WOW

Tuesday, December 2, 2014

MGA OTORIDAD BLANKO PARIN SA PAGKAMATAY NG ISANG LALAKI SA BAYAN NG BULAN

Aminado sa ngayon ang mga pamunuan ng Phil National Police na nahihirapan parin silang matukoy kung sino ang salarin sa pagPatay sa isang magsasaka sa bayan ng Bulan./ 

Matatandaan na ang biktima na si Ranilo BaƱares Penos, 44-anyos bg Brgy. Gerona, Bulan Sorsogon ay pinaputukan ng malapitan sa loob ng kanyang tindahan noong nakaraang lingo./ 

Sa panayam ng wow patrollers kay PNP Provincial Director Bernard Banac isa sa nakakapagpahirap sa kanilang imbistigasyon dahilan sa walang lumilitaw na mga saksi sa nasabing pagpatay./ 

Dinagdag pa ni Banac na hindi lang ang kaso ng pagpatay sa bulan ang nahihirapan silang matukoy ang mga salarin kundi maging ang iba pang kaso sa lalawigan kagaya nalang ng dalawang magkasunod na pamamaril patay sa bayan ng Irosin, kaso rin ng pagpatay sa bayan ng gubat at Prieto Diaz at iba pa./ 

Samantala, patuloy ang panawagn ng PNP sa mga saksi na kung maaari ay lumitaw na para narin mabigyan na ng hustisya ang mga biktima.// 

No comments:

Post a Comment