WOW

Monday, December 29, 2014

SORSOGON PATULOY NA UULANIN NGAYON MAGHAPON

Nilinaw kanina ng PAGASA-DOST legaspi City na ang kumbinasyon ng hanging amihan at ni Tropical depresyon Seniang ang patuloy na nagpapaulan sa lalawigan ng Sorsogon./ 

Kaugnay nito nagbigay ng babala ang pagasa sa pamamagitan ng kanilang weather forcaster na si Melvin Almojuela na apektado ng gale warning o ng malalaksa na pag alon ang karagatang silangang bahagi ng Sorsogon, kaya naman pinagbabawalan sa paglalayag ang mga maliliit na mga sasakyang pandagat lalo na ang mga mangingisda./ 

Dahilan sa malalakas na pag alon biglang sumirit ang presyo ng baloko ng halos limapong porsyento na sa ngayon ay pumapalo na sa P90.00./ Sa kabilang dako nagbigay din ng paalala ang SPDRRMO sa pamamagitan naman ni Engr. Raden Dimaano, batay umano sa kanilang monitoring malakas parin ang magiging pag ulan sa buong probinya dahilan sa namumuuong kaulapan na nakabandera sa lalawigan./ 

Samantala, sa naging pahayag naman ni almnojuela maari umanong salubungin ng sama ng panahon ang bansa sa pagpasok ng 2015.//  

BULANENYO, LITO PARIN KUNG SINO NGA BA TALAGA ANG TUNAY NA ALKALDE

Hilo parin hanggang sa ngayon ang mga bulanenyo kung sino naba talaga ang tunay na alkalde sa ngayon sa bayan ng bulan./ 

Matatandaan na Petsa 25 ng nobyembre ng hatulan ng Sanguniang panlalawigan ng 90 days suspension ang naturang alkalde sa ibat-ibang paglabag kung saan petsa 27 na ito ng matanggap ng opisina nasabing alkalde./ 

Makalipas ang mahigit isang buwan nanatili parin sa kanyang opisina si suspended mayor Marnelie Ballesteros Robles o MBR./ Kaugnay nito apektado ang mga transaction sa nasabing bayan lalo na ng mga negosyante, dahilan sa hanggang sa ngayon lito parin ang karamihan kung sino ba talaga ng dapat na kilalaning alkalde, bagamat ginagampanan na ni Vice Mayor Tessie Guran ang kanyang tungkulin bilang acting mayor./ 

Samantala, hindi lang ang mga ordinaryong mamayan ang nakakaranas ng problema dahilan sa direktang nakakaranas ngayon ang mga empleyado ng local na pamahalaan ng bulan lalo na sa kanilang mga pasahod.//

Wednesday, December 17, 2014

BILANG NG KRIMIN SA SORSOGON SA NAKALIPAS NA 6 NA BUWAN MAS DOBLE KUMPARA NOONG NAKALIPAS NA TAON

Halos Dumoble ang bilang ng mga naerehistrong kreminalidad sa probinsya ng Sorsogon sa nakalipas na anim na buwan kung ikukompara sa nakalipas na taon sa kaparehong peryodo./

Sa report na nakalap ng wow patrollers sa opisna ng Sorsogon Police Provincial Command umakyat sa 587 ang crime volume sa Sorsogon mula enero hanggang Hunyo ngayong 2014 kumpara noong 2013 na na pumalo lang sa 250 ang kasong naitala sa unang kwarter ng nakalipas na taon./ 

Kaugnay nito nagkaroon ng halos 130% na increase ang naging tala sa crime rate saprobinsya./ Sa nasabing statistika lumalabas na na ang kalahati sa nasabing bilang ay ang tinatawag na index crimes o mga kaso na kinabibilangan ng murder, rape, homicide at physical injury. / 

Ayon pa datus, 90 pa lamang sa 291ng index crime ang naresolbahan na ng mga otoridad at nabigyan na ng linaw ng PNP Sorsogon sa nakalipas na unang kwarter ng taon./ 

Samantala, sinabi pa ng Sorpol na karamihan sa mga kaso ng pagpatay naerehistro sa ikalawang  kwarter ng taon kung saan ang pinakahuli ay nangyari ng nakalipas lng na lingo matapos na Brilin ang isang 21 yo na lalaki sa harapan ng eskwelahan sa Brgy Balogo, Sorsogon City.//

CHRISTMAS VACATION NG MGA STUDYANTE, AARANGKADA NA BUKAS

Kinompirma ng Department of Education o Dep ED Bicol na nakatakda ng mag-arangkada ang Christmas break ng mga estudyante sa mga pampublikong eskwelahan sa bukas./ 

Ayon kay DepED Bicol Regional Dir. Ramon Fiel Abcede na magpapasimula ang bakasyon sa elementary at high school sa bukas araw ng Biernes petsa 19 ng  Disyembre./ 

Dinagdag pa ni Abcede na ito umano ang nakapalaman sa school calendar para sa school year 2014-2015 kung saan ang christmas break ay magtatagal hanggang sa Enero 4 sa susunod na taon./ 

Samantala, muling nagpaalala ang opisyal sa mga guro na  iwasan ang paniningil ng sapilitang ambagan pasa mga christmas party na isasagawa sa kada eskwelahan ngayong kapaskuhan.//

ROLLBACK SA PAMASAHE NG MGA PUJ SA SORSOGON MALABO PARIN

Sa kabila ng pagbaba ng pamasahe sa metro manila na sa ngayon ay nasa 7.50 na lamang, Malabo parin umano itong mangyari ito ditto sa probinsya ng sorsogon./ 

Ayon kase sa Land Transportation Franchising and Regalatory Board o LTFRB Bicol, wala pa umanong kautusan na ibinababa na galing sa kanilang central office sa manila./ 

Ayon sa LTFRB Bicol, wala naman umanong mga grupo o organisasyon ang galing sa Sorsogon ang  nagfile sa kanilang opisina ng  petisyon para sa bawas singil sa pasahe ng mga PUJ./ 

Dinagdadag pa ng nasabing ahensya na importante umano ang mga pagtutulak ng grupo ng mga commuters upang mabilis silang dinggin ng LTFRB./ kaugnay nito nakapako parin hanggang sa ngayon sa P8.50 ang minimum fare sa mga pampublikong jeepney sa lalawigan /

Matatandaan na nagpalabas na ng orden ang LTFRB central office tungkol sa  implementasyon ng P7.50 na singil sa pamasahe sa mga pampasaherong jeep dahilan sa halos lingo lingo nalang ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa nasyon.//

PNP SORSOGON PATULOY NA NAKA ALERTO KAUGNAY NG PAPALAPIT NA KAPASKUHAN

Hanggang sa ngayon ay naka alerto parin ang pamunuan ng Phil. National Police o PNP ditto sa lungsod kaugnay ng nagpapatuloy na simbang gabi o misa de gallo./ 

Ayon kay Sorsogon City Police Station COP P/Supt. Aarne Oliquiano nakatalaga ang mga police personnel sa mga estratehikong lugar pangunahin na ang mga simbahan, mga department store at marami pang iba./ 

Dinagdag pa ni oliquiano layunin nito na masiguro ang katahimikan sa palibot ng  ciudad sa gitna ng papalapit na kapaskuhan./ Matatandaan na simula noong Martes ng mga alas 4 ng madaling araw nag papatrolya na an gang ilang  miembro ng City PNP para magbantay ng katahimikan./ 

Samantala, sinabi pa ng opisyal sa mga taga lungsod  an partisipasyon ng  publiko upang masiguro ang alala ng kapaskuhan at bagong taon.//

NON UNIFORMED PERSONNEL NG CASIGURAN PNP, NAGPAKAMATAY

Sa gitna ng pagiging abala ng lahat sa nalalapit na kapaskuhan , nagdesisyon ang isang 25 anyos na tapusin na ang kanyang sariling buhay./

Ayon sa report, nagulantang nalang ang kanyang mga  kapamilya ng biktimang si Daphnee Rosas Delumen, ng Brgy Road, Bibincahan Sorsogon City sa pamamagitan ng pagbaril nito sa kanyang ulo gamit ang kalibre 45ng baril./ 

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad lumalabas na nagkulong muna ang biktima sa loob ng kwarto ng kanyang kapatid na si Dexter bago nito isinagawa ang kanyang pagpapakamatay./ 

Kaugnay nito sinira ng mga kapamilya ni Daphnee ang kwarto na inilock ng  biktima matapos na marinig ng  putok. / 

Samantala sa ngayon hindi pa malaman ng mga otoridad kung ano ang motibo sa ginawang pagpapakamatay ng nasabing 25 anyos na dalaga na isang non uniformed personnel ng Casiguran Municipal Police Station.//

DOH AT PHO NAGBABALA VS LEPTOSPIROSIS

Dahilan sa panahon na naman ng tag ulan kaya naman Inaasahan na naman ng  Department of health (DOH) at Sorogon Provincial Health Office (PHO) na tataas na naman ang kaso ng leptospirosis./

Ayon kay Dr. Edgar Garcia bng PHO dahil sa malawakang pag uulan mula pa noong bagyong ruby kaya mataas ang posibilidad na tumaas ang kaso ng leptospirosis./ kaya naman Payo ni Garcia sa mga taong lumulusong sa tubig-baha na may mga open wounds na magtungo na sa pinakamalapit na health facility para humingi ng gamot nang sa gayon maiwasan na magkaroon kumplikasyon./ 

Bagamat dito sa sorsogon ay negatibo pa naman ang probinsya sa naturang sakit subalit mas makabubuti umano na umiwas./ 

Samantala, sa ngayon patuloy parin ang paalala ng PHO at DOH na mag ingat sa pag gamit ng mga paputok dahilan sa nalalapit na naman ang pagdating ng bagong taon.// 

MOBILE CLINIC NG PROBINSYA PATULOY SA PAGHARUROT

Sa ikaapat na pagkakataon muling humarurot ang mobile clinic ng probinsya kung saan sa bayan ng castilla ang naging biyahe nito./ 

Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga taga brgy. Meluya ng abutan ito ng medical team na nagbibigay ng libring serbisyo medical sa pangunguna ni Sorsogon provincial Administrator Robert Bobet Lee Rodrigueza./ 

Matatandaan na inilunsad ang nasabing mobile clinic sa bayan ng magallanes kung saan libu-libo ang mga nabenepisyuhan./ kaugnay ng nasabing paglunsad hindi na naawat pa ang pag arangkada ng nasabing proyekto kung saan muli itong nagbigay ng serbisyo sa bayan ng prieto diaz, sumunod ang pilar, at kahapon nga ang bayan ng castilla ang nabiyayaan  nito sa brgy. Meluya./ 

Kaya naman labis ang katuwaan ng mga residente sa nasabing lugar pati ang mga karatig barangay nito dahilan sa libreng gamut na handog ng probinsya na tila naging maagang pasko na sa kanila./ 

Samantala ang mga ganitong mga proyekto ang isa sa naging basehan ng Department of Health kung kaya sa katatapos lang na iak limang salud bicolnon award ay hinakot ng sorsogon ang mga major award.//

Wednesday, December 10, 2014

MBR AYAW PARING BUMABA SA PWESTO

Makinig sa wow Smile Radio sa special coverage sa pag aklas ng mga taga bulan laban sa suspended mayor na si MBR..

92.7FM WOW SMILE RADIO

Sunday, December 7, 2014

SORSOGON IS NOW PUBLIC STORM SIGNAL NUMBER 1

Makinig sa wow smile radio....

Signal Number 2 na po sa Sorsogon as of 6pm today

Manatili pong naka antabay sa wow smile radio para po sa update...

Saturday, December 6, 2014

SEVERE WEATHER BULLETIN SIGNAL # 3 PARIN ANG SORSOGON

SEVERE WEATHER BULLETIN
FOR: TYPHOON “#RubyPH”(HAGUPIT)
TROPICAL CYCLONE WARNING

WEATHER BULLETIN NUMBER TWELVE
ISSUED AT 11:00 PM, 06 DECEMBER 2014
(Valid for broadcast until the next bulletin to be issued at 5 AM tomorrow)

TYPHOON “RUBY” HAS MADE LANDFALL OVER EASTERN SAMAR AND IS NOW HEADING TOWARDS MASBATE.

•Expected Second landfall: Sunday afternoon in the vicinity of Masbate and it will be associated with strong winds, storm surge (up to 4.5 meters) and heavy to torrential rainfall.

•Estimated rainfall amount is from 10 – >30 mm per hour (heavy – torrential) within the 600 km diameter of the typhoon.

•“RUBY” and the Northeast Monsoon will bring rough to very rough sea conditions over the seaboards of Northern Luzon, eastern seaboard of Central and Southern Luzon, seaboards of Visayas and over northern and eastern seaboards of Mindanao. Fisherfolks and those using small seacraft are advised not to venture out over the said seaboards.

•Expected to Exit PAR: Tuesday evening.

Location of eye/center: At 10:00 PM today, the eye of Typhoon “RUBY” was located based on all available data including Virac and Cebu Doppler radars in the vicinity of Dolores, Eastern Samar or at 140 km East Southeast of Catarman, Northern Samar (11.9°N, 125.8°E).

Strength: Maximum sustained winds of 175 kph near the center and gustiness of up to 210 kph.

Forecast Movement: Forecast to move West Northwest at 15 kph.

Forecast Positions:
•24 hour (tomorrow evening): 35 km Northeast of Romblon, Romblon.
•48 hour (Monday evening): 235 km West Northwest of Calapan City, Oriental Mindoro
•72 hour (Tuesday evening): 595 km West of Calapan City, Oriental Mindoro

Public Storm Warning Signal #3
(Winds of 101-185 kph is expected in at least 18 hrs)

LUZON: Romblon, Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon,and Masbate including Burias and Ticao Island

VISAYAS: Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte and Biliran.

Impacts:
•Heavy damage to agricultural plantation, medium and large trees maybe uprooted
•Considerable damage to structure of light to medium construction, while, majority of nipa and cogon houses unroofed or destroyed
•Severe damage to Billboards & signages
•Evacuation to a safer shelters is highly recommended
•Electrical power distribution and communication services maybe severely disrupted

Residents in low-lying and mountainous areas are alerted against flashfloods and landslides. Likewise, those living along the coast are warned on the occurrence of big waves associated with Storm Surge which may reach up to 4.5 meters.

Public Storm Warning Signal #2
(Winds of 61-100 kph is expected in at least 24 hrs)

LUZON: Camarines Norte, Southern Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro and Occidental Mindoro.

VISAYAS: Northern Antique, Aklan, Semirara Grp. of Islands, Capiz, Northern Iloilo, Northern Cebu including Cebu City, Bantayan and Camotes Island, and Southern Leyte

Impacts:
•Rice and corn maybe adversely affected
•Few large trees uprooted
•Large number of nipa and cogon houses partially or totally unroofed and old galvanized iron roofs may roll off.
•Billboards/Signage may roll off
•Travel by all types of sea vessels and aircrafts are risky

Residents in low-lying and mountainous areas are alerted against possible flashfloods and landslides. Likewise, those living along the coast are warned on the occurrence of big waves associated with Storm Surge which may reach up to 3 meters.

Public Storm Warning Signal #1
(Winds of 30-60 kph is expected in at least 36 hrs)

LUZON: Pampanga, Bulacan, Rest of Quezon, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Lubang Island, Calamian Group of Islands, Cuyo and Metro Manila

VISAYAS: Rest of Antique,Rest of Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Rest of Cebu and Bohol.

MINDANAO: Surigao del Norte including Siargao Island and Dinagat Province.

Impacts:
•Twigs and branches of trees maybe broken
•Some banana plants may tilt or land flat on the ground
•Rice in flowering stage may suffer significant damage
•Some nipa and cogon houses maybe partially unroofed
•Sea travel of small sea crafts and fishing boats is risky

These areas will have occasional rains with occasional gusty winds.

• The public and the disaster risk reduction and management council concerned are advised to take appropriate actions and watch for the next weather bulletin to be issued at 11 PM today.

For more information and queries, please call at telephone numbers 927-1335 and 927-2877 or log on to www.KIDLAT.PAGASA.DOST.GOV.PH

Friday, December 5, 2014

WEATHER.COM.PH TROPICAL CYCLONE UPDATES

WEATHER.COM.PH TROPICAL CYCLONE UPDATES

TYPHOON HAGUPIT (RUBY) UPDATE NUMBER 013

Issued at: 1:00 PM PhT (05:00 GMT) Saturday 06 December 2014
Next Update: Saturday Evening, 06 December 2014

HAGUPIT (RUBY) has weakened anew into a Typhoon classification as it continues to move closer to Samar in a slow pace endangering Eastern Visayas and Southern Bicol area. The potential landfall area of this cyclone is along the northern part of Eastern Samar between 10PM-12MN tonight.

This typhoon will continue to enhance the Northeast Monsoon (Hanging Amihan) - bringing mostly cloudy and windy conditions and cooler temperatures across Northern and Central Luzon...becoming more frequent with possible occasional slight to moderate rains along eastern sections of Cagayan, Isabela, Aurora, and Northern Quezon. The threat of flash floods and landslides are likely in hazard-prone areas especially along river banks and mountain slopes of the affected areas. Residents are advised to take necessary precautions.


