Hilo parin
hanggang sa ngayon ang mga bulanenyo kung sino naba talaga ang tunay na alkalde
sa ngayon sa bayan ng bulan./
Matatandaan na Petsa 25 ng nobyembre ng hatulan
ng Sanguniang panlalawigan ng 90 days suspension ang naturang alkalde sa
ibat-ibang paglabag kung saan petsa 27 na ito ng matanggap ng opisina nasabing
alkalde./
Makalipas ang mahigit isang buwan nanatili parin sa kanyang opisina
si suspended mayor Marnelie Ballesteros Robles o MBR./ Kaugnay nito apektado
ang mga transaction sa nasabing bayan lalo na ng mga negosyante, dahilan sa
hanggang sa ngayon lito parin ang karamihan kung sino ba talaga ng dapat na
kilalaning alkalde, bagamat ginagampanan na ni Vice Mayor Tessie Guran ang
kanyang tungkulin bilang acting mayor./
Samantala, hindi lang ang mga
ordinaryong mamayan ang nakakaranas ng problema dahilan sa direktang
nakakaranas ngayon ang mga empleyado ng local na pamahalaan ng bulan lalo na sa
kanilang mga pasahod.//
No comments:
Post a Comment