WOW

Tuesday, December 2, 2014

TROPICAL STORM RUBY (HAGUPIT) MAARING TAHAKIN ANG DINAANAN NI YOLANDA

Mas mataas na umano ang tsansa na dumaan sa dating tinahak ng bagyong si Yolanda noong 2013 ang tropical storm na si Ruby na my international name na hagupit ito ang unang senaryo na ipinahayag ng PAGASA - DOST Legaspi city weather forcaster na si Melvin Almojela./ 

Dinagdag pa ni Almojela na kaninang ala singko ng umaga  tinatayang nasa 1,667 kph ang distansya nito sa silangan ng Mindanao,  may coordinates itong 6.8N at 141.7E at  nasa kategorya na itong tropical Storm, taglay nito ang hangin  na may pagbugso sa lakas na  135kph hanggang 160 kph tumatakbo sa bilis na 30kph./ 

West north west ang kasalukuyang direksyon nitong tinatahak, Samantala sa ikalawang senaryo kung hindi lalakas ang hanging amihan dederecho na ito patungo sa bansang japan at wala na itong tsansang mag landfall sa pilipinas./  

Sa kasalukuyan mananatiling makararanas ng maulap na papawirin ang lalawigan ng Sorsogon na may may pabugso bugsong pag ulan at pag kidalat lalo na sa may dakong hapon o gabi dala ng amihan kaya pinapayuhan ang mga sorsoganon na palaging magdala ng kapote o payong./ 

Manataling naka antabay sa himpilang para sa pagtutok ng takbo ni tropical Storm ruby every 4 to 6 hrs.//

No comments:

Post a Comment