Thursday, August 11, 2016
AGRECOFISH PRODUCERS COOPERATIVE DISMAYADO SA DESISYON NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN
Dismayado ang grupo ng agreecofish sa naging desisyon ng sangguniang panlalawigan na I dismissed ang inihain nilang reklamo kaugnay ng sinasabing illegal cutting of trees. Ayon sa panayam kay Mr. Red Lasay Agrecofish Cooperative Chairman sa malamang mayroon ng desisyon ang sangguniang panlalawigan bago pa mag simula ang session tungkol ditto. Dahilan sa imbis na basahin ang kanyang reklamo at pasagutin ang kanyang sinasakda siya pa umano ang iginisa sa nasabing session. Dagdag pa ni Mr. Lasay naka fous na ang mga ito sa pag dismissed ng kaso. Sakabilang dako ipagpapatuloy parin ng kanilang grupo ang pakikipaglaban ng maayos kaugnay sa naturang kaso. Samantala hiling naman ng mga kasama nito na maging patas sana ang desisyon at wag haluan ng pulitika. Sa ngayon pinaghahandaan na ng grupo ang pagtaas ng kaso sa ombudsman kung saan target nitong kasuhan ang mga bokal na involve sa pag dismiss at ang mismong bise gobernador.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment