Thursday, August 11, 2016
SANGGUNIANG PANLALAWIGAN DINISMISSED ANG REKLAMO NG AGRECOFISH COOPERATIVES KAUGNAY SA ROAD WIDENING TREE CUTTING
Dinismissed ng committee on environment ng sangguniang panlalawigan ang reklamong inihain ng Agreco Fish Producers Cooperatives sa contractor ng 4 lane road widening project na ginagawa sa maharlika highway. Ito ang nagging resulta ng Sa ginanap na committee hearing kahapon na dinaluhan ng DPWH 1st District kung saan ini represent ito ni District Engineer Ignacio Odiaman, Mayor Boboy Hamor ng Casiguran , Ms. Anabelle Barquilla ng DENR/ at Imelda Baltazar ng PENRO/ Ayon kay bokal Joey Guban dinismissed nila ang naturang kaso dahilan sa wala sila umanong hurisdiksyon sa DPWH base sa probinsyon ng local code 7160. Sa kabilang dako sa panayam naman kay Red Lasay nagtataka umano sya kung bakit noong kasagsagan ng pag putol ng puno sa bayan ng bulan ay ganon na lamang ang galit ni guban sa dating alkalde ng bayan habang ang kanilang reklamo ay dinismissed na lamang. Samantala matapos bumisita si Mr. Red Lasay sa wow radio gumagawa narin sa ngayon ng paraan ang Wow News team para makuha naman ang panig nina Bokal becky Aquino na siyang chairman ng committee on environment at ang Co chairman nito na si Bokal Joey Guban.
LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment