WOW

Thursday, February 12, 2015

BRGY OSIAO SA BACON, BINISITA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG LUNSOD DAHILAN SA PERWISYONG DULOT NG EDC

Matapos na makarating sa kaalaman ng sanguniang panlungsod ang di umanoy perwisyo ng EDC o Energy Devt Coprporation sa Brgy. Osiao, Bacon District Sorsogon City Agad itong Binisita kahapon ng grupo./
Pinangunahan ni SP Committee on Environment Chair Hon. Roger Jebulan kasama ang SP Committees of Tourism and Agriculture ng lunsod na pinangungunahan naman ni Hon. Ellen Jamisola and Hon. Inigo Destacamento ang personal na bumisita sa naturang lugar upang personal na masaksihan ang nasabing ulat./
Pagdating sa osiao agad na pinulong ng grupo ang mga barangay officials at ang mga resident eng osiaw patungkol sa naturang pangyayari./
Samantala, kasama sa mga bumisita kahapon sa nasabing lugar ang CENRO, CDRRMO at ang ilang mga mamahayag sa sorsogon./ kasalukuyan naming gumagawa ng paraan ang wow smile radio news desk na makuha ang panig ng EDC.//

No comments:

Post a Comment