Tuluyan ng ibinasura ng Ombudsman ang kasong graft na isinampa kontra kay Sorsogon Gov. Raul Lee at iba pang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan maging sa dalawang opisyal ng Land Bank of the Philippines (LBP). /
Ito ay may kinalaman sa kasong isinampa ni dating Board Member Vladimir Frivaldo kung saan maanomalya umano ang P350 million na loan ng lokal na pamahalaan sa nasabing bangko. /
Kasama sa mga inabswelto sa kaso sina Vice Gov. Antonio Escudero, Jr. Board Members Rebecca Aquino, Eric Ravanilla, Angel Escandor, Bernard Hao at Nelson Maraña, presidente ng Liga ng mga Barangay. /
Kabilang din sina dating Board Members Dave Duran at ngayo'y konsehal na, Municipal Mayor ng Prieto-Diaz , Atty. Arnulfo Perete, Patrick Rodrigueza, apo ng gobernador na dati ring presidente ng Sangguniang Kabataan at sina LBP officials Banadict Manzanades at Renato Eje. /
Laman ng reklamo ang umano'y sabwatan nina Lee at mga ito sa pagpasa ng resolusyon at ordinansa na nagbibigay otorisasyon sa gobernador na makapag-loan sa kabila ng kakulangan ng requirments gaya ng pagsasagawa ng public hearing at may paglabag pa umano sa evaluation ng Finance Committee. /
Pero ayon sa desisyon ng Ombudsman, walang sapat na ebidensiya sa kaso kaya ito ibinasura.//