WOW

Thursday, August 11, 2016

200 PAMILYA ISINALANG NI MAYOR LEE SA ISANG ORIENTATION ON HOUSING PROJECT

200 pamilya ang isinalang ni city Mayor Sally A. Lee sa isang Orientation on Housing Project. Ang nasabing mga pamilya ay galing sa mga Barangay Sirangan, Balogo, Cabid-an at Sampaloc na ililipat naman sa Barangay San Lorenzo, Bibincahan Sorsogon City. Sakabilang dako patuloy pa ang pag arangkada ng housing project ng lokal na pamahalaan ng syudad para sa mga sorsoganong nararapat na mabigyan ng housing project. Nagpasalamat naman ang mga pamilyang mabibigyan ng bahay sa alkalde at sa mga kasamahan nito dahil sa tulong at atensyon na ibinibigay sakanila ng syudad. Samantala dumalo din sa orientation sina Kagawad Jun Jamisola, Christine Lee Rodrigueza at kinatawan mula sa DSWD na siyang magiging katuwang ng Ciudad upang maisakatuparan ang proyekto para sa 200 pamilya na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment