MAHIGIT 8,000 barangay sa bansa ang sangkot sa iligal na droga, ayon sa ulat kahapon ng umaga (Pebrero 19) ng Philippine Enforcement Agency (PDEA)./
Sinabi ng PDEA, nasa 20.51 porsyento o 8,629 barangay mula sa 42,065 na barangay sa bansa ang may drug-related cases. /Ayon pa rito, sinasabing drug-affected ang isang barangay kung mayroong drug user, pusher, manufacturer, marijuana cultivator at iba pa./
Ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng mga barangay na drug-affected na ang ibig-sabihin ay mas maraming indibidwal ang nag-aadik. /
Nagtala ang Metro Manila ng 92.10 porsyento, habang sumunod ang Region 4-A (Southern Tagalog) na may 33.78 porsyento./ Shabu at Marijuana pa rin ang pinaka-inaabusong droga o ang paboritong tangkilikin, ayon pa sa PDEA. /
Naglalaro ang bawat gramo ng shabu sa P2,000 hanggang P10,000 habang P18 hanggang P300 naman ang bawat gramo ng marijuana at depende ito sa lugar. //
No comments:
Post a Comment