FLASH REPORT:
Mayor Marnelie Ballesteros Robles ng Bulan, ayaw umalis sa kanyang pwesto sa kabila ng sinuspindi siya ng Sanguniang Panlalawigan ng 90 days.... tumutok ngayon sa wow smile radio para sa kumpletong impormasyon....
Sunday, November 30, 2014
Wednesday, November 26, 2014
Sangguniang Panlalawigan of Sorsogon recommends 90 days suspension from office to Bulan Municipal Mayor Hon. Marnellie Ballesteros Robles.Details at Barkadahan Morning Edition WOW SMILE RADIO!
LOKAL NA PAMAHALAAN NG SORSOGON CITY PINAGKALOOBAN NG HALANG SAMPUNG MILYON NA PROYEKTO
Ipinagkaloob
na sa Lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Sorsogon ang isang instrument na
nagkakahalaga sa sampong milyon piso./ Kaugnay nito Nagkaroon ng moa signing ng
open path differential optical absorption spectroscopy (doas) installation sa
sorsogon provincial gymnasium nito lamang nobyembre 24, 2014./
Sinaksihan nina
City Mayor Sally A. Lee, EMB o Environmental Regional Director Roberto D. Shee
ang nasabing MOA Signing kung saan todo suporta naman sa naturang okasyon ang
mga municipal mayors./
Dumating din si Rr. Roque Carranza ang Asst. Provincial
Admin bilang kinatawan ni Governor Raul R. Lee./ Kasama rin sa mga dumating ang
mga fisherfolks organizations, mga empleyado ng city hall at marami pang iba./
Ang
(doas) ay isang matatag na instrumentong pinakamadalas gamitin sa ngayon upang
masukat ang mga samot saring reactive gases sa ating himpapawid/ magiging
malaking tulong ang nasabing instrumento sa pagtuklas ng pisikal at kemikal na
kalagayan ng syudad ng sorsogon pagdating sa air pollution./
Ayon kay Dr. Sheen
napakaswerte ng sorsogon city dahilan sa isa ito sa nabibiyayaan ng nasabing instrument
na ilalagay within the city complex/
Samantala, laking tuwa naman ni city mayor
sally a lee, sa magandang balita sapagkat ito ay isang bunga ng kanyang
paghihirap sa paghahanap ng mga ahensya na magiging katuwang sa mga programa ng
syudad kung saan malaking tulong ito sa clean and green advocacy ng syudad na
may temang “mauswag na ciudad, malinig na lugar” //
HUSTISYA KAY RODA FORTES USAD PAGONG PARIN
Bagamat
hindi tumitigil sa paghahanap ng mga testigo ang Phil. National Police dito sa
lalawigan ng Sorsogon sa pangunguna ni PD Bernard Banac subalit magpahanggang
ngayon usad pagong parin ang hustisya kay Miss Roda Fortes./
Matatandaan na
mahigit isang buwan na ang nakakaraan ng gahasain ito at piñatay ng
suspetsadong si Benny Sumaupan subalit hindi parin ito masampahan ng kaso
dahilan sa magpa hanggang sa ngayon ay puro cercumstancial evidence palang ang
lumilitaw./
Dinagdag pa ni Banac importante umano ang pakikiisa ng mga
mamamayan sa nasabing kaso dahilan sa isa sa hinahanap ng husgado para umusad
ng husto ang hustisya ang tinatawag ng direct evidence./
Samantala, hindi lang
ang kaso roda fortes ang hanggang sa ngayon ay hindi pa nabibigyan ng
hustisya./ matatandaan na bukod sa mga pagpatay sa gubat. P.diaz at magkasunod
na araw na pamamaslang din sa Irosin, nito lamang nakaraang byernes isang
magsasaka rin na kinilalang si Ranilo Penos sa bayan ng bulan ang biraril din
sa kanilang bahay hanggang sa mamatay.//
ISANG LALAKI NA NAMAN PINASLANG SA BAYAN NG IROSIN
Utas sa tama
ng bala habang naglilinis ng kanyang bahay ang biktimang kinilalang si Allan
Bando 39yo ng mga dakong ala una y medya ng hapon kahapon./
Ayon kay SPO1
Alberto Balbedina na siyang chief invistigator ng naturang kaso inireport sa
kanilang himpilan ni Brgy Tinampo Brgy. Captain Maria Reyes ang naturang
pamamaslang./
Matatandaan na noong nakaraang martes lang isang Alvin balagot
ang binaril at napatay din sa natura ding baranggay, at makalipas ang halos
wala pang 24 oras isang pamamaslang na naman ang nairehistro./
