WOW

Thursday, November 13, 2014

MGA DRIVER NA MAHILIG SA OVERLOADING MAAARING MAKANSELA ANG LISENSYA

Maaring makansela ang mga drivers licens ng sinumang mapapatunayang may mga driver na paulit-ulit ng nagsasakay ng tinatawag na overload./ 

Ito ang nagging babala ni Traffic Regulation Officer II na siya ring incharge ng LTO Sorsogon na si Delfin Peñaflor./ Pinalabas ni Peñaflor ang naturang pahayag kaugnay ng pagkaka disgrasya ng isang Jeepny sa Bulusan na nagresulta sa pagkakamatay ng isang estudyante./ 

Ayon sa ahensya ang pagsasakay ng higit sa kakayahan ng sasakyan o overloading , mapa jeepney man ito o tricycle ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas base sa REPUBLIC ACT NO. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.”/ 

Matatandaan na ito ang itinuturong rason sa pagkaka aksidente ng isang jeepny na nag resulta pa sa kamatayan ng isang nag ngangalang john paul./ Dinagdag pa ni Peñaflor na sa mga liblib na lugar ay nagiging kaugalian na nila ito./ 

Ayon pa sa kanya nasa control ng driver at konduktor kung magsasakay sila ng sobra./ Samantala, malaking pananagutan umano ito ng driver at operator kung mapapatunayang nag overloading nga ang naturang sasakyan at may malaking pananagutan ito s batas.// 

No comments:

Post a Comment