Hiling ng mga commuters sa lungsod ng Sorsogon na ibaba ang pasahe dahil sa naging sunod-sunod din ang pagbaba ng gasolina sa world market./
Ayon sa naging panyam ng mga wow patroller sa isang commuter malaking tulong numano sa kanila ang kahit kaunting bawas sa pasahe./ Dagdag pa niya na mahirap umano sa kagaya niyang kakaunti lang ang kinikita ang mababawasan pa ang kita dahil sa taas ng pamasahe lalo na malayo pa umano ang kanyang pinanggalingan./
Sa kabilang dako May color coding na ngayon ang mga traysikel sa syudad upang madaling matukoy ang mga kolurom na sasakyan./ Ayon kay Victorino ”bitong” Daria City Traffic Consultant mas madali umanong matutukoy ang mga kolurom na traysikel kung may kulay umano ito./
Sa kabilang dako kakaunti pa lang ang napipinhturahan na mga traysikel sa lungsod./
Samantala, sa kaugnay na balita, muli na namang nagbawas ng P.30 kadal litro ang biodiesel ng Flying V. at P.30 diesel per liter sa Petron , P.30 /liter ng PTT Philippines at P.30/liter Shell na naging epektibo kaninang alas 12:01 ng Pebrero 3. / Habang P.30/liter ng diesel na rollback ang ipapatupad ng Phoenix petroleum epektibo alas-6 ng umaga kanina.//
No comments:
Post a Comment