WOW

Wednesday, December 17, 2014

ROLLBACK SA PAMASAHE NG MGA PUJ SA SORSOGON MALABO PARIN

Sa kabila ng pagbaba ng pamasahe sa metro manila na sa ngayon ay nasa 7.50 na lamang, Malabo parin umano itong mangyari ito ditto sa probinsya ng sorsogon./ 

Ayon kase sa Land Transportation Franchising and Regalatory Board o LTFRB Bicol, wala pa umanong kautusan na ibinababa na galing sa kanilang central office sa manila./ 

Ayon sa LTFRB Bicol, wala naman umanong mga grupo o organisasyon ang galing sa Sorsogon ang  nagfile sa kanilang opisina ng  petisyon para sa bawas singil sa pasahe ng mga PUJ./ 

Dinagdadag pa ng nasabing ahensya na importante umano ang mga pagtutulak ng grupo ng mga commuters upang mabilis silang dinggin ng LTFRB./ kaugnay nito nakapako parin hanggang sa ngayon sa P8.50 ang minimum fare sa mga pampublikong jeepney sa lalawigan /

Matatandaan na nagpalabas na ng orden ang LTFRB central office tungkol sa  implementasyon ng P7.50 na singil sa pamasahe sa mga pampasaherong jeep dahilan sa halos lingo lingo nalang ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa nasyon.//

No comments:

Post a Comment