WOW

Friday, August 12, 2016

PROJECT SERVE MAINIT NA TINANGGAP SA BRGY CAMPBULAGA

Mahigit sa 600 ang naserbisyuhan sa ikalawang araw ng pag arangkada ng project serve. Ibat-ibang serbisyo publiko ang ipinagkaloob ng City Government at Provincial Government sa nasabing brgy. kung saan nakapagbigay ng libreng medical consultation, Dental, BP screening, pagbibigay ng libreng gamut, agriculture seeds distribution. Mayroon ding libreng vaccination sa mga alagang aso at civil registry. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga mangingisda na maipa rehistro ang kanilang mga Bangka. Sakabilang dako dumalo naman dito si Mayor Sally A. Lee at Ms. Christine Lee Rodrigueza upang tumulong sa pagbibigay ng serbisyo dito. Ayon sa alkalde hanggat kaya ng kanyang schedule palagi siyang dadalo dahilan para agad na matugunan ang mga problemang idudulog sa kanya kagaya na lamang nung may problema sa lupa kahapon na nabigyan ng agarang aksyon. Sakabilang dako, pinasalamatan ni Mayor Lee ang Provincial Government na pinamumunuan ni Governor Bobet Lee Rodrigueza kung saan pinupunan umano nito ang kakulangan tulad ng doctor, nars at iba pa. Samantala masaya naman ang mga residenteng nabenepisyuhan nito dahil sa libreng programa ng Project serve. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment