WOW

Thursday, February 12, 2015

RETIRADONG PULIS, NAG ALMUSAL NG WALONG NA BALA NG BARIL KAHAPON SA BACON PATAY

Hindi pa man sumasapit ang Friday the 13th kahapon, tila baga Friday the 13th na ang naramdaman ng pamilya corañes kahapon matapos na mautas sa pamamagitan ng bala ang isang retiradong pulis./
Sa impormasyong nakalap ng wow patrollers Agad na binawian ng ang biktimang kinilalang si P/Insp Augurio Corañes matapos itong pagbabarilin ng malapitan ilang metro lang ang layo mula sa kanilang pamamhay./
Ayon sa misis nitong si mrs Juliana Diaz Corañes inakala niyang putok lang rebintador ang sumabog subalit huli na ng malaman niyang mister nya na pala ang pinaputukan ng baril./
Sa inisyal na report, alas-9:40 ng umaga nang bigla na lamang paulanan ng bala ang biktima ng tatlong suspek habang sakay ng motorsiklo Sa ulo napuruhan ang biktima na dahilan din ng agaran nitong kamatayan./
Nakuha sa crime scene ang walong empty shells mula sa cal. 45 pistol./ nakakuha naman ng halagang P6035.00 sa wallet ng biktima na nai turn over naman kaagad sa mga kaanak./ Samantala, Sa ngayon, wala pang malinaw na angulo na nakikita ang mga otoridad sa nasabing pamamaslang.//

No comments:

Post a Comment