WOW

Sunday, February 1, 2015

14 na bagong opisyal ng sorsogon city irrigators federation nanumpa sa harap ni city mayor sally a. lee

Nanumpa ang labing apat na bagong opisyal ng sorsogon city irrigators federation inc. sa harap ni city mayor sally a. lee noong nakaraang ika-28 ng enero ng kasalukuyang taon ./ 
Ginanap ang panunumpa sa governor’s training hall, capitol compound, sorsogon city./ Ayon sa alkalde ang paglikha ng naturang kalipunan ng magsasaka ay para mabigyan ng prayoridad ang mga problemang kinakaharap ng mga ito, lalo na kapag may dumarating na bagyo kung saan karamihan sa mga sinasaka ay apektado dahil sa pagkasira ng dam at nakapaligid na kanal./ 
Sa pamamagitan ng federasyon mas mapapadali ang aksyon ng bawat suliranin ng mga asosasyon dahil sa pagkakaroon ng maayos na sistema para dito./ 
Hinamon ng alkalde an mga opisyales sa pamumuno ni ginoong jeoffrey gigantoca na ayusin an pamamalakad ng kalipunan at maging aktibo ang bawat isa na masaiayos ang mga problema ng bawat (asosasyon) sa lungsod ng sorsogon.//

No comments:

Post a Comment