WOW

Thursday, February 5, 2015

REHIYONG BIKOL PWEDENG TAMAAN NG MAGNITUDE 8 NA LINDOL - PHIVOCS

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa mga lokal na gobyerno sa buong rehiyon na paghandaan ang posibleng pagtama ng malakas na lindol sa Bikol at kasama na nga dito ang lalawiganng Sorsogon./

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum na ang Philippine Trench na tumatahak sa kabicolan ay aktibo at pwede itong mag-trigger ng magnitude 8 na lindol sa mga susunod na panahon. /

Dagdag pa ni Solidum na noong taong 2013 ay pinagsabihan na nya sa isang pulong ang mga lokal na opisyales ng rehiyon sa pagtama ng malaks na lindol sa Bikol. /

Matatandaan na noong 2013 ay tumama sa Bohol, Cebu at Central Visayas ang magnitude 7.2 na lindol. Ito ay tinagurian ng Phivolcs na ''deadliest earthquake'' na tumama sa Pilipinas matapos ang 23 taon. /

Noong Lunes ay magnitude 6.2 na lindol ang tumama sa Gigmoto, Catanduanes at Intensity 3 naman sa Bulusan, Sorsogon na naramdaman rin sa syudad at Pto. Diaz./

Samantala, ang paghahanda sa mga ganitong klaseng kalamidad ang pinag hahandaan ng local na pamahalaan ng Sorsogon kaya sa ngayon ay on going ang seminar ng SPDRMO tungkol sa paghahanda kung sakaling may tumamang kalamidad sa sorsogon.//

No comments:

Post a Comment