Kaugnay nito,
nagpalabas na nag derektiba si PNP Provincial Director Bernard Banac na
paigtingin ang nasabing pag iimbistiga dahilan sa nakakabahala na umano ang
nasabing pangyayari./
Samantala patuloy paring iniimbistigahan kung magkaugnay
ang dalawang naturang pamamaril.//
SORSOGON CITY POLICE ASSISTANCE DESK HINARAS KAGABI
Isang
panghaharas o pananakot ang naitala kagabi sa Sorsogon City Police Assistance Desk
matapos itong paputukan ng hanggang sa ngayon ay hindi paring makilalang mga
kalalakihan./
Ayon kay PSI Trillanes mga dakong 10:20pm ng gabi ng biglang may
narinig na pagsabog sa may junction road na na may distansyang humigit kumulang
sa 100 metro na sinundan naman ng sunod sunod na putok./
Kaugnay nito agad na
nag responde ang mga otoridad at naabutan pa nila ang mga kalalakihan na hindi
nila na determina ang bilang dahilan sa may kadiliman./
Samantala, hanggang sa
ngayon patuloy paring iniimbistigahan ng mga otoridad ang tunay na dahilan ng
nasabing pananakot at inaalam pa kung anong klaseng mga baril ang ginamit sa
panghaharas, maswerte naming walang nasaktan sa naturang pananakot kagabi.//
Tuesday, November 25, 2014
WALA SA KAMAY NAMIN ANG BOLA-SCWD
HINIHINTAY NALANG SORSOGON CITY WATER DISTRICT ANG SAGOT NG CASIGURAN WATER DIST PARA MAUMPISAHAN NA ANG PROYEKTONG NAGLALAYON NA MASUPLYAN NG TUBIG ANG SORSOGON CITY/
DUMATING NA ANG PONDONG HINIHINTAY GALING KAY SEN CHIZ ESCUDERO UPANG MAS MAPADALI NA ANG NASABING PROYEKTO/
AYON KAY SCWD GM ENGR RONALDO BARBONIO NASA CWD NA ANG PINAL NA DESISYON MATAPOS UMANONG MAKATANGAP SILA NG SULAT GALING SA CWD NA IURONG MUNA UMANO ANG NASABING PRYEKTO NA MATAGAL NA DIN NA PINAG UUSAPAN AT PINAGHAHANDAAN NG KANILANG OPISANA /
DAGDAG PA NI BARBONIO WALA NAMANG NAGING PROBLIMA SA PANIG NILA NAGKATAON LANG NA NAPAGKASUNDOAN NG BOD NG SCWD NA HINDI NA KAILANGAN MAGLOAN PARA SA NASABING PROYEKTO BAGKOS HINTAYIN NALANG ANG TULONG GALING KAY SEN CHIZ /
SA KABILANG DAKO SA PANAYAM NAMAN NG PROGRAMANG BARKADAHAN SA UMAGA NG WOW SMILE RADIO KAHAPON KAY CWD GM ED TEJADA NA DI NAMAN UMANO NILA HAHADLANGAN ANG PROYEKTONG ITO DAHIL NA NGA SA SUBRA NAMAN ANG TUBIG NILA AT NAKIKITA NAMAN NILA ANG KAKULANGAN NG TUBIG SA SYODAD NG SORSOGON/SAMANTALA/
SAMANTALA ANG NASABING PROYEKTO AY MAKIKINABANG ANG IILANG BRGY SA SYODAD NG SORSOGON LALO NA ANG BRGY,ABUYOG,BUHATAN,CABID AN,BALOGO,ALMENDRAS AT ILANG BAHAGI NG BIBINCAHAN.HINANGAAN NAMAN NG MGA TAGA SORSOGON CITY ANG GINAGAWANG HAKBANG NG SCWD PARA MAIBSAAN ANG KAKULANGAN NG TUBIG SA SYODAD NG SORSOGON.
DUMATING NA ANG PONDONG HINIHINTAY GALING KAY SEN CHIZ ESCUDERO UPANG MAS MAPADALI NA ANG NASABING PROYEKTO/
AYON KAY SCWD GM ENGR RONALDO BARBONIO NASA CWD NA ANG PINAL NA DESISYON MATAPOS UMANONG MAKATANGAP SILA NG SULAT GALING SA CWD NA IURONG MUNA UMANO ANG NASABING PRYEKTO NA MATAGAL NA DIN NA PINAG UUSAPAN AT PINAGHAHANDAAN NG KANILANG OPISANA /
DAGDAG PA NI BARBONIO WALA NAMANG NAGING PROBLIMA SA PANIG NILA NAGKATAON LANG NA NAPAGKASUNDOAN NG BOD NG SCWD NA HINDI NA KAILANGAN MAGLOAN PARA SA NASABING PROYEKTO BAGKOS HINTAYIN NALANG ANG TULONG GALING KAY SEN CHIZ /
SA KABILANG DAKO SA PANAYAM NAMAN NG PROGRAMANG BARKADAHAN SA UMAGA NG WOW SMILE RADIO KAHAPON KAY CWD GM ED TEJADA NA DI NAMAN UMANO NILA HAHADLANGAN ANG PROYEKTONG ITO DAHIL NA NGA SA SUBRA NAMAN ANG TUBIG NILA AT NAKIKITA NAMAN NILA ANG KAKULANGAN NG TUBIG SA SYODAD NG SORSOGON/SAMANTALA/
SAMANTALA ANG NASABING PROYEKTO AY MAKIKINABANG ANG IILANG BRGY SA SYODAD NG SORSOGON LALO NA ANG BRGY,ABUYOG,BUHATAN,CABID AN,BALOGO,ALMENDRAS AT ILANG BAHAGI NG BIBINCAHAN.HINANGAAN NAMAN NG MGA TAGA SORSOGON CITY ANG GINAGAWANG HAKBANG NG SCWD PARA MAIBSAAN ANG KAKULANGAN NG TUBIG SA SYODAD NG SORSOGON.
