WOW

Friday, August 12, 2016

SIMULTANEOUS PRESS CONFERENCE NG DOLE SA BUONG KABIKOLAN KASADO NA

Sa lunes August 15, 2016 na isasagawa ang simultaneous press conference ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong kabikolan. Dito sa sorsogon isasagawa ito sa Casa Dominga sa ganap na ala una hanggang alas kwatro ng hapon, kung saan itong press conference ay ang launching ng DOLE regional hotline sa buong kabikolan. Layunin nito ay upang magkaroon ng magandang komunikasyon ang DOLE sa publiko lalo na sa pagdating sa serbisyo publiko. Tutukan din sa nasabing pressconference mainit na usapin hingil sa DOLE Hotline at Endo labor status. Sakabilang dako ang press conference sa albay ay gaganapin mismo sa DOLE 5 activity center, Hotel Regid sa naga city, Villa Mella resort sa camarines norte, sa lalawigan naman ng Masbate ay gaganapin ang press conference sa unica hija resto bar at sa catanduanes naman ay pag uusapan din ang end of contract o endo kung saan magkakaroon ng open forum kaugnay dito. Samantala mayroong 2 seats na nakalaan sa bawat media personel ng bawat istasyon. Inaasahan naman ng DOLE na magiging matagumpay ang gagawing aktibidad. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment