WOW

Friday, November 4, 2016

MALAKING BAHAGI NG LALAWIGAN NG SORSOGON LUBOG PA RIN SA BAHA DAHIL SA WALANG HUMPAY NA PAG UULAN, LUNGSOD NG SORSOGON AT 4 BAYAN SA LALAWIGAN, JUBAN, CASTILLA, PILAR AT DONSOL SUSPENDIDO ANG KLASE

Lubog parin sa baha ang maraming bahagi sa lalawigan ng sorsogon kaugnay ng nagpapatuloy na pagbagsak ng ulan. Kung maalala Miyerkules palang kasi ng gabi wala ng humpay ang pagbuhos ng ulan lalo na sa lungsod ng sorsogon hanggang sa mga oras na ito. Kaugnay nito kanselado na ang mga pasok sa lahat ng level sa lungsod ng Sorsogon. Mga bayan ng Pilar, Castilla, Casiguran, Juban at maging sa Donsol sorsogon. May mga lugar na hanggang leeg na ang tubig, may mga tulay narin na inapawan na ng walang humpay na pag uulan. Ayon sa pag asa hindi naman bagyo ang sanhi ng pag uulan kundi ang inter tropical convergence zone. Sa kabilang dako, rason ng pag extend sa suspension of class ay ang public safety and general welfare. Samantala, hanggang sa ngayon wala pa ring humpay ang ginagawang pag iikot ng City Disaster Risk reduction and management office para mamonitor ang kalagyan ng buong lungsod. i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

LALAWIGAN AT LUNGSOD NG SORSOGON ANG NAG IISANG CITY & PROVINCE TANDEM NA NAPAGKALOOBAN NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE AWARD SA BUONG KABICOLAN

Ipinagmalaki ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee ang Seal of Good Local Governance o SGLG award na natangap ng Provincial Governemt at LGU Sorsogon City dahilan sa ito lang ang tanging lugar sa buong kabicolan na parehong nakatangap ng SGLG ang lalawigan at ang lungsod. Sa awarding ceremony kasi, iginawad din sa Ligao at Legaspi City ang SGLG subalit walang award ang lalawigan ng Albay, ang Camarines norte at Catanduanes ay awardee din pero walang nakasamang bayan na naselyohan. Kaugnay nito labis ang tuwa at pasasalamat ni Mayor Lee dahilan sa dito sa sorsogon parehong kinilala ng DILG ang provincial government at city government. Sa naging pahayag naman ni Sorsogon Gov. Robert Bobet Lee Rodrigueza malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng provincial government workers dahilan sa malaki umano ang naging ambag ng mga ito sa natangap ng provincial govt na SGLG. Ayon pa sa governador “Ito ay bunga po ng mga pagsisikap at tapat na paglingkod ng ating mga kawani ng Provincial Government of Sorsogon. Sa kabilang dako ang SGLG award ng DILG ay pinaka prestihiyosong award ng nasabing departamento. Samantala, tanging 306 local government units (LGUs) out of the 1,672 sa buong bansa ang naparangalan ng SGLG na iginawad ng DILG. i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

MGA RESIDENTE NA MALAPIT SA MGA BULKAN BULUSAN INALERTO NG PHILVOCS

Inalerto na sa ngayon ng PHIVOLCS - Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang publiko na nainirahan malapit sa bulkan Bulusan lalo na ang malapit sa may dalisdis at mga ilog na mag ingat sa posibling pagbuhos ng tinatawag na mud flow at lahar. Ayon kay mr. Cris Diolata ng PHIVOLCS observatory dito sa lungsod may dalang peligro ang mga pag uulan dahilan sa posible nitong anurin ang mga abo at lahar na naka imbak sa tagiliran ng bulkan. Matatandaan na noong nakaraang lingo sa biglaang pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong sina ferdie at lawin nakaranas na ng mud flow ang mga ilog na malapit sa mapaso irosin, cogon at mga ilog na kumukonekta dito. Kaugnay nito mahigpit ang paalala ng PHIVOLCS sa mga residente dito para walang madisgrasya. Samantala, puspusan sa ngayon ang monitoring ng PHIVOLCS at MDRRMO Irosin at ng Bulusan para makita kung sino ang pangunahing maapektuhan . i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

PAGTAAS NG PRESYO NG TUBIG NG SORSOGON CITY WATER DISTRICT IKINABABAHALA NG MGA KONSESYUNARYO

Hindi maiwasang mag alala ng ilang mga concesionare ng Sor. City Water District o SCWD hinggil sa posibleng pagtataas ng singil na kanilang babayaran ito’y kasunod ng pag take over na nga ng Primewater infratracture sa operasyon ng SCWD. Sa reaksyon kasi na natanggap ng WOW news team ikinababahala nila na posible umanong bawiin ng PrimeWater sa singil sa tubig ang plano nitong pagpapaganda ng kanilang serbisyo. Kung maalala bukod sa pagsasaayos ng serbisyo kasama din sa gagawin nito ang pagpapalawak sa operasyon ng water district , ikinagulat nalang kasi ng publiko ang biglaang pag take over ng PrimeWater sa SCWD noong nakaraang oct 17, 2016. Una na kasing nagpahayag si Sor. City Mayor Sally Lee na kanyang tutukan ang problema sa water system ng lungsod kung saan nagkausap narin sila ng bise gobernador na si Hon. Ester Hamor kasama ang opisyal ng SCWD at ang GM ng Casiguran water CWD District na si Engr. Tejada sa posibleng pag suplay ng sa Ciudad galing sa CWD mula sa Orok Nature spring sa Brgy Inlagadian, Casiguran. Sa kabilang dako, sinabi naman ng Dept of Interior & Local Gov’t o DILG na bawal makialam ang mga local govt official sa pakikialam sa mga autonomous agencies katulad ng water district. Samantala, sa panig naman ng SCWD sinabi nitong ngayong taon ay wala naman umanong aasahang pagtaas ng presyo ng tubig na kanilang isusuplay sa lahat ng mga concesionare. i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

... UNDAS SA LALAWIGAN PANGKALAHATANG NAGING MAPAYAPA

Pangkalahatang naging mapayapa ang pag gunita ng undas sa buong lalawigan ito ang namataan ng wow news team sa halos dalawang araw na paggalugad ng grupo para sa undas 2016. Kapansin pansin na naging organisado ang bawat sementeryo na dinalaw ng news team. maganda rin ang naging daloy ng trapiko na siyang pangunahing problema dito sa lungsod tuwing nov. 1. Halos alam na rin ng mga kababayan ang mga ipinagbabawal sa sementeryo kaya naman bihira lang ang mga nakumpiskahan nito. Sa kabilang dako, sa bayan ng Bulusan ala sais palang halos nagsiuwian na ang mga nagsidalaw sa kanilang public cemetery. Samantala, kahit na nga naging mapayapa ang undas may nangyari namang pananaksak sa distrito ng bacon. i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon

CITY ENRO NAGING MAAGAP SA PAG KUHA SA MGA BASURANG DALA NG UNDAS SA LUNGSOD

Naging maagap ang mga kawani ng City ENRO sa paglilinis sa mga kalat na naiwan ng katatapos palang na UNDAS. Kaugnay nito kasama sa kanilang plano ang paglutas sa mga mga plastic mga DISPOSABLE SPOON AT GLASSES na ginamit nitong nakaraang UNDAS. Ayon kay City ENRO Head Mr. Jonjie Gerona, ang mga basura na kanilang nakuha ay may malaki pa ring pakinabang dahilan sa idinagdag nila ito sa mga ipinapasa sa material recovery facility kung saan dito kinukuha ang mga pangunahing sangkap sa kanilang proyektong mga bricks. Ang nasabing mga bricks ay ginagamit sa mga infras project kung saan napakalaki ang naging tulong nito sa publiko, bukod kasi sa nabawasan na ang mga basura na itinatapon mas mura pa itong brick kaysa sa mga hollow blocks. Sa kabilang dako mahigpit pa rin ang paalala ng City ENRO sa publiko na seryosohin ang pag segregate ng mga basura sa kani-kanilang mga tahanan. Samantala, ang ganitong programa ay bahagi sa pangunahing tinututukan ni Mayor Lee para sa mas ikagaganda ng lungsod ng Sorsogon. i-like sa facebook page www.facebook.com/wowsorsogon