CASIGURAN X-MAYOR BUBOY HAMOR PINABULAANAN ANG ISYU NA UMURONG ANG CASIGURAN WATER DISTRICT SA PAGSUPLAY NG TUBIG SA SORSOGON CITY WATER DISTRICT
Pinabulaanan
ni Former Mayor Buboy Hamor ang balitang umatras na ang casiguran water District sa
proyektong niluluto sa pagitan ng Sorsogon City water district./
Matatandaan na
ang bayan ng casiguran ang isang bayan na marami ang suplay ng malinis na tubig
kung saan ang mga bayan ng Juban at Gubat ang ilan lamang sa sinusuplayan
nito./
Ayon kay xmayor aprubado na ang loan at grant, kaya imposibling umuurong ang
casiguran./ katunayan umano pumayag na sila sa hiling na taripa mula sa P10 sa
ngayon ay P8 na lamang at ibabalik lang sa P10 matapos ang tatlong taon./ ayon
pa kay xmayor ang pondo ay mula pa kay sen chiz escudero kung saan aprubado na
umano ito ng senado./
Dinagdag pa ni hamor na within 2 weeks pwede na itong marelis sa
casiguran,/ aprubado narin umano ang loan sa DBP./
Samantala, nasa kamay na
umano ng Sorsogon City water district ang bola kung tatanggapin nila ito o
hindi pero sinabi ni Hamor at cas water district GM na si MR. Ed Tejada na kung
hindi ito tatanggapin ng SCWD itutuloy parin nila ito sa pamamagitan ng LGU Sor
City kung saan 3k cubic metr per day ang
pwede nilang isuplay.//
OFW-DEPENDENTS SCHOLARSHIP PROGRAM (OFWDSP) NG OWWA PATULOY NA PINAPALAKAS
Nagpapatuloy
ang programa ng opisina ng Overseas Workers Welfare Administrationion o OWWA na OFW-Dependents scholarship program (ofwdsp) na pinangungunahan ni owwa bicol
regional director Jocelyn Hapal./
Sa panayam ng wow patrollers kay hapal,
ang programa ay nagbibigay ng financial assistance
sa mga qualifikadong dependents ng mga aktibong ofw na hindi sosobra sa $400.00 o P16, 800.00 kada buwang ang
tinatanggap na sweldo. /
Sinabi pa ni hapal na ang makakapasok na mga scholars
pu-pwedeng mag-enroll sa apat o limang taon na mga kurso sa isang state college
o unibersidad at ito ay makakatanggap ng
P10, 000.00 kada semester./
Samantala, isang scholar bawat aktibong myembro mg owwa
o kahit mag asawang mag asawang ofw ang makaka avail ng nasabing programa.//
MAGSASAKA SA BAYAN NG BULAN PATAY MATAPOS PAGBABARILIN SA KANILANG SARILING PAMAMAHAY
Patay ang
isang magsasaka sa bayan ng Bulan matapos itong tambangan ng mga armadong
suspetsado noong nakaraang araw. /
Kinilala ang biktima na si Ranilo Bañares
Penos, 44-anyos na nakatira sa Sitio Inalapan, Brgy. Gerona, Bulan Sorsogon. /
Ayon sa Bulan Municipal Police Station habang nagbabantay ng tindahan ang
biktima ng may tatlong kalalakihan ang bumili at pagkatapos agad na pinaputukan
ng malapitan ang biktima./
Pitong bala ang pina alpasan ng mga criminal at ang
dalawa rito ang umutas kay penos./ Agad naman itong naitakbo sa ospital ang
biktima subalit idiniklara itong dead on arrival. /
Sa ngayon ay patuloy ang
isinasagawang imbestigasyon ng mga
awtoridad sa nasabing insidente./ Samantala nadaplisan naman ng ligaw na bala
ang kasalukuyan noong dumadaan na
dalagitang kinilala lamang sa pangalang jesami sa kanyang tiyan.//
Monday, November 24, 2014
LIMANG MYEMBRO NG NAGPAPAKILALANG MYEMBRO NG INTERPOL NASA KAMAY NA NG CIDG SORSOGON
Nasa
kustudiya na sa ngayon ng CIDG- Criminal Investigation and Detection
Group Sorsogon ang limang suspetsado na mga
nagpapakilalang myembo ng international police o Interpol./
Kinilala ang mga
suspetsado na sina Raymond Jalmansar ng Brgy. Macabog, Salvador Demdam Deterio at
Elen Berenger ng Bincahan, Santos Jarlego
ng San Isidro Castilla Sorsogon at Conrad Villagomes ng Buhatan./
Sa panayam ng
Barkadahan kay PCI Major Errol Garchetorena, mga bogus ang nasabing grupo na
nagangakong mabigyan ng magagandang benepisyo ang kanilang mga recruit at
hinihingian pa ito ng P44,500./
Dinagdag pa ni Garchetona na wala namang
naipakitang mga legal documents ang naturang mga suspek./ Ayon pa kay
Garchetorena ang mga totoong myembro ng Interpol ay dapat dadaan pa sa Phil
National Police o PNP./
Samantala, narecover sa mga suspetsado ang mga Interpol
ID, dalawang 9mm at isang caliber pistol, hanggat wala itong naipapakitang mga
