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment