IKinagulat ng mga residente ng Sorsogon at ng mga karatig bayan ang pagtama ng lindol kagabing mga alas 11:15./ Ayon sa report magnitude 6.2 na lindol ang mismong tumama din sa Catanduanes kung saan Natukoy ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa layong 21 kilometers sa Gigmoto, Catanduanes na may lalim na 10 kilometers./
Ang pagyanig ay tectonic in origin. /Ito ang inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kasabay ng bagong bulletin kaninang madaling araw. /
Ayon sa Phivolcs naramdaman din ang Intensity III sa Panganiban, Catanduanes, Sorosogon City, at Legazpi City. / Sa Naga City, Camarines Sur ay naramdaman naman ang Intensity II./
Dahil sa inaasahang aftershocks nagpaabiso na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga field units at residente na sumunod sa mga alituntunin ng ahensiya kaugnay ng lindol. /
Inaasahan pa rin ng ahensiya ang "zero casualty" matapos tumama ang lindol sa ilang lugar./ Samantala, Alas-3:47 kahapon ay niyanig din ng 4.2 magnitude na lindol ang Catanduanes. //
No comments:
Post a Comment