legal documents ay ipagpapatuloy nila ang naturang kaso kasama na ang
usurfation of authority.//
MGA BULANENYO NADISMAYA SA PAGKAKA ANTALA SA HATOL NI MBR
Nadismaya ang
lahat ng mga nagsidalo kahapon sa isinagawang sesyon ng Sanguniang Panlalawigan./
Hindi lang ang mga nagsidalo ang naunsyami kundi ang maging ang lahat ng mga
tagabulan./ Matatandaan na kahapon sana ang nakatakdang araw para ipalabas ang resulta
ng isinagawang hearing sa kaso ng alkalde ng bulan na si Mayor Marnelli
Ballestoros Robles./
Subalit, natapos lang ang sesyon na hindi man lang napag
usapan ang pangalan ni Robles./
Samantala, umabot lang sa halos 30minuto ang
naging sesyon kahapon sa sanguniang panlalawigan.//
PUBLIC HEARING PARA SAGIPIN ANG SORSOGON BAY, NAGING MATAGUMPAY
Umabot sa
humigit kumulang sa isang daan katao ang nakiisa sa isinagawang public hearing
na may kinalaman sa pag preserba ng Sorsogon Bay kahapon./
Kabilang sa mga
dumalo ang mga representante ng kada baranggay sa lalawigan na nasa mga coastal
areas, mga representative ng mga kumpanyang may malaking epekto sa kapaligiran,
mga brgy officials, at ang Environment Management Bureau na pinapangunahan ni
Engr.Roberto Cheen na siyang Regional Manager nito./
Ikinasa ang nasabing public
hearing kaugnay ng palala ng palalang sitwasyon ng karagatan ng Sorsogon./ Ayon
kay Engr cheen kung hindi ito maaagapan, maaring dumating ang panahon na hindi
na mapaliguan ang sorsogon bay./
Todo suporta naman ang lahat ng mga nagsidalo
sa nasabing pagdinig upang maagapan ang patuloy na paglala ng kalagayan ng
karagatanng Sorsogon./ Samantala, may magandang balita si Engr. Cheen dahilan
sa hanggang sa ngayon ay ligtas parinnamang maligo sa lahat ng lugar ng
Sorsogon bay.//
MAYOR SALLY LEE, NAGBIGAY NG HAMON SA CITY TOURSM OFFICE NA IPAGPATULOY ANG KANILANG MAGAGANDANG PRIYEKTO
Walang
mangyayari sa ating mga olano kung mananatiling plano lamang – Ito ang isa sa
binitiwang salita kahapon ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee sa isinagawang
pang inspeksyon ng City Toursm office sa Buhatan River./
Matatandaan na ang
tinatawag na community base toursm ang isa sa pangunahing isinusulong ng
turismo na pinapangunahan ni Madam Siony Alejo./ Umabot sa humigit kumulang sa
isang daan ang nakiisa sa nasabing inspeksyon sa buhatan river kasama ang
kapitan ng nasabing brgy na si Brgy. Captain Edwin Devina./
Labis namang
ikinatuwa ng mga resident eng buhatan ang nasabing aktibidad dahilan sa kapag
naisakatuparan ang planong ito na gawing isang main attraction ng lungsod ang
buhatan river./
Samantala, siniguro naman ng City Tourism office at ng brgy
buhatan na tutukan nila ang programang ito at kanilang ituturing na challenge
ang naging hamon ng alkalde.//
NAPASLANG NA MYEMBRO NG PHIL AIRFORCE SA IROSIN KINILALA NA
Positibong
kinilala ni SPO1 Balbedina ng Irosin Municipal Police Station ang isang kaso na
naman ng pamamaril na ngyari sa bayan ng Irosin kahapon./
Sa inisyal na imbistigasyon
ng Irosin MPS myembro umano ng Phil Airforce ang biktimang kinilalang si Alvin
Balagot, 27yo at nakatira sa brgy. Tinampo, Irosin Sorsogon./
Ayon kay SPO1
Abelardo Balbedina ng ng Irosin MPS limang tao ang tumambang sa may mismong
bahay nito sa tinampo kahapon ng mga dakong alas dyes ng umaga./
Sa ngayon
nakalagak ang nasabing bangkay sa isang Funeral Homes sa naturang bayan./
Samantala,
patuloy paring iniimbistigahan ng mga otoridad sa irosin ang naturang kaso at
patuloy paring nakakatakas ang mga Kriminal.//
Monday, November 17, 2014
FARMER FIELD SCHOOLS FOR VEGETABLE PALAY CHECK AND CLIMATE- RESILIENCY NAGING MATAGUMPAY
20 ang
pinalad na makapagtapos sa Farmer field schools – palay check, 25 naman sa
climate resiliency field school o (crfs), at 42 naman sa farmer field schools –
vegetable./
Ang nasabing pag aarala ay programa ng lungsod upang mapalakas ang
hanapbuhay ng mga magsasaka at para narin maturuan sila ng mga makabagong
paraan sa pagtatanim. / Pinangunahan ng city
agriculture office sa pangunguna ni city agriculturist Adeline J. Detera angnaturang
aktibidad./
Presente rin sa programa si city vice mayor Charo Dichoso – Logronio,
kung saan siya rin ang nagbigay ng welcome remarks tungkol sa layunin ng nasabing programa, nagbigay din ng pahayag si provincial
agriculturist maria teresa v. destura, ph. d at aurora a. regalado,lead
convenor ng rice wacth and action network/
Samantala, laking pasasalamat naman
ng mga nagsipagtapos sa mga facilitator na sina irma conception, ian duka,
erlina guerero, arturo doloiras, reynaldo diaz, medilina fernando, gloria
jarical, at arturo doloiras//
PAGKAMATAY NG SUNDALO SA BARCELONA INAKO NA NG BHB-CMC
Inako nang
Bagong hukbong Bayan/ Celso Minguez Command o BHB-CMC ang pagkakapaslang sa
isang myembro ng Phil Army sa Barcelona./ sa pinalabas na pahayag ng BHB-CMC sa
pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Ka Samuel Guerrero, Hinarang at
pinatigil ng NPA ang pampasaherong traysikel na sinasakyan ng dalawang sundalo
para kumpiskahin ang kanilang maiiksing baril./
Dinagdag pa ni Guerrero na Tumalon mula sa
sasakyan at bumunot ng baril ang isang sundalo kaya naobliga ang mga Pulang
mandirigma na putukan at mapatay ang biktimang si Corporal Zaldy Bengua./
Matatandaan na Ang dalawang sundalo ay kabilang sa tinaguriang Peace and
Development Team (PDT) na nakahimpil sa sentro ng naturang barangay mula pa
noong Oktubre 22. /
Samantala, ang mga hakbang na ito ng NPA ay tugon umano nila
sa mga reklamo ng taumbaryo laban sa mga sundalo na anyay inirereklamo ng mga
tao ang may tatlong linggo nang pag-okupa ng mga tropang militar sabarangay
hall, daycare center at health center hindi lamang sa San Antonio kundi
gayundin sa mga baryo ng Togawe, Benguet, Villareal at Tabi sa bayan ng Gubat,
Sorsogon.//
PROVINCIAL YOUTH LEADERS CONGRESS SA SORSOGON STATE COLLEGE NAGING MATAGUMPAY
Umabot sa
halos 500 mga kabataan mula pa sa ibat-ibang eskwelahan at mga schools organizations ang nagsidalo sa provincial
Youth leaders congress./
Kaugnay nito puspusan ang pakikinig at partisipasyon
ng mga kabataan lalo na Pagdating sa mga mahahalagang paksang tinalakay sa
nasabing congress./
Isa rin sa nagging tagapagsalita ay ang inyong lingkod kung
saan nagging tema ng usapin ay ang mga Role of the Youth in Community
Development./
Samantala, ang naturang seminar ay magtatagal ng tatlong na pinangunahanng
Supreme Student Government (SSG) ng SSC./ Umaasa ang mga organizers na malaki
ang magiging palinabang ng mga kabataang nagsidal sa nasabing pagtitipon na
mula pa sa apat na sulok ng lalawigan.//
Sunday, November 16, 2014
ISANG DOLPHIN NAKITANG PAANOD ANOD SA KARAGATAN NG BARCELONA
Agad na
inilibing ng mga barangay official ang natagpuang dolphin kahapong ng mga
dakong 5:30 ng umaga sa bayan ng Barcelona./
Ayon kay Brgy. Captain Edwin
Galdo, nadiskobre ng mangingisdang kinilalang si Davidson Fontilar ang naturang
lamang dagat na paanod-anod sa karagatan na malapit sa baybayin ng brgy. Layog
sa nasabing bayan ng wala ng buhay./
Tinatayang nasa 6 feet ang haba nito at
may bigat na 225 lbs. / Dinagdag pa ni Kapitan Galdo, may apat na sugat ito kanyang
katawan na pinaghihinalaang tama ng bala at maaring ito ang naging sahi ng
pagkamatay nito./
Ayon sa kanilang talaan ito na ang ikatlong beses na may
napadpad na dolphin sa nasambit ng barangay./ Samantala, kumuha naman ng sample
sa tissue ng nasabing ang mga personnel ng Bureau of Fishiries and Aquatic
Resources upang mapag aralan kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay nito.//
ISANG SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA BARCELONA
Halos tumulo
ang luha ni Brgy. Chairman Juan Enteria ng San Antonio, Barcelona, Sorsogon ng
makapanayam ng Wow Radio News team kaugnay ng pagkapaslang kay Corporal Zaldy
Bengua. /
Ayon kay kapitan enteria, nakakalungkot na sa kanyang barangay pa ito
nangyari. Dinagdag pa nito na kapwa pilipino lang naman tayo at halos
pagsisilbi sa mga pilipino daw ang ginagawa ng magkabilang panig. /Bakit pa
aniya may mamatay para lang sabihing nagsisilbi sila sa taumbayan. /
Agad na Tumulak
ang WOW Smile Radio News team papuntang Barcelona makaraang makatanggap ng
balita galing sa isang member ng Barkadahan na may inambush nga sa San Antonio.
