WOW

Wednesday, December 17, 2014

BILANG NG KRIMIN SA SORSOGON SA NAKALIPAS NA 6 NA BUWAN MAS DOBLE KUMPARA NOONG NAKALIPAS NA TAON

Halos Dumoble ang bilang ng mga naerehistrong kreminalidad sa probinsya ng Sorsogon sa nakalipas na anim na buwan kung ikukompara sa nakalipas na taon sa kaparehong peryodo./

Sa report na nakalap ng wow patrollers sa opisna ng Sorsogon Police Provincial Command umakyat sa 587 ang crime volume sa Sorsogon mula enero hanggang Hunyo ngayong 2014 kumpara noong 2013 na na pumalo lang sa 250 ang kasong naitala sa unang kwarter ng nakalipas na taon./ 

Kaugnay nito nagkaroon ng halos 130% na increase ang naging tala sa crime rate saprobinsya./ Sa nasabing statistika lumalabas na na ang kalahati sa nasabing bilang ay ang tinatawag na index crimes o mga kaso na kinabibilangan ng murder, rape, homicide at physical injury. / 

Ayon pa datus, 90 pa lamang sa 291ng index crime ang naresolbahan na ng mga otoridad at nabigyan na ng linaw ng PNP Sorsogon sa nakalipas na unang kwarter ng taon./ 

Samantala, sinabi pa ng Sorpol na karamihan sa mga kaso ng pagpatay naerehistro sa ikalawang  kwarter ng taon kung saan ang pinakahuli ay nangyari ng nakalipas lng na lingo matapos na Brilin ang isang 21 yo na lalaki sa harapan ng eskwelahan sa Brgy Balogo, Sorsogon City.//

No comments:

Post a Comment