WOW

Thursday, February 5, 2015

BINATILYO, PATAY MATAPOS PAGBABARILIN NG MGA ARMADONG LALAKI SA BAYAN NG BARCELONA

Patay ang isang binatilyo matapos pagbabarilin ng mga armadaong kalalakihan sa barangay san Antonio sa bayan ng Barcelona dakong ala una ng kahapon ./

Ayon sa nakalap na impormasyon ng wow patrollers dakong ala 1:50 ng hapon kahapon ng makatanggap ang Barcelona MPS ng report mula sa kapitan na si Juan D. Enteria ng nasambit na barangay na may nakitang bangkay sa naturang lugar./

Sa ginawang imbestigasyon ng Barcelona MPS naglalakad umano ang biktima at pagdating nito sa may tapat ng San Antonio High School bigla nalang itong niratrat ng hindi mga nakikilalang mga kalalakihan./

Kinilala ang biktima na si JOMAR FUENTES FULGOSINO, 23 years-old, single, at nakatira sa Bgy Paghaluban, Barcelona Sorsogon./ Samantala, matapos ang naturang pamamaril agad na tumakas ang mga salarin sa may dako ng brgy Sta. Lourdes.//

No comments:

Post a Comment