Residents and visitors along Southern Luzon, Visayas and Northeastern Mindanao should closely monitor the development of Hagupit (Ruby).


Information based on data collected by WeatherPhilippines Foundation, Inc. shall not be taken as official data. Weather information broadcasted and distributed by PAGASA remains as official data. WeatherPhilippines shall not be responsible for the private use and reliance of its weather information.

CYCLONE HAZARDS AFFECTING LAND


Below are the regions or places in the Philippines that could be affected or that are being affected by the hazards generated by the current tropical cyclone.


RAINFALL
Heavy to Extreme Rains (150 mm or more): Samar Provinces, Leyte, Sorsogon, Albay, Masbate, Romblon, northern portions of Capiz and Iloilo, extreme northern part of Negros Occidental, and Northern Cebu. - tonight through Sunday afternoon (Dec 07). 

Heavy Rains (100 mm to 150 mm): Southern part of Camarines Sur, Aklan incl. Tablas Is., rest of Capiz and Iloilo, rest of northern part of Negros Occidental, northern portion of Southern Cebu, Bohol, Southern Leyte, and Dinagat and Siargao Islands. - tonight through Sunday evening (Dec 07). 

Moderate to Heavy Rains (30-50 mm): Rest of Bicol, Southern Quezon, rest of Visayas, and Northeastern Mindanao. -beginning Saturday morning Dec (06) through Sunday evening (Dec 07). 

WINDS
Typhoon Force Winds (Gusts of more than 130 kph): Most parts of Samar Provinces, Sorsogon, Southen Albay, Masbate, Burias and Ticao Islands, Biliran Island, and eastern portions of Romblon - beginning Saturday afternoon (Dec 06) until Sunday afternoon (Dec 07). 

Tropical Storm to Typhoon Force Winds (Gusts of 100-130 kph): Rest of Albay, Southern Camarines Sur (Rinconada), Virac, Catanduanes Area, Rest of Romblon, Northern Coastal Areas of Panay, portions of Northern Cebu incl. Bantayan Island, Leyte, and some portions of Southern Samar - beginning Saturday afternoon (Dec 06) until Sunday afternoon (Dec 07). 

Tropical Storm Force Winds (Gusts of 75-100 kph): Camarines Norte, Rest of Camarines Sur incl. Metro Naga, Eatern portions of Southern Quezon incl. Bondoc Peninsula, Marinduque, some portions of Northern Panay, Rest of Northern Cebu, some portions of Central Cebu incl. Cebu City, Southern Leyte, and some portions of Dinagat Islands - beginning Saturday evening (Dec 06) until Sunday evening (Dec 07). 

STORM SURGE
Possible coastal storm surge flooding of 4-5.5 m (13-18 ft) above normal tide levels...accompanied by large and dangerous battering waves can be expected along the coastal, inland lakes and beach front areas of Eastern Visayas and Eastern Bicol Region beginning Saturday afternoon onwards. Extreme damage is likely on this type of storm surge. Danger from Rip Currents or Rip Tides can be expected along the beach-front areas of Surigao del Norte, Rest of Visayas, Ragay Gulf, Visayan Sea and Eastern Luzon. 

CURRENT CYCLONE INFORMATION


As of 11:00 AM PhT today...0300 GMT...Dec 06.


Classification/Name: TY Hagupit (Ruby)

Location: Over west-central part of the Philippine Sea (near 12.2N 126.9E)
About: 175 km east-northeast of Borongan City, Eastern Samar...or 360 km east-southeast of Legazpi City, Albay
Maximum Sustained Winds (10-min avg): 205 kph near the center...Gustiness: 250 kph
24 hr. Rain Accumulation (near the center): 150 to 500 mm [Heavy to Extreme]
Minimum Central Pressure: 933 millibars (hPa)
Size of Circulation [Convective Cloud-Based, in diameter]: 900 km (Medium)
Area of Damaging Winds (95 kph or more): 120 km from the Center
Past Movement: West @ 13 kph
Forecast Movement: West @ 11 kph
Towards: Samar 

2-DAY FORECAST OUTLOOK*


TY Hagupit (Ruby) is expected to slightly slow down as it continues to move west towards Northern Samar during the next 24 hours...turning west-northwest through 48 hours. On the forecast track, TY Hagupit (Ruby) shall make landfall over the northern-eastern coast of Samar between 10 PM - 12 PM tonight...then traverses the Island through Sunday morning. It shall emerge over the Samar Sea...then move along the northern coasts of Masbate, and Romblon on its way towards Northern Mindoro through Monday morning.


TY Hagupit (Ruby) is expected to continue to gradually weaken throughout the outlook period as it interacts with the land masses of Eastern Visayas and Southern Bicol coupled with the entrainment of cold Northeast Monsoon. Advance Intensity Forecast (AIF) shows its 10-minute maximum sustained winds decreasing to 120 kph by Monday morning.


The following is the 3-day forecast outlook summary for this system:


SUNDAY MORNING: Weakens as it crosses slowly the northern part of Samar Island...about 35 km south of Catarman, Northern Samar [8AM DEC 07: 12.2N 124.7E @ 165kph].

MONDAY MORNING: Weakens further as it traverses the northern coasts of Masbate...moves toward Romblon and Northern Mindoro...about 75 km northwest of Romblon [8AM DEC 08: 12.9N 121.7E @ 140kph].
TUESDAY MORNING: Barely a Typhoon as it emerges over the West Philippine Sea after crossing Northern Mindoro...about 140 km west of Lubang Island [8AM DEC 09: 13.7N 118.9E @ 120kph].

*Please be reminded that the Forecast Outlook changes every 6 hours, and the Day 2 and 3 Forecast Track has an average error of 100 and 250 km respectively...while the wind speed forecast error, averages 35 kph per day. Therefore, a turn to the left or right of its future track and changes in its wind speed must be anticipated from time to time.
Important Note: Please keep in mind that the above hazards summary and forecast outlook changes every 6 to 12 hrs!

