Sa ikaapat
na pagkakataon muling humarurot ang mobile clinic ng probinsya kung saan sa
bayan ng castilla ang naging biyahe nito./
Hindi magkamayaw sa tuwa ang mga taga
brgy. Meluya ng abutan ito ng medical team na nagbibigay ng libring serbisyo
medical sa pangunguna ni Sorsogon provincial Administrator Robert Bobet Lee
Rodrigueza./
Matatandaan na inilunsad ang nasabing mobile clinic sa bayan ng
magallanes kung saan libu-libo ang mga nabenepisyuhan./ kaugnay ng nasabing
paglunsad hindi na naawat pa ang pag arangkada ng nasabing proyekto kung saan
muli itong nagbigay ng serbisyo sa bayan ng prieto diaz, sumunod ang pilar, at kahapon
nga ang bayan ng castilla ang nabiyayaan nito sa brgy. Meluya./
Kaya naman labis ang
katuwaan ng mga residente sa nasabing lugar pati ang mga karatig barangay nito
dahilan sa libreng gamut na handog ng probinsya na tila naging maagang pasko na
sa kanila./
Samantala ang mga ganitong mga proyekto ang isa sa naging basehan
ng Department of Health kung kaya sa katatapos lang na iak limang salud
bicolnon award ay hinakot ng sorsogon ang mga major award.//
No comments:
Post a Comment