WOW

Thursday, February 5, 2015

MYEMBRO NG PHIL ARMY NG HOSTAGE SA PILAR

Sugatan ang dalawang biktima ng i-hostage ng isang di umanoy myembro ng Phil. Army sa bayan ng Pilar kahapon./Ayon impormasyongnakalap ng wow patrollers, myembro umano ng ng Phil Army na nakabase sa 92nd IB sa aroroy Masbate ang nagwala at nang hostage ng mag ina./

Kinilala ang suspek na si PFC joel Magdalena 27anyos at may asawa./ Ayon sa report kasalukuyang dumadaan sa brgy marifosque si P02 Ronel perfecto at ang brgy. tanod na si Arnel Quintana ng mamataan nito ang nagwawalang si Magdalena habang nakatutok ang patalim sa mag ina./

Ayon sa inisyal na imbistigasyon hindi pa malaman kung ano ang naging motibo ng suspetsado sa kanyang pang hohostage./ sa kabilang dako, sinasabing ina atake umano ng deprensya sa pag iisip kung kaya nagawa nitong mang hostage./

Samantala kinilala naman ang biktima na si Grace Manzaneros at ang menor de edad nitong anak./ Agad naming isinigud sa Donsol District hospital ang mga biktima para malapatan ng pangunahing lunas./ inaalam pa kung isang aktibong myembro ng Phil Army ang nang hostage.//

No comments:

Post a Comment