ADDITIONAL DISTANCES

Time/Date: 11:00 AM PhT Sat Dec 06, 2014

Location of Eye: Near 12.2º N Lat 126.9º E Lon
Distance 1: 185 km NE of Guiuan, Eastern Samar
Distance 2: 250 km ESE of Catarman, Northern Samar
Distance 3: 325 km ESE of Sorsogon City
Distance 4: 320 km SE of Virac, Catanduanes
Distance 5: 430 km SE of Metro Naga

Issued by: Leonilo C. Millanes for Weather.com.ph



TRACKING NI RUBY


POST FROM KUYA KING 6 MINS AGO



My personal observation and analysis in re: Bagyong Ruby. Sa kasalukuyan ang sentro ng bagyo nasa 509km este sur este ng lungsod ng Legazpi (as reference point), siya ay tumatakbo sa bilis na 11kph sa direksyon weste norte weste WNW tinutombok ang kabikulan. Kung magbago man po an direksyon apektado pa rin tayo dahil sa laki ng diametro nito, kung sa bilao nasa loob pa rin tayo. Habang siya papalapit sa kalupaan, siya po ay posibleng humina ang takbo, at ang lakas ng hangin ay posibleng bumaba sa CATEGORY 3 Typhoon- lakas ng hangin 178 kph hanggang 208kph, malakas pa rin po ito. Sa takbong napakahina, para itong si Reming. Kaya maging handa sa tinatawag na "WORST CASE SCENARIO". 
 Makinig sa mga abiso ng mga otoridad lalo na yung abiso ng PAGASA, DRRM's. Palaging makinig sa radyo para sa mga updates ng bagyo. Mag-ingat po tayo, "Stay Indoors". 

God help us.
Good morning.
King M. Reginaldo
APSEMO MS Duty Storm Tracker-with Gov Joey Sarte Salceda

LATEST COORDINATE (12.1N, 127.6E)

Update: 05AM today 06Dec.2014, Typhoon RUBY was located at 245km East Northeast of Borongan, Eastern Samar (12.1N, 127.6E)

SCHEDULE NG HIGH TIDE & LOW TIDE


Ayon sa PAGASA may malaking kaugnayan ang Tide Schedule sa lakas ng storm surge

TYPHOON HAGUPIT (RUBY) UPDATE NUMBER 010

WEATHER.COM.PH TROPICAL CYCLONE UPDATES

TYPHOON HAGUPIT (RUBY) UPDATE NUMBER 010 
Issued at: 7:30 PM PhT (11:30 GMT) Friday 05 December 2014
Next Update: Saturday Early Morning, 06 December 2014


Typhoon HAGUPIT (RUBY) has slowed down further while maintaining its strength over the Philippine Sea...remains a serious threat to Eastern Visayas and Bicol Region. The potential landfall area of this cyclone is along the northern part of Eastern Samar between 8PM-10PM, Saturday (Dec 06). 

This typhoon will continue to enhance the Northeast Monsoon (Hanging Amihan) - bringing mostly cloudy and windy conditions and cooler temperatures across Northern and Central Luzon beginning Friday...becoming more frequent with possible occasional slight to moderate rains along eastern sections of Cagayan, Isabela, Aurora, and Northern Quezon. The threat of flash floods and landslides are likely in hazard-prone areas especially along river banks and mountain slopes of the affected areas. Residents are advised to take necessary precautions. 

Residents and visitors along Southern Luzon, Visayas and Northeastern Mindanao should closely monitor the development of Hagupit (Ruby). 

Information based on data collected by WeatherPhilippines Foundation, Inc. shall not be taken as official data. Weather information broadcasted and distributed by PAGASA remains as official data. WeatherPhilippines shall not be responsible for the private use and reliance of its weather information.

CYCLONE HAZARDS AFFECTING LAND 

Below are the regions or places in the Philippines that could be affected or that are being affected by the hazards generated by the
 current tropical cyclone. 

RAINFALL
·         Heavy to Extreme Rains (150 mm or more): Samar Provinces, Leyte, Sorsogon, Albay, Masbate, Romblon, northern portions of Capiz and Iloilo, extreme northern part of Negros Occidental, and Northern Cebu. - beginning Friday Evening (Dec 05) through Sunday afternoon (Dec 07). Read more...
·         Heavy Rains (100 mm to 150 mm): Southern part of Camarines Sur, Aklan incl. Tablas Is., rest of Capiz and Iloilo, rest of northern part of Negros Occidental, northern portion of Southern Cebu, Bohol, Southern Leyte, and Dinagat and Siargao Islands. - beginning Friday Evening (Dec 05) through Sunday evening (Dec 07). Read more...
·         Moderate to Heavy Rains (30-50 mm): Rest of Bicol, Southern Quezon, rest of Visayas, and Northeastern Mindanao. -beginning Saturday morning Dec (06) through Sunday evening (Dec 07). Read more...

WINDS
·         Tropical Storm Force Winds (Gusts of 75-100 kph): Eastern Bicol, Eastern and Northern Samar - beginning Saturday morning (Dec 06). Read more...

Update: 08PM today 05Dec.2014, Typhoon RUBY was located at 340km East of Borongan, Eastern Samar (12.0N, 128.5E).

HOURLY COORDINATES NI RUBY

Tropical Cyclone #RubyPH UPDATE: 07PM TODAY 05Dec.2014, Typhoon RUBY was located at 335km East of Borongan, Eastern Samar (11.9N, 128.5E).

#RubyPH UPDATE: 06PM TODAY 05Dec.2014, Typhoon RUBY was located at 340km East of Borongan, Eastern Samar (12.0N, 128.5E).

#RUBYPH UPDATE: 05PM TODAY 05Dec.2014, Typhoon RUBY with maximum wind/gust (195/230kph), was located @ 360km East of Borongan, Eastern Samar (11.9N, 128.7E) and moving West @ 10 kph.PAGASA

SYNOPSIS: AT 4:00 PM TODAY, the eye of typhoon “RUBY” was located based on all available data at 370 km East of Borongan, Eastern Samar (11.9°N, 128.8°E), 


TC update #RubyPH: 03PM TODAY 05Dec.2014, Typhoon RUBY was located at 380km East of Borongan, Eastern Samar (11.9N, 128.9E).

Integrated Multi-Agency Tropical Cyclone Forecast (Western North Pacific and South China Sea)


LATEST COORDINATE 12.0N, 128.5E

#RubyPH Update: 06PM today 05Dec.2014, Typhoon RUBY was located at 340km East of Borongan, Eastern Samar (12.0N, 128.5E).

PAGASA POST AS OF 7PM

#NCR_PRSD 7:00PM light to moderate raing affecting portions of #Quezon,#Laguna which may persist for 1-2 hours.

Expect light to moderate rains over #Rizal (Tanay, Rodriguez) within the next hour.

LATEST UPDATE FROM PAGASA

SEVERE WEATHER BULLETIN
FOR: TYPHOON “#RubyPH”(HAGUPIT)
TROPICAL CYCLONE: WARNING
WEATHER BULLETIN No. 7
ISSUED AT 5:00 PM, 05 December 2014
(Valid for broadcast until the next bulletin to be issued at 11 PM today)

TYPHOON “RUBY” HAS SLIGHTLY WEAKENED AS IT CONTINUES TO MOVE WEST NORTHWEST TOWARDS THE EASTERN SAMAR – NORTHERN SAMAR AREA.

•Expected landfall: Saturday evening over the Eastern Samar – Northern Samar area and it will be associated with strong winds, storm surge (3-4 meters) and heavy-intense rainfall.

•Estimated rainfall amount is from 7.5 – 20 mm per hour (heavy – intense) within the 600 km diameter of the typhoon.

•“RUBY” and the Northeast Monsoon will bring rough to very rough sea conditions over the seaboards of Northern Luzon, eastern seaboard of Central and Southern Luzon, seaboards of Visayas and over northern and eastern seaboards of Mindanao. Fisherfolks and those using small seacraft are advised not to venture out over the said seaboards.

•Expected Exit PAR: Wednesday morning.

Location of eye/center: At 4:00 PM today, the eye of Typhoon “RUBY” was located based on all available data at 370 km East of Borongan, Eastern Samar (11.9°N, 128.8°E).

Strength: Maximum sustained winds of 195 kph near the center and gustiness of up to 230 kph

Forecast Movement: Forecast to move West Northwest at 13 kph.

Forecast Positions:
•24 hour (tomorrow afternoon): 80 km North Northeast of Borongan, Eastern Samar or at 130 km East Southeast of Catarman, Northern Samar.
•48 hour (Sunday afternoon): 40 km North of Masbate City, Masbate or in the vicinity of Ticao Island.
•72 hour (Monday afternoon): 50 km West of Calapan City, Oriental Mindoro.

Public Storm Warning Signal #2 (Winds of 61-100 kph is expected in at least 24 hrs)
LUZON: Albay, Sorsogon, Ticao Island and Masbate.
VISAYAS: Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu including Cebu City, Bantayan Island and Camotes Island.

• Rice and corn maybe adversely affected
• Few large trees uprooted
• Large number of nipa and cogon houses partially or totally unroofed and old galvanized iron roofs may roll off.
• Billboards/Signage may roll off
• Travel by all types of sea vessels and aircrafts are risky
Residents in low lying and mountainous areas are alerted against possible flashfloods and landslides.

Public Storm Warning Signal #1 (Winds of 30-60 kph is expected in at least 36 hrs)
LUZON: Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Burias Island and Romblon
VISAYAS: Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras, Aklan, Negros Oriental, Negros Occidental, Rest of Cebu, Siquijor and Bohol.
MINDANAO: Surigao del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat Island, Siargao Island, Agusan del Sur and Camiguin Island.

• Twigs and branches of trees maybe broken
• Some banana plants may tilt or land flat on the ground
• Rice in flowering stage may suffer significant damage
• Some nipa and cogon houses maybe partially unroofed
• Sea travel of small sea crafts and fishing boats is risky
These areas will have occasional rains with occasional gusty winds.

The public and the disaster coordinating councils concerned are advised to take appropriate actions and watch for the next weather bulletin to be issued at 11 PM today.

For more information and queries, please call at telephone numbers 927-1335 and 927-2877 or log on towww.pagasa.dost.gov.ph.

Final briefing with the response team


Final briefing with the response team. Divided into three areas: Cityhall in the East District as the command center with Atty. Cesar Balmaceda, the City Administrator. Ayo Gymnasium in the West District with City Councilor Aldin V. Ayo and Atty. Jovert Laceda, the OIC City Legal Officer and Old Municipal Bldg. in the Bacon District with Engr. Regino 'Ading' Derilo from the City Eng'g Office.
All major preparations has been set for the super typhoon RUBY possible outburst hours from now.
'Let's joined hand in PRAYER - City Mayor Sally A. Lee said.

BAYAN NG SAN JACINTO SA TICAO PREPARADO NARIN

Force Evacuation narin ang isinasagawa sa Bayan ng San Jacinto sa Ticao Island ayon kay Mayor Arcenas:

164,652 INDIVIDUALS TARGET NA I-EVACUTE SA SORSOGON CITY

Makinig sa Wow Smile Radio para sa buong detalye...


BAGYONG SI GLENDA HUMINA NG 20KPH

LISTEN WOW SMILE RADIO 92.7FM FOR UPDATE

FORCE EVACUATION NA ANG KAILANGAN

Gov. Raul R. Lee declared pre-emptive or forced evacuation due to impending Typhoon Ruby.
Ruby according to PAGASA is most likely to hit Sorsogon Province. Hence, this declaration.
The governor personally visited the identified highly vulnerable barangays and encourage the constituents to seek for a safer place especially to the known evacuation centers.

Thursday, December 4, 2014

MAGALLANES AT SORSOGON CITY WALA NG KLASE BUKAS

Pareho ng walang klase ang magallanes at Sorsogon city bukas, Ayon kay Mayor Ragragio bukas uumpisahan narin ang evacuation sa kanilang lugar.//

tumutok sa wow smile radio
Sorsogon is now under typhoon signal 1

Makinig po sa Wow Smile Radio dahil umpisa na po ng aming coverage ngayon...

Tuesday, December 2, 2014

TROPICAL STORM RUBY (HAGUPIT) MAARING TAHAKIN ANG DINAANAN NI YOLANDA

Mas mataas na umano ang tsansa na dumaan sa dating tinahak ng bagyong si Yolanda noong 2013 ang tropical storm na si Ruby na my international name na hagupit ito ang unang senaryo na ipinahayag ng PAGASA - DOST Legaspi city weather forcaster na si Melvin Almojela./ 

Dinagdag pa ni Almojela na kaninang ala singko ng umaga  tinatayang nasa 1,667 kph ang distansya nito sa silangan ng Mindanao,  may coordinates itong 6.8N at 141.7E at  nasa kategorya na itong tropical Storm, taglay nito ang hangin  na may pagbugso sa lakas na  135kph hanggang 160 kph tumatakbo sa bilis na 30kph./ 

West north west ang kasalukuyang direksyon nitong tinatahak, Samantala sa ikalawang senaryo kung hindi lalakas ang hanging amihan dederecho na ito patungo sa bansang japan at wala na itong tsansang mag landfall sa pilipinas./  

Sa kasalukuyan mananatiling makararanas ng maulap na papawirin ang lalawigan ng Sorsogon na may may pabugso bugsong pag ulan at pag kidalat lalo na sa may dakong hapon o gabi dala ng amihan kaya pinapayuhan ang mga sorsoganon na palaging magdala ng kapote o payong./ 

Manataling naka antabay sa himpilang para sa pagtutok ng takbo ni tropical Storm ruby every 4 to 6 hrs.//

NATIONAL BASKETBALL TRAINING CENTER O NBTC, PORMAL NANG PINUN-AN SA SORSOGON CITY

Labing dalawang  eskwelahan galing pa sa buong probinsya ng sorsogon ang nakiisa sa isinagawang opening ceremony para sa national basketball training center (nbtc) na pinasimulan noong nakalipas na nobyembre 30, 2014/ 

Pinasimulan ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng parada mula pa sa ssc grounds patungo sa sorsogon provincial gymnasium na isa sa mga venue ng naturang  aktibidad/ pinangunahan ang parada ng mga drum and lyre corps galing pa sa sorsogon national high school, estenias science foundation school, at the lewis college./ 

Si west district city councilor aldin v. ayo ang nagbigay ng opening remarks./  presente rin naman sa sa nasabing okasyon si mr. austin jeremy f. erestain, nbtc commissioner na siya naming nagbigay ng welcome address/ 

Nagbigay naman ng inspirational msgg si city mayor sally a. lee ./ Ayon kay mayor lee naniniwala siya na malaking tulong ang mga ganitong basketball tournament upang mailayo sa masasamang bisyo ang mga kabataan para mailayo sa bisyo./ 

Ang mga eskwelahan na sumali ay ang sorsogon national high school, sorsogon state college, aemilianum college inc., celestino g. tabuena memorial national high school, estenias science foundation school, juban institute, biton high school, gubat national high school, the lewis college, our lady of peňafrancia seminary, panlayaan technical- vocational school, at ang Barcelona national comprehensive high school/ 

Samantala, gagawin ang nasabing tournament gagawin ang mga palaro sa abc gymnasium sa capuy, sorsogon city at sa sorsogon provincial gymnasium na magtatapos sa january, 2015//

SUSPENDIDONG ALKALDE NG BULAN SA MUNISIPYO NAGDIWANG NG KANYANG KAARAWAN

Birthday na hindi makakalimutan ang naranasan kahapon ng suspindidong alkalde ng Bulan na si Marneli Ballesteros Robles (MBR) dahilan sa kanyang opisina niya ito ipinagdiwang dahilan sa hanggang sa ngayon hindi parin nito matanggap ang kanyang suspension./ 

Sa ibang banda naging trending sa ngayon sa mga bulanenyo ang mga salitang “Sana palagi nalang may nakaambang na pwersa na aagaw sa trono ni MBR para palagi itong nasa kanyang opisina” – ito ang tila baga pang iinsultong mga salita dahilan sa hindi na nagawang iwanan pa ni MBR ang kanyang OPisina kung saan halos ito na ang kanyang ginawang tahanan mula pa noong lunes at kahapon nga ditto na siya nagdiwang ng kanyang kaarawan./ 

Nag ugat ang mga patutsadang ito dahilan sa noon umanong wala itong kinakaharap na kaso halos hindi ito Makita sa kanyang opisina pero sa ngayon ito na ang kanyang ginawang tulugan./ matatandaan na Nanindigan si robles na walang sinumang pwedeng makapagpababa sa kanyang pwesto sa kabila ng ipinalabas na 90-days suspension order ng Sangguniang Panlalawigan (SP). / 

Ayon kase kay Bulan administrator Jamer Honra, ang pinaghahawakan ngayon ni MBR ay ang Administrative Order 22 s. 2011. / Sinabi naman ni Gov. Raul R. Lee na kung ayaw bumaba ni MBR ay hindi naman aakyat si Acting Mayor Tessie Guran./ Sa naging panayam naman ng wow patrollers sa acting Mayor sa ngayon ay naghahanap na sila ng kanyang pansamantalang magiging opisina./ 

Samantala, sa pahayag naman ng gobernador kung local government code ang pagbabasehan si acting mayor Tessie guran ang kinikilala ng batas bilang alkade ng bayan ng bulan.// 

MOBILE CLINIC NG PHO MULING PUMASADA SA 3 BRGY SA P. DIAZ

Umabot sa 300 ang nabiyayaan sa muling pagpasada ng mobile clinic ng Provincial Health Office o PHO sa bayan ng Prieto Diaz kahapon./ Galing pa sa tatlong barangay ang maswerting nakatanggap ng libring serbisyo medical, ito ay ang mga barangay ng San fernando,Calao at Carayat./  

Ang medical mission na ito ay ang maagang pamaskong handog ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng sorsogon sa pamamagitan ni Provincial Administrator Robert Bobet Lee Rodrigueza./ 

Labis naman ang mga ngiti ng mga kababayan ng masilayan nila ang buong tropa na may dala ng libring serbisyo kasama ang administrador ng probinsya./ Malaki naman ang pasasalamat ng mga barangay kapitan ng tatlong barangay at si prieto diaz Mayor Benito Doma sa napaka gandang programa ng Probinsya na personal na pinapatakbo ni admin bobet  katuwang ang dating alkalde ng Magallanes na si Provincial Asst. Admin na si Dr. Roque Carranza./ 

Samantala, patuloy marami paring mga programa ang naka handa para sa pag ikot-ikot ng mobile clinic sa buong probinsya at dahilan sa walang puknat na pagbibigay ng serbisyo sa kalusugan ng PHO muli na naman itong paparangalan sa darating na lingo sa SALOD BICOLNON.// 

NO. 3 MOST WANTED PERSON SA GUBAT, SA KULUNGAN NA MAGPAPASKO

Sa kulungan na magdiriwang ng kapaskuhan ang kinu kunsidirang no. 3 most wanted person sa bayan ng Gubat./ 

Ayon sa report, naaresto ng mga otoridad sa kanyang  pinagtataguan na bahay  sa sitio Calawan, Brgy Balete sa distrito ng Bacon ang akusadong kinilalang si Melchor Sta Ana y Espe alias Hapon, 43 anyos kung saan residente ng  Purok 4, Brgy Bagacay Gubat Sorsogon./ 

Tinugis ng mga otoridad si Sta Ana sa bias ng warrant of arrest na pinalabas ni Hon. Judge Bernardo Jimenez ng Branch 54, Gubat Sorsogon dahilan sa kasong rape o panghahalay./ 

Labis naman ang katuwaan ng mga kaanak ng biktima sa pagkakatiklo ng suspetsado./ samantala, walang inirekomendang pyansa ang hukuman para sa kanyang pansamantalang kalayaan.// 

MGA OTORIDAD BLANKO PARIN SA PAGKAMATAY NG ISANG LALAKI SA BAYAN NG BULAN

Aminado sa ngayon ang mga pamunuan ng Phil National Police na nahihirapan parin silang matukoy kung sino ang salarin sa pagPatay sa isang magsasaka sa bayan ng Bulan./ 

Matatandaan na ang biktima na si Ranilo Bañares Penos, 44-anyos bg Brgy. Gerona, Bulan Sorsogon ay pinaputukan ng malapitan sa loob ng kanyang tindahan noong nakaraang lingo./ 

Sa panayam ng wow patrollers kay PNP Provincial Director Bernard Banac isa sa nakakapagpahirap sa kanilang imbistigasyon dahilan sa walang lumilitaw na mga saksi sa nasabing pagpatay./ 

Dinagdag pa ni Banac na hindi lang ang kaso ng pagpatay sa bulan ang nahihirapan silang matukoy ang mga salarin kundi maging ang iba pang kaso sa lalawigan kagaya nalang ng dalawang magkasunod na pamamaril patay sa bayan ng Irosin, kaso rin ng pagpatay sa bayan ng gubat at Prieto Diaz at iba pa./ 

Samantala, patuloy ang panawagn ng PNP sa mga saksi na kung maaari ay lumitaw na para narin mabigyan na ng hustisya ang mga biktima.// 

CHRISTMAS TREE NA GAWA SA SHELL NG BALUKO TAMPOK SA SORSOGON CAPITOL PARK

Natapos na, napalamutian na at napailawan na ang mga Christmas lantern at Christmas tree na gawa sa baluko shell sa Sorsogon provincial capitol park kagabi para sa pagsalubong ng kapaskuhan sa lalawigan./ 

Ito ang ginawang disenyo ng Sorsogon Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Raul R. Lee na kinunceptualized naman ni Sorsogon Provincial Admin Robert Bobet Lee Rodrigueza./ 

Ayon sa mag amang serbidor ginawa nila ito bilang parte ng pagsusulong ng 'eco-friendly' na disenyo bilang ambag narin sa papalalang global warming./  bukod pa rito itinampok din ang kakaiba at napakagandang disenyo bilang tampok ding attraction para sa turismo ng lalawigan./ 

Matatandaan na ang naturang proyekto ay bunga ng napakamalikhaing idea ni Provincial Tourism and Economic Cônsultant Milo Naval kung saan kitang kita ang  uniqueness nito./ Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mismong gobernador ng Probinsya na si Gov. Raul R. Lee, Vice Gov. Kruni Escudero at halos lahat ng alakalde ng bayan ay naroon din./ 

Kapansin pansin din ang hindi pagdalo ng suspended mayor ng bulan na si MBR subalit naroon si Bulan acting Mayor Tessie Guran./ kumpleto rin ang bilang ng mga provincial board members./ Labis naman ang naging kagalakn ni DOT dir Nini Ravanilla dahilan sa ang matagal ng problema sa baloko ay napakinabanagan narin./ 

Samantala nagsanib pwersa ang Phil Army sa pnagunguna ni Col. Cesar Idio ng 903rd Brigade at PNP Provincial Director S/Supt. Bernard Banac para imantine ang katahimikan sa lugar.//