WOW

Tuesday, November 25, 2014

CASIGURAN X-MAYOR BUBOY HAMOR PINABULAANAN ANG ISYU NA UMURONG ANG CASIGURAN WATER DISTRICT SA PAGSUPLAY NG TUBIG SA SORSOGON CITY WATER DISTRICT

Pinabulaanan ni Former Mayor Buboy Hamor ang balitang umatras na ang casiguran water District sa proyektong niluluto sa pagitan ng Sorsogon City water district./ 

Matatandaan na ang bayan ng casiguran ang isang bayan na marami ang suplay ng malinis na tubig kung saan ang mga bayan ng Juban at Gubat ang ilan lamang sa sinusuplayan nito./ 

Ayon kay xmayor aprubado na ang loan at  grant, kaya imposibling umuurong ang casiguran./ katunayan umano pumayag na sila sa hiling na taripa mula sa P10 sa ngayon ay P8 na lamang at ibabalik lang sa P10 matapos ang tatlong taon./ ayon pa kay xmayor ang pondo ay mula pa kay sen chiz escudero kung saan aprubado na umano ito ng senado./ 

Dinagdag pa ni hamor na  within 2 weeks pwede na itong marelis sa casiguran,/ aprubado narin umano ang loan sa DBP./ 

Samantala, nasa kamay na umano ng Sorsogon City water district ang bola kung tatanggapin nila ito o hindi pero sinabi ni Hamor at cas water district GM na si MR. Ed Tejada na kung hindi ito tatanggapin ng SCWD itutuloy parin nila ito sa pamamagitan ng LGU Sor City kung saan 3k cubic metr per  day ang pwede nilang isuplay.// 

No comments:

Post a Comment