Umabot sa
300 ang nabiyayaan sa muling pagpasada ng mobile clinic ng Provincial Health
Office o PHO sa bayan ng Prieto Diaz kahapon./ Galing pa sa tatlong barangay
ang maswerting nakatanggap ng libring serbisyo medical, ito ay ang mga barangay
ng San fernando,Calao at Carayat./
Ang
medical mission na ito ay ang maagang pamaskong handog ng lokal na pamahalaan
ng probinsya ng sorsogon sa pamamagitan ni Provincial Administrator Robert Bobet Lee Rodrigueza./
Labis naman ang mga ngiti ng mga kababayan ng masilayan nila ang buong tropa na
may dala ng libring serbisyo kasama ang administrador ng probinsya./ Malaki
naman ang pasasalamat ng mga barangay kapitan ng tatlong barangay at si prieto
diaz Mayor Benito Doma sa napaka gandang programa ng Probinsya na personal na
pinapatakbo ni admin bobet katuwang ang
dating alkalde ng Magallanes na si Provincial Asst. Admin na si Dr. Roque Carranza./
Samantala, patuloy marami paring mga programa ang naka handa para sa pag
ikot-ikot ng mobile clinic sa buong probinsya at dahilan sa walang puknat na
pagbibigay ng serbisyo sa kalusugan ng PHO muli na naman itong paparangalan sa
darating na lingo sa SALOD BICOLNON.//
No comments:
Post a Comment