WOW

Friday, August 12, 2016

FEEDING PROGRAM NI CITY VICE MAYOR ATTY ATHAN BALINTONG MAHIGIT APAT NA LIBO ANG NAPAGKALOOBAN

Mahigit sa apat na libo ang napagkalooban ng Food Feeding Program ng opisina ni City Vice Mayor Jonathan Balintong. Ang mga brgy na napagkalooban ang mga San Ramon, San Roque, San Vicenti, Sitio gayong brgy sto. Nino, San Pascual, Panlayaan, rizal, sawangga, Usiaw, San isidro, Salvacion at Balogo sa Bacon District. Eksaktong 4, 431 na mga estudyante ang na benipisyuhan ng nasabing feeding program. Sa panayam naman kay Vice Mayor Balintong ang pag bibigay ng feeding program sa mga kabataan ay kanyang sinisikap na maibigay upang ganahan ang mga ito sa pagpasok sakanilang paaralan, malaki umano kasi ang epekto sa estudyante na pumapasok ng gutom. Samantala bukod sa feeding na ibinigay ay mayroon ding libreng gupit, masahe at nag turo din ang mga kasamahan ng bise alkalde ng Mix martial arts sa mga residente nito. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment