WOW

Friday, August 12, 2016

LGU MATNOG, DTI MATNOG AT DTI PROVINCIAL OFFICE BIBIGYAN NG TRAINING PROGRAM ANG MGA PWD’S SA BAYAN NG MATNOG

Nakatuon ngayon ang pansin ng LGU matnog na pinamumunuan ng ni Mayor Claudet So at ng DTI Matnog at LGU consultant na si Ms. Juliet Oro sa pagbibigay atensyon at programa sa mga PWD’s sa naturang bayan. Nakipag ugnayan na ang DTI sa DSWD upang malaman ang mga karapat dapat na bigyan ng mga programa. Napag alaman naman na umabot na sa humigit kumulang na 800 ang PWD’s ang nabiyayaan ng serbisyo publiko kung saan nakipag ugnayan naman ang DTI matnog sa DTI provincial office at nagkasundong bigyan ng mga training ang mga pwd’s upang matulungan sakanilang mga pamumuhay. Sakabilang dako mayroong 1.5 million pesos na nakalaang pondo ang DTI para sa training ng mga PWD’s mas malaki kumpara sa mga nakaraang taon na mayroon lamang 1 million funds. Samantala para naman sa mga PWD’s na hindi na kayang gampanan ang mga training na ibibigay ay maaaring ang immediate family nito ang mag take over ng training. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment