WOW

Thursday, February 19, 2015

LALAWIGAN NG SORSOGON RANK 3 SA OFFICIAL LIST OF NATIONWIDE FISHR TOP 100 MUNICIPALITIES!

Isang karangalan na naman ang natanggap ng lalawigan ng sorsogon matapos itong mahirang na pangatlo sa FishR year-long program ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)./
Matatandaan na ang programang ito ay naka desenyo para ma enhance, ma fast track at makompleto ang mga Municipal Fisherfolk Registry ng mga coastal Local Government Units (LGUs) sa buong pilipinas basado naman ito sa Republic Act 8550./
Isa pa sa layunin nito ay ang madevelop at ma promote ang simplified and standardized national registration system for municipal fisherfolk/ Makuha ang suporta ng lahat mga coastal municipalities and cities to use the standardized registration system./
Samantla, Labis ang katuwaan ni Sorsogon Gov Raul R. Lee sa karangalang ibinigay ng mga mangigisda sa lalawigan , ang mga ganitong uri ng mga pagkilala ay hindi na bago sa lalawigan, ngayong araw tatanggapin din ng probinsya ang parangal na ibibigay ng Dept of Health bilang isa sa sampong probinsya sa buong pilipinas at nag iisa sa bicol region na may pinaka mahusay na pagpapalakad sa hanay ng kalusugan.//

No comments:

Post a Comment