WOW

Tuesday, December 2, 2014

CHRISTMAS TREE NA GAWA SA SHELL NG BALUKO TAMPOK SA SORSOGON CAPITOL PARK

Natapos na, napalamutian na at napailawan na ang mga Christmas lantern at Christmas tree na gawa sa baluko shell sa Sorsogon provincial capitol park kagabi para sa pagsalubong ng kapaskuhan sa lalawigan./ 

Ito ang ginawang disenyo ng Sorsogon Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Raul R. Lee na kinunceptualized naman ni Sorsogon Provincial Admin Robert Bobet Lee Rodrigueza./ 

Ayon sa mag amang serbidor ginawa nila ito bilang parte ng pagsusulong ng 'eco-friendly' na disenyo bilang ambag narin sa papalalang global warming./  bukod pa rito itinampok din ang kakaiba at napakagandang disenyo bilang tampok ding attraction para sa turismo ng lalawigan./ 

Matatandaan na ang naturang proyekto ay bunga ng napakamalikhaing idea ni Provincial Tourism and Economic CĂ´nsultant Milo Naval kung saan kitang kita ang  uniqueness nito./ Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mismong gobernador ng Probinsya na si Gov. Raul R. Lee, Vice Gov. Kruni Escudero at halos lahat ng alakalde ng bayan ay naroon din./ 

Kapansin pansin din ang hindi pagdalo ng suspended mayor ng bulan na si MBR subalit naroon si Bulan acting Mayor Tessie Guran./ kumpleto rin ang bilang ng mga provincial board members./ Labis naman ang naging kagalakn ni DOT dir Nini Ravanilla dahilan sa ang matagal ng problema sa baloko ay napakinabanagan narin./ 

Samantala nagsanib pwersa ang Phil Army sa pnagunguna ni Col. Cesar Idio ng 903rd Brigade at PNP Provincial Director S/Supt. Bernard Banac para imantine ang katahimikan sa lugar.//

No comments:

Post a Comment