/
Halos ilang oras din ang aming hinintay makaraang magsagawa ng pagpupulong ang
composite team ng PNP at ng Phil Army sa tactical move na gagawin papasok sa
lugar kung saan tinambangan si Corporal Bengua. / Ang Brgy. San Antonio ay
isang remote barangay ng bayan ng Barcelona kung saan sinagupa ng news team ang
rough road bago makarating sa lugar./
Samantala, sinabi ng CO ng army sa lugar
na halos mag iisang buwan pa lamang ang kanyang tropa sa san antonio na
kasalukuyang nagsasagawa ng Bayanihan program sa naturang barangay. /
Ikinagulat
ng CO ang insedenteng ito kung saan bakas sa kanyang mukha ang panghihinayang
sa buhay ng kanyang tauhan./ Sinabi nito sa Wow Radio News team na nagpaalam
ang dalawang sundalo na bumaba ng bayan ng may mahigit apat na kilometro ang
layo upang magpadala ng pera sa may bahay nito sa pamamagitan ng smart padala. /
Ayon
pa sa kanya kaka bonus pa lang kasi nila kung kaya nais nitong ipadala agad sa
pamilya ang nasabing pera.//
Thursday, November 13, 2014
MGA LATAY SA KATAWAN NG DALAGITANG NATAGPUANG NAKATALI SA LIKOD NG SIMBAHAN NG BARCELONA PINASINUNGALIN NG COP
Kinumpirma
ngayon ng Chief Of Police ng Barcelona MPS na si P/Insp Jose Arnel Gloriane Geronga na hanggang
sa ngayon ay hindi parinmakausap ng maayos ang Daligita na natagpuang nakatali
ang mga paa sa may likurang bahagi ng simbahan./
Subalit pinasinungalinan ni
Geronga na may nakasulat sa katawan ng pananakot, ang natagpuan umano sa lugar
ay ang sulat na may pagbabanta sa biktima./ Dinagdag pa ni Geronga na hanggang
sa ngayon nahihirapan parin sila sa imbistigasyon dahilan sa hindi nakikipag
cooperate ang nasabing dalagita./
Ayon pa kay COP hindi parin nila ma kumpirma
kung talagang may abduction na ngyari./ Isa ring angulo na tinitignan ay ang initiation sa
fraternity./ Matatandaan na una ng
lumabas ang balita na ang biktima ay nakita umano sa likurang parte ng chapel sa barangay Luneta na nakahiga habang may
nakataling masking tape sa kanyang mga paa./
Samantala, nasa provincial crime laboratory
na ang mga ebidensya para sa imbistigasyon./ Hanggang sa ngayon hindi parin
nagpapalabas ang Barcelona MPS sa ngyaring final meeting kahapon ng alas dyes y
medya ng umaga sa bahay ng biktima sa pangunguna ng DSWD at Barcelona MPS officers./
/
BENEFIARIES NG CAPABILITY AND SKILLS TRAINING, LUBOS ANG KASIYAHAN AT PASASALAMAT SA LGU SORSOGON CITY
Umabot sa
160 na beneficiaries ang nakapagtapos ng capability and skills training na
ginanap sa lobby ng city hall noong isang araw./
Sa naging graduation ceremony nagging
madamdamin ang testemonya at inspirational message na ibinigay ng isang
nakapagtapos kung saan labis ang kanyang nagging kasiyahan dahilan sa bukod sa
nakapag aral siya ng libri may kasama pang starting kit para naman sa sa
kanilang pangkabuhayan/
Pinangunahan naman ng City government of sorsogon sa
pamamagitannaman ng cswdo na pinamumunuan ni Mr. Josie Jadie,/ katuwang sa
nasabing librng pag aaral ang tesda, dswd, at si Mr. Ddgar Balasta na siyang school
administrator ng ccdi /
Nakiisa rin sa naturang okasyon si city vice mayor
charo dichoso-logronio para magbigay ng mensahe sa mga nagtapos/ sinabi ni vm
charo na wag sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng city government/
Dagdag pa nya na wag mawalan ng pag asa at mawala ang enthusiasm para makakuha
ng trabaho/ Samantala, hindi tumitigil ang local na pamahalaan sa
pagpupursiging matulungan ang mga taga lungsod na naghihikahos sa buhay.//
WALA NG ATRASAN ANG PAGPAPATALSIK SA MGA INFORMAL SETTLERS SA ZONE 7 – B GONZALES
Wala ng
atrasan pa! ito ang mariing binitiwan ni Bulan Former Vice Mayor Toby Gonzales
sa programang barkadahan kahapon./ kaugnay ito sa 33 pamilya na pinapatalsik sa
kanyang lupang pag aari sa brgy. Zone 7 B./
Ayon pa sa kanya matagal nila itong
idinulog sa husgado kaya naman ngayong pinaboran na sila ng korte wala ng
pwedeng makapigil pa./ Bagamat pursigido si Gonzales na hindi na nila ito
iuurobg sinabi naman niya na hanada naman uano siyang magbigay ng palugit at
tutulong din naman sa paghahanap ng reclocation site./
Ayon pa kay Gonzales na
kung tutuusin ang lokalna pamahalaan naman talaga ang dapat na maghanap ng
relocation site ayon sa Article 7 ng Rep.
Act 7279./ dinagdag pa ni Gonzales na sa
ngayon hindi na sya ang makakapg desisyon tungkol sa naturang lupain dahilan sa
hindi na umano siya ang nagmamay ari ng lupa dahilan sa na itransfer na niya
ang titulo nito sa kanyang walong anak./
Sa kabilang dako, sinabi ni Gonzales
na sa kanyang edad na 81 wala na umano siyang balak tumakbo pa sa politika./
Samntala, siniguro ni Gonzales na walang kinalaman ang kanyang pagkatalo sa
pagka brgy captain ng naturang lugar kung bakit nya pinupursigi ang pagpapa
alis dahilan sa yr 2013 pa umano sya tumakbo sa samantalang ang usaping ito ay
matagal nya itong isinampa sa husgado.//
MGA DRIVER NA MAHILIG SA OVERLOADING MAAARING MAKANSELA ANG LISENSYA
Maaring
makansela ang mga drivers licens ng sinumang mapapatunayang may mga driver na
paulit-ulit ng nagsasakay ng tinatawag na overload./
Ito ang nagging babala ni Traffic
Regulation Officer II na siya ring incharge ng LTO Sorsogon na si Delfin
Peñaflor./ Pinalabas ni Peñaflor ang naturang pahayag kaugnay ng pagkaka
disgrasya ng isang Jeepny sa Bulusan na nagresulta sa pagkakamatay ng isang
estudyante./
Ayon sa ahensya ang pagsasakay ng higit sa kakayahan ng sasakyan o
overloading , mapa jeepney man ito o tricycle ay mahigpit na ipinagbabawal ng
batas base sa REPUBLIC ACT NO. 4136 o ang Land Transportation and Traffic
Code.”/
Matatandaan na ito ang itinuturong rason sa pagkaka aksidente ng isang
jeepny na nag resulta pa sa kamatayan ng isang nag ngangalang john paul./ Dinagdag
pa ni Peñaflor na sa mga liblib na lugar ay nagiging kaugalian na nila ito./
Ayon
pa sa kanya nasa control ng driver at konduktor kung magsasakay sila ng sobra./
Samantala, malaking pananagutan umano ito ng driver at operator kung
mapapatunayang nag overloading nga ang naturang sasakyan at may malaking
pananagutan ito s batas.//
DRIVER AT OPERATOR NG JEEPNY NA NAAKSIDENTE SA BULUSAN MAARING MAGKAROON NG PATUNG PATONG NA KASO
Maaring
magkaroon ng Patong patong na kaso ang kaharapin ng operator at driver ng
Jeepney na ginamit na service ng mga estudyante ng Buhang Bululasan National
High School./
Matatandaan na isa ang agad na binawian ng buhay sa ngyaring
aksidente ang binatilyong si John Paul./
Ayon sa Chief Of Police ng Bulusan MPS
na si Nenita Asuncion patuloy nilang iniimbistigahan ang naturang aksidente kng
talagang overload nga ang naturang sasakyan./
Ayon kase sa salasay ni LLyoyd
isang grade 9 student na sa ngayon ay nagpapagaling pa sa Sorsogon Provincial
Hospital, punompuno umano ang naturang jeeny at nawalan umano ng preno ng
dumaan ito sa may pakurbadang parte ng naturang bayan na nagresulta sa kanilang
pagkaka aksidente./
Samantala, nasa kustudiya na ng Bulusn MPS ang naturang
driver para sa tamang disposisyon.//
Monday, November 10, 2014
ISANG LOLO PATAY MATAPOS MAMROBLEMA SA KANILANG LILIPATANG BAHAY SA BAYAN NG BULAN.
Isang araw
bago ang demolisyon ng mga kabahayan sa bayan ng bulan, isang lolo ang binawian
ng buhay dahilan sa problemado ito sa kanilang bahay na lilipatan./
Kinilala
ang namatay na si Rofu Golondrina 69yo at isa rin sa nakatira sa lupang
binabawi na ng pamilya Gonzales na nagmamay-ari ng lupaing kinatitirikan ng
kanilang bahay./ Ayon sa apo nito na si Jose Estremera, mula ng mabalitaan nila
na kinampihan ng korte ang nagmamay ari ng lupain na si dating bulan Vice Mayor
Toby Gonzales, palagi na itong nag iisip at problemado at halos hindi na
makakain, kahapon nga binawian na ito ng kanyang hiram na buhay na tanging sa
ilalim lamang ng isang tent sa tabing kalsada ito nakaburol./
Sa kanbilng dako,
labis parin ang lungkot ng halos 33 pamilya na apektado ng demolisyon na
pasisimulan bukas dahilan sa hanggang sa ngayon wala parin silang malilipatan./
Samantala, hanggang sa sinusulat ang balitang ito, wala paring tulong na
ipinaabot ang local na pamahalaan ng bulan sa pamumuno ni Mayor Marneli
Balleteros Robles sa mga pamilyang biktima.//
Friday, November 7, 2014
MAHIGIT TATLUMPONG KABAHAAN SA BULAN IDE-DEMOLISH NA
Mawawalan na
ng matitirahan ang mahigit sa 30 pamilya na mga nakatira sa barangay Zone 7-B
sa bayan ng bulan matapos payagan ng korte ang tunay na may ari nito na si
dating bulan Vice Mayor Toby Gonzales na bawiin ang kanilang lupa./
Ayon sa
report na nakuha ng wow smile radio news desk, nagsampa ng reklamo si Gonzales
sa husgado para paalisin ang mga informal settlers sa naturang lugar dahilan sa
kailangan na umano ng kanyang pamilya ang nabanggit na lote./
Kaugnay nito nagngingitngit
sa ngayon ang mga apektadong pamilya dahilan sa bukas na petsa onse ng nobyembre
ang nakatakdang araw para sa isasagawang demolisyon./
Daing ng apektadong
pamilya na sana mabigyan sila ng maayos na relocation site bago sila paalisain./
sa kabilang dako aminado si Atty. Richard Manila, Monitoring and Adjudication
Head kan Housing and Land Use Regalatory Board - Bicol na hindi umano mapipilit
ng mga informal settlers si Gonzales sa kanilang kagustuhan ma nabigyan sila ng
relokasyon dahilan sa mas pinaboran ng korte ang may ari nito./
Samantala, ayon
sa nakapalaman sa Article 7 ng Rep. Act 7279. Ang local na pamahalaan sa
pamamagitan ng administrayon ni Mayor MBR ay dapat na maghanap ng relocation
site ng mga ito.//
Thursday, November 6, 2014
BANGKAY NA NATAGPUAN SA CABID-AN NAKILALA NA
Nakilala
narin ng pamilya ang lalaking napatay sa brgy cabid-an kaninang madaling araw./
Sa report na nakuha ng wow smile radio news team mga dakong alas 10am kaninang umaga ng dumating ang nanay ng biktima at positibo nga niya itong kinilala na si Joemar Ibio Benasa dating nakatira sa Brgy. Pangpang dito sa lungsod at ngayon nga ay nakatira na ito sa brgy. Agkusara sa bayan ng Juban kasama ang live in partner nito./
Ayon sa nanay may edad si Joemar na 21yo./ /
para sa mga dagdag impormasyon tututok sa 92.7fm
Sa report na nakuha ng wow smile radio news team mga dakong alas 10am kaninang umaga ng dumating ang nanay ng biktima at positibo nga niya itong kinilala na si Joemar Ibio Benasa dating nakatira sa Brgy. Pangpang dito sa lungsod at ngayon nga ay nakatira na ito sa brgy. Agkusara sa bayan ng Juban kasama ang live in partner nito./
Ayon sa nanay may edad si Joemar na 21yo./ /
para sa mga dagdag impormasyon tututok sa 92.7fm
ISANG BANGKAY, NATAGPUAN SA MAY BRGY. CABID-AN NA MAY TAMA NG BALA
Halos maligo
sa sariling dugo ang bangkay ng Isang bangkay na natagpuan sa may baranggay
cabid-an kaninang mga dakong alas 3 y medya ng umaga./ Sa tulong ng barkadahan
member kaagad itong ipinaabot sa sa wow smile radio news desk./
Kaugnay nito
mga alas kwatro ng madaling araw agad itong ipinutok sa wow smile radio at
exclusibong nasaksihan at nakuhanan ng footage at mga picture ng mga wow
patrollers./ Ayon sa inisyal na salaysay ng soco may tama ng bala sa may kanang
sentido ang nasabing biktima, may naka tattoo sa may kaliwang kamay ng
pangalang jayson, at tinatayang nasa pagitan ng 20 to 30yo, mapayat at mga 5”2
ang height./
Ayon pa sa mga otoridad nakalilis ang mga bulsa ng suot nitong
short na kulay blu at pula ng kanilang maabutan at nakuha pa sa bulsa nito ang
sigarilyo, posposo, lighter at wallet./ ilan pa sa mapagkakakilanlan sa
nasabing bangkay ay nakasuot ito ng sombrerong may tatak na no fear at may suot
pa itong singsing./
Samantala, hanggang sa ngayon ay blanko parin ang mga
otoridad sa identity ng nasbing bangkay, maging ang kapitan at mga taga
cabid-an ay hindi rin ito kilala./
Samantala, patuloy parin ang imbistigasyon
ng mga otoridad particular na ang SOCO at inaalam pa kung may kinalaman ito sa
ilang pagpatay na nairerehistro ditto sa lungsod./ sinabi naman ng ilang
residente na mga dakong alas dos ng madaling araw nakarinig sila ng putok sa
naturang lugar.//
Subscribe to:
Posts (Atom)