WOW

Thursday, February 19, 2015

TIKLING BEACH RESORT SA MATNOG PANG NUMBER 3 SA SAMPONG PINAKA MAGAGANDANG BEACHES SA PILIPINAS

Pasok sa pangatlong pwesto ang lalawigan ng sorsogon sa Top ten Secluded Beaches in the Philippines./ Resulta ito ng walang kapagurang pagpapaganda at pag dedevelop ng lalawigan sa mga tourist spot sa sorsogon./
Matatandaan na ang turismo ang siyang pangunahing tinututukan ngayon ng probinsya na pinapangunahan ni Sorsogon Provincial Administrator Robert Bobet Lee Rodrigueza./
Sa pinakahuling report na pinalabas ng http://outoftownblog.com sa sampung mga nakatago o nasa remote area na magagandang paliguan o beaches sa buong pilipinas pang number 3 ang sorsogon kung saan ang Tikling Beach resort na kinaroroonan ng Malarosa Beach resort na matatagpuan sa bayan ng matnog ang napili./
Sa listahan nangunguna ang Calaguas Island sa Camarines Norte pangalawa naman ang Palaui Island sa Cagayan, at ang sorsogon nga ang pangatlo, pang apat Malcapuya Island sa Palawan, panglima Antonia Beach sa Iloilo, pang anim ang Flower Island, sa Palawan, pang pito ang Panampangan Beach sa Tawi-Tawi, pang walo Gota Beach Caramoan cam. Sur, pang siyam ang Bitaog Beach sa Palumbanes Island at pang sampo ang Bakhaw Beach na matatagpuan sa Camotes Island, Cebu./ Samantala ang labis naman na ikatuwa ng turismo ng sorsogon ang nasabing pagkilala ng http://outoftownblog.com sa probinsya ng sorsogon.//

No comments:

Post a Comment