Itinalagang officer-in-charge ng Commission on Audit (COA) si Commissioner Heidi Mendoza kasunod ng pagreretiro ni Grace Pulido-Tan/
Batay sa resolusyon na inihayag sa pamamagitan ng website ng COA, mananatiling OIC sa COA si Mendoza hangga't hindi pa nakakapagtalaga si Pangulong Noynoy Aquino ng permanenteng tagapamuno sa naturang constitutional body/
Pebrero 2, 2015 nang opisyal na matapos ang pamumuno ni Tan sa ahensiya. /Sa ilalim ng kaniyang termino, nabunyag ang multi-bilyong pork barrel scam na humantong sa pag-aresto at pagkulong sa tatlong senador at ilan pang mga mambabatas. /
Sumikat naman si Mendoza bilang auditor ng COA nang mabunyag sa kaniyang ulat ang kaso ng korapsyon sangkot si dating AFP military comptroller Carlos Garcia. //
No comments:
Post a Comment