Birthday na
hindi makakalimutan ang naranasan kahapon ng suspindidong alkalde ng Bulan na
si Marneli Ballesteros Robles (MBR) dahilan sa kanyang opisina niya ito
ipinagdiwang dahilan sa hanggang sa ngayon hindi parin nito matanggap ang
kanyang suspension./
Sa ibang banda naging trending sa ngayon sa mga bulanenyo ang
mga salitang “Sana palagi nalang may nakaambang na pwersa na aagaw sa trono ni
MBR para palagi itong nasa kanyang opisina” – ito ang tila baga pang iinsultong
mga salita dahilan sa hindi na nagawang iwanan pa ni MBR ang kanyang OPisina
kung saan halos ito na ang kanyang ginawang tahanan mula pa noong lunes at
kahapon nga ditto na siya nagdiwang ng kanyang kaarawan./
Nag ugat ang mga
patutsadang ito dahilan sa noon umanong wala itong kinakaharap na kaso halos
hindi ito Makita sa kanyang opisina pero sa ngayon ito na ang kanyang ginawang
tulugan./ matatandaan na Nanindigan si robles na walang sinumang pwedeng
makapagpababa sa kanyang pwesto sa kabila ng ipinalabas na 90-days suspension
order ng Sangguniang Panlalawigan (SP). /
Ayon kase kay Bulan administrator
Jamer Honra, ang pinaghahawakan ngayon ni MBR ay ang Administrative Order 22 s.
2011. / Sinabi naman ni Gov. Raul R. Lee na kung ayaw bumaba ni MBR ay hindi
naman aakyat si Acting Mayor Tessie Guran./ Sa naging panayam naman ng wow
patrollers sa acting Mayor sa ngayon ay naghahanap na sila ng kanyang pansamantalang
magiging opisina./
Samantala, sa pahayag naman ng gobernador kung local
government code ang pagbabasehan si acting mayor Tessie guran ang kinikilala ng
batas bilang alkade ng bayan ng bulan.//
No comments:
Post a Comment