WOW

Monday, December 29, 2014

SORSOGON PATULOY NA UULANIN NGAYON MAGHAPON

Nilinaw kanina ng PAGASA-DOST legaspi City na ang kumbinasyon ng hanging amihan at ni Tropical depresyon Seniang ang patuloy na nagpapaulan sa lalawigan ng Sorsogon./ 

Kaugnay nito nagbigay ng babala ang pagasa sa pamamagitan ng kanilang weather forcaster na si Melvin Almojuela na apektado ng gale warning o ng malalaksa na pag alon ang karagatang silangang bahagi ng Sorsogon, kaya naman pinagbabawalan sa paglalayag ang mga maliliit na mga sasakyang pandagat lalo na ang mga mangingisda./ 

Dahilan sa malalakas na pag alon biglang sumirit ang presyo ng baloko ng halos limapong porsyento na sa ngayon ay pumapalo na sa P90.00./ Sa kabilang dako nagbigay din ng paalala ang SPDRRMO sa pamamagitan naman ni Engr. Raden Dimaano, batay umano sa kanilang monitoring malakas parin ang magiging pag ulan sa buong probinya dahilan sa namumuuong kaulapan na nakabandera sa lalawigan./ 

Samantala, sa naging pahayag naman ni almnojuela maari umanong salubungin ng sama ng panahon ang bansa sa pagpasok ng 2015.//  

1 comment: