WOW

Thursday, February 5, 2015

BABAENG 'BUGAW' TIKLO SA ENTRAPMENT NG CIDT AT SCPS

Hindi na nakapalag ang isa umanong babaeng 'bugaw' nang salakayin ng pinagsamang pwersa ng Sorsogon Criminal Investiagation & Detection Team at Sorsogon City Police Station ang bahay ng suspek sa St Rafael Subd., Bgy Pangpang, sa West District dito sa lungsod ng Sorsogon./

Sa isinagawang entrapment ng mga otoridad, naaresto ang isang HEIDE BRIOSO LAVIA, 44 at residente ng Bgy Sirangan at nasagip naman ang 8 mga babaeng nakahanda na sanang e-byahe papuntang munisipyo ng Donsol para 'ibenta' sa mga lokal at banyagang mga turista ng naturang lugar./

Sinasabing ang mga babae ang pinakamatanda ay 36 na taong gulang at ang pinakabata ay 19 na taong gulang naman./

Sa ulat na nakalap ng wow patrol news teamang mga ito umano ay nanggaling sa iba't ibang lugar sa syudad katulad ng Bgy Balogo, Bibincahan, Cabid-an at Bacon District, mayroon din umanong galing sa bayan ng Casiguran./

Narekober naman ng mga otoridad ang mga 'marked money' na isang P500 at 13 pirasong tig-iisang libo./

Ang CIDT Sorsogon at pinangunahan ni PCI Errol garchitorena at ang SCPS naman ay pinangunahan ni PI Joseph Millarez./Samantala, Nasampahan na ang suspetsado ng kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Person Act of 2003.//

No comments:

Post a Comment