Sa gitna ng
pagiging abala ng lahat sa nalalapit na kapaskuhan , nagdesisyon ang isang 25
anyos na tapusin na ang kanyang sariling buhay./
Ayon sa report, nagulantang
nalang ang kanyang mga kapamilya ng biktimang
si Daphnee Rosas Delumen, ng Brgy Road, Bibincahan Sorsogon City sa pamamagitan
ng pagbaril nito sa kanyang ulo gamit ang kalibre 45ng baril./
Sa inisyal na
imbestigasyon ng mga awtoridad lumalabas na nagkulong muna ang biktima sa loob
ng kwarto ng kanyang kapatid na si Dexter bago nito isinagawa ang kanyang
pagpapakamatay./
Kaugnay nito sinira ng mga kapamilya ni Daphnee ang kwarto na inilock
ng biktima matapos na marinig ng putok. /
Samantala sa ngayon hindi pa malaman
ng mga otoridad kung ano ang motibo sa ginawang pagpapakamatay ng nasabing 25
anyos na dalaga na isang non uniformed personnel ng Casiguran Municipal Police
Station.//
No comments:
Post a Comment