WOW

Thursday, August 11, 2016

HEAVY EQUIPMENT PINADALA NG PROVINCIAL GOVERNMENT SA BAYAN NG BULAN SA PARA SA REHABILITASYON NG BULAN ECO PARK

Malaking tulong ang mga heavy equipment na pinadala ni Sorsogon Provincial Governor na si Hon. Robert Bobet Lee Rodrigueza sa lokal na pamahalaan ng bulan. Ito mismo ang kinumpirma ni Bulan Mayor Hon.Helen Baby C. Decastro. Ito ay may kaugnayan sa On- going rehabilitation ng bulan eco park na tatlong taong napabayaan ng dating administrasyon ng bulan. Patuloy na pinapaganda ang nasabing eco park na muling nagmukhang dump site dahilan sa hindi ito napangalagaan. Sa pakikipagtulungan ng provincial government sa LGU Bulan ay malaking bahagi na ng eco park ang naisasaayos, itoy sa tulong ng bulduzer, dump truck at iba pang heavy equipment na isinuplay ng gobernador. Kaya naman mas napadali ang pagsasaayos nito. Sakabilang dako, bahagi narin ito ng programa ng provincial government ang makipag tie up sa mga LGU’s para mas lalong mapaganda ang mga programa on solid waste management. Samantala inaasahan naman na maayos agad ang Bulan Eco Park bago ang oktobre para sa selebrasyon ng fiesta sa kabubudlan kung saan bukod sa pagtatanim ng mga puno ng mga estudyante, organisasyon, NGO’s at mga ahensya ng gobyerno, may naka handa pang magagandang programa pra naman sa bonding ng mga organisasyong makikiisa dito. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment