WOW

Tuesday, August 23, 2016

MAHIGIT 200K NA FINANCIAL ASSISTANCE SA MGA BARANGGAY NAIPAMAHAGI NA

Naipagkaloob na ang mahigit dalawang daang libong piso na 2016 Financial Assistance ng syudad para sa mga barangay na naka comply na sa liquidation requirements. Mismong si Ms. Christine Lee Rodrigueza- City Executive Assistance at Atty. Jovert Laceda-City Administrator ang nag abot ng mga teseke sa kada Barangay Treasurer/Secretary kasama ang mga kapitan del barrio. Matatandaan na noong nakaraang mga taon 100 Thousand Pesos lang kada barangay ang binibigay na Financial Assistance aid ng syudad ngunit ngayong taon ginawa na itong 200 Thousand Pesos upang madagdagan ang mga proyekto ng mga barangay sa kanilang lugar. Sakabilang dako ang dating 40 thousand na tulong para sa Electricity ay ginawa ng 50 Thousand Pesos ito ay ayon sa desisyon ni City Mayor Sally A. Lee. Ibig kasi niyang maibalik sa tao ang tama at tapat na Serbisyo. Samantala nabigla naman ang mga Barangay Officials sapagkat hindi nila umano inaasahan na ganon kalaki ang pondong ibibigay sakanila. Nagpasalamat naman ang mga ito dahil malaking bagay umano ito para lalong mapalawak ang kanilang mga proyekto sa barangay. LIKE US ON FACEBOOK https://www.facebook.com/WOWsorsogon

No comments:

